May pag-asa pala?Isang linggo na rin ang lumipas nang ibinigay ni Papa sa akin ang kamerang iyon. Nagamit ko iyon ng husto. At sa magandang dahilan.
Tulog na ang mga kapatid ko. Nag-iisa ako sa mesa. Inilabas ko ang panibagong kwadernong ginawa ko magmula pa noong isang linggo.
Naisipan kong sulatan ng mga tula si Sunshine. Alam kong kahibangan ito at wala akong mapapala. Ano ba naman ang magagawa ng isang pangit diba? Pero gusto kong subukan.
Masaya rin pala sa pakiramdam na mag-alay ka ng mga bagay na gusto mong gawin para sa nagugustuhan mong tao. Pakiramdam ko ay buhay na buhay ako ng mga nakalipas na araw.
Hindi ko rin alam kung pano ko nagawang itago sa kanya ang bawat kong pagkuha ng litrato. Kahit saan doon, hindi siya ngumingiti at hindi siya nakatingin. Laging malungkot at malalim ang iniisip.
Panay sulat at bura ng lapis ang ginawa ko sa nakalipas na limang minuto. Ginulo ko ang buhok dahil sa kaguluhan ng isip. Nagsimula na akong isulat ang unang tula na iaalay ko para sa kanya.
Binibini, tunay ka ngang marilag,
Ngunit sa mga nangungusap mong mga mata, ako'y nabihag,
Kay lalim ng iyong lungkot at pighati,
Ang iyong mga hinanakit, nais ko sanang mapawiNapasabunot ako sa buhok. Siguradong nakasimangot na ako habang nagsusulat.
"Ano ba yan, pati gawa ko, pangit. Wala ba talaga akong talento? Pagsulat nalang ng tula eh, hindi pa ako marunong,"
Dismayado ako sa sarili. Wala na akong choice. Pangit talaga ako magsulat ng tula. Sa susunod, pag-aaralan ko.
Tinrabaho ko nalang ang kwadernong paglalagyan ko ng mga litrato ni Sunshine. Dinesenyuhan ko na iyon. Mga mga bulaklak sa cover at may calligraphy.
'Sinag ng Araw' ang title. Ang corny. Pero iyan ang sinulat ko para hindi makilala. Makikilala ng mga kaibigan ko, pero hindi ng pamilya ko. Ayaw kong isipin nilang may pinagkakaabalahan akong babae. Gusto kong isipin nilang project ko lang iyon sa school.
Talaga ba, project sa school pero puro larawan ng babae? Ng kaklase? May proyekto bang ganon?
Hindi naman sa ayaw kong makilala nila si Sunshine. Ayaw ko lang na iniisip nilang mababaw ang pagkagusto ko sa kanya. O pampalipas oras lang dahil nagbibinata. Ayaw ko ng ganon. Hindi ako ganong lalaki.
"Ano yan?" Biglang sumulpot sa gilid ko si Kuya Jaime. Dala ang libro, tingin ko ay mag-aaral sana. Kaya lang ay nakita ako dito.
Mabilisan pa sa kidlat ang pagkasarado ko nung kwaderno pati ng pagtakip ng papel para matakpan ang mga litrato.
"Wala to, Kuya,"
Ipinatong ko ang siko sa notebook. Nanliliit ang mga mata niya sa akin.
"Talagang wala?"
"Wala," daglian kong sagot.
Napapikit akong tumingin sa kanya, nauubusan ng pasensya. Ngumiti agad ito ng nakakaloko.
"Ano yan? Para sa babae?"
Kumunot ang noo ko sa kanya. "Hindi ah, project to sa school."
"Ah, project sa school," patango-tango pa si kuya. Akala ko naniniwala na siya. Mali lahat ng akala.
"Project sa school ha? E sino yang babae? Ano yun, nililigawan mo?"
Nanlaki ang mata ko.
"L-ligaw? Anong ligaw? Walang ligaw, kuya! Ba't ko naman liligawan," Ni hindi nga ako gusto.
BINABASA MO ANG
Smile, Sunshine
Short StorySi Bienvinido- hindi siya gwapo. Hindi rin mayaman. Hindi rin matangkad. Dugyutin. Gusgusin. In short, pangit. May gusto siya sa isang babae na kaklase niya sa hayskul. Maganda. Matangkad. Mahinhin. Misteryoso. At sa bawat click ng kamera ni Bienv...