Chapter 6

1.1K 26 0
                                    

Habang nakikipag usap ako kay erin, hindi ko maiwasang di sulyapan ang babaeng yun, ewan ko ba pero parang pasulyap sulyap rin sya sa direction ko "nag iimagine ka lang lil" I told to myself.

Hmm "Erin, sino pala yung girl na may brown hair dun sa kabilang table" patanong na sabi ko kay erin, natural umasta ako na parang hindi interesado.

"yung katabi ng blonde hair?" sabi nyang patanong habang nakatingin na rin sa direction sa kabilang table.

"ou malamang sino pa nga ba? Sya lang naman ang may brown na hair sa kanila duh" sabi kong natatawa kay erin sabay roll ng mata.

"Hindi mo kilala?" pagulat nyang sabi habang nanlalaki ang mata. hmm weird.

"Of course! I'm new here, at wala akong power para manghula o magbasa ng mind so tell me who is she?" painip kong sabi sa kanya.

Really erin! nagtanong pa sya natural hindi ko kilala kaya nga nagtatanong uhg nakaka badtrip.

"Si Kathryn Prescott lang naman yang tinutukoy mo ang queen bee ng university" sabi ni erin with boring tone habang tinuon na ang attention sa pagkain.

"Oh" yun nalang nasabi ko habang tinapos ang pag titig kay kathryn at nag focus nalang din sa pagkain ko.

Patapos na akong kumain ng lunch ng biglang may kumalabit sa likoran ko natural wala akong idea kung sino nakatalikod kaya ako.

"Excuse me, Hi Lily" sabi nya na parang nenenerbyus.

Weird bakit sya nenerbyusin, parang familiar yung tono ng boses nya.. Nilingon ko ang stranger, and there he is.. si Danny worset. Sabi na nga ba eh kaya familiar yung boses..

"Uhh hi danny" sabay ngiti ko ng matamis, ewan ko ba pero magaan ang loob ko sa lalakeng to "siguro dahil tinulungan nya ako kanina".

Back to reality, "I'm glad naaalala mo pa pangalan ko" sabi nya at ngumiti, yung ngiting gustong kunin ang attention ng taong ngingitian nya, ganun na ganun.

"Ou naman, makakalimutan ko ba yung taong tumulong at nagturo ng daan sa akin kanina" sabay kindat sa kanya.

"Eheem" pagputol ni erin sa titigan namin ni danny. Uhg lagot ka sa akin mamaya erin. Fudge!

"Dan upo ka muna, baka mangawit ka nyan sige ka" pabiro kong sabi sa kanya habang inilagay ko ang isang kamay sa ibabaw ng mesa.

"Thanks!, nga pala may subject ka pa ba after lunch" sabi nyang patanong, at nakataas ang dalawang kilay.

"Um ou eh, meron last subject ko for today, ikaw ba?" sabi ko kay danny while grinning.

Sanay naman ako ngumiti sa mga tao so walang kaso sa akin kung ngumiti man ako araw-araw. Napapikit nalang ako nung nagflash back sa isip ko ang mukha ni kathryn, dahil sa image na nasa mind ko napapangiti ako.

"wala na pero.." pa pause nyang sabi.

"pero ano?" sabi kong na cucurious sa sasabihin nya.

"mayPracticekasekamengbandakoafterlunchyayainsanakitangpumuntaparapanoorinako" tuloy tuloy at mabilis nyang sabi.

kung iba lang ang kausap ko ngayon sigurado masakit na tummy ko neto kakatawa, well nakakatawa kasi mukha nya habang nagsasalita sya.

"Huh, ano yun hindi ko naintindihan" sabi kong ngumiti at kinagat ang ibabang labi.

Parang di sya mapakali dahil lumingon muna sya sa right side nya which is katabi nya si erin. "weird ha" iniisip ko nalang baka importante sasabihin nya kaya ayaw nyang marinig ni erin.

"Ibulong mo nalang sa akin" sabay lapit ng mukha ko sa kanya, hindi naman yung malapit na malapit yung sakto lang, At nakangiti.

"May practice kasi kame ng banda ko mamaya, I was just wondering if gusto mong manood" pabulong nyang sabi.

FUCK! I HATE HER. (taglish GxG GxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon