Kabanata 2

8 1 0
                                    


Hindi ako susuko.

Hindi ko masasabing tanggap ko na ang lahat. Hindi ko rin kayang sabihin na hindi ako nasaktan sa sinabi niya. Ang alam ko lang, hindi pa huli para patunayan ang lahat. 

May kaliitan ang bahay namin. Mababa ang kisame kaya naglalagablab ang singaw ng init ng araw kapag umaga. Kapag gabi naman ay bahagyang lumalamig.

Kumukulo na ang tinolang niluto ko. Marunong akong magluto dahil tinuruan ako ni Mama. Ang iba kong kapatid ay nasa mesa at nag-aaral.

Lumapit si Mama na kakatapos lang magwalis. Hinugasan ang kamay at pinatuyo. Kumuha siya ng kutsara at tinikman  ang sabaw ng tinola.

"Bien, mukhang masarap to ah,"

Tumango naman ako kay mama. Blanko kong tinignan ang niluluto. Amoy sa usok na nanggagaling roon na talagang masarap nga.

"Mukhang malalim ang iniisip mo anak? Okay ka lang ba?"

Itinapat nito ang kamay sa noo ko.

"Wala ka namang lagnat,"

Dahil doon ay napatingin ako kay mama. Napalalim ba ako sa iniisip ko? Hindi ko napansin.

"Okay lang ako, ma,"

Natigil ang usapan namin nang dumating na si Papa. Isa-isang umalis ang mga kapatid ko mula sa pagkakaupo at tiniklop muna ang libro.

Sinalubong si Papa ng mga kapatid ko para magmano. Pinatay ko na ang kalan at lumapit rin.

"Pagpalain ka ng diyos, iho,"

Nakapagmano na ako kay Papa. Sumunod sa pinto si Kuya at inakbayan ako agad.

"Bienvinido! Masarap ba ang luto?"

Sumimangot ako kay kuya. Higit siyang matangkad sa akin. Inalis ko agad ang braso niya sa balikat ko.

Galing siya sa unibersidad. Ganito lagi ang uwi niya. Alas-syete ng gabi o mas matagal pa.

"Aba't Jaime! Tigilan mo nga yang kapatid mo! Kumusta ang exams? Madali ba?" usisa ni Mama.

Napatigil si Kuya. Napakamot sa ulo at bungisngis na ngumiti.

"Pasado naman... siguro."

"Siguro? Bakit 'siguro' lang, kuya?", singit ni Ellaine. Siya ang kapatid kong babae na bunso.

Lumapit si Kuya Jaime kay Ellaine at pinisil ang ilong nito.

"Kase, mahirap ang college, bunso. Kaya siguro lang ang sagot ko. Pero pasado yan!"

Napailing si mama sa kanila.

"Wag niyong gayahin iyang kuya niyo. Mag-aral kayo ng mabuti dahil iyan lang ang maipapamana namin sa inyo,"

Si Papa naman ay lumapit sa kanya at niyakap. Kinuha ni mama ang face towel na nasa balikat ni papa at ipinangpunas ng pawis. Ngumiwi ang mga kapatid ko sa kanila.

"Ayan na naman sila. Kadiri. Yuck," ani Cryssa. Ang pang-apat sa amin.

"Ah, kadiri pala ah. Halika dito!"

Lumapit si Papa at Mama kina Cryssa para sa isang grouphug. Nakisali na rin ang iba ko pang mga kapatid. Tahimik ko lang silang pinanood.

Hindi ko na sila inantay at inilipat ko na ang tinola sa isang mangkok. Nagtatawan sila ng ilang sandali na di rin nagtagal.  Kakaiba silang tumingin sa akin. Katahimikan ang namayani nang ilang minuto.

"Napaka-kj ng isa diyan," bulong ni Ellaine. Sinaway siya agad ni mama.

"Tulungan niyo ang kapatid niyo at magsandok na kayo. Dali na't kilos. Marami pang tatapusin." Si mama.

Smile, SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon