Midnight game, Isang ritual ng mga pagan na kinakatakutan ng lahat. Nung dati hindi ako naniniwala dito ngunit nung nasubukan ko, nag iba na ang isip ko. Mayroon rin tayong tinatawag na Midnight Man. Siya ang papapasukin sa pinto ng bahay niyo, siya rin ang huhuli sayo pag ikaw ay natalo. Kaya sa laro na ito, and kasabihan na "Don't panic if you panic you will die" ay isang napaka importanteng bagay na kailangan mong tandaan.
Ano ready ka na ba makipag laro kay midnight man?
Simula...
Nakita ko ang larong ito sa facebook 11-1-12. Araw ng mga patay 3:00 na ng hapon . Tinawag ko ang mga kaibigan ko para pag usapan ang midnight game.
Myla: totoo ba yun? hay nako... naniniwala rin kayo kay midnight man? kalokohan lang yan..
Mj(me): Try kaya natin, kaso wala kaming wooden door eh di ako sigurado kung wooden talaga yung amin eh.
Dennis: Meron kami! sabi ni mama wooden yung pinto na iyon eh tyaka wala mamaya sa bahay sina mama at papa boring sa bahay. Gawin kaya natin yun?
Mj(me): Baka di ako payagan na mag stay sa inyo hanggang 12 eh..
Dennis: Papayag yun mommy mo pa! Kilala naman ako nun tyaka dyan lang tayo sa bahay namin ang lapit lapit lang eh. May mga kasama naman tayo ipapaalam kita.
Bibo: May mga kandila rin kami sa bahay dadalhin ko na lang sa bahay niyo mamaya. Sunduin ka na lang namin Mj para mapaalam ka namin.
Angelo: Teka eh ang sabi DON'T PLAY THE GAME AT RECOMMENDED PA! Tyaka dapat hindi tayo nakikipag laro sa mga kaluluwa lalo na at araw na ng patay ngayon.
Myla: Ay sus, takot ka lang yun ang sabihin mo. Kaya ayaw mong sumali, kung ayaw mo di wag. Kalalaki mong tao matatakutin ka.
Angelo: eh totoo naman paano kung hindi talaga siya umalis ng 3:33 am. Edi guguluhin niya tayo? Iniisip ko lang na dapat respetuhin natin ang mga kaluluwa.
Mj: May point ka dun, medyo kinikilabutan rin ako gawin yun eh.
Joy: Oo nga, wag nating gawin to nakakatakot eh ayoko pang mamatay.
Myla: Tumigil ka nga tyaka Mj ikaw ang nag suggest di ba tapos ngayon natatakot ka eh. Ay basta mamayang 11:30 pupunta kami sa bahay niyo Mj susunduin ka namin. Papaalam ka rin namin pumunta kila Dennis ok?
11:30 pm
Nasa bahay na namin sila, at for the first time pinag dadasal ko na sana hindi ako payagan para may dahilan ako.
Myla: Ate peach, pwede ba kaming pumunta kila Dennis dun po kami matutulog muna kasi may gagawin po kaming project.
Napa isip ako, Project daw? Ay kasinungalingan nanaman ni Myla.
Mommy: O sige basta dun lang kayo ah. Mj mag bihis ka para makapunta na kayo kila Dennis. Saglit lang Myla ah.
Myla: Sige po.
Aytsss!! Ang malas ko talaga kung kelan na ayaw kong pumayag si mommy tyaka siya pumayag! Ay naku malas ko naman talaga oh.
11:45
Nasa bahay na kami ni Dennis at hinahanda yung mga gamit. Habang si Dennis naman ay binabasa ang mga rules.
Dennis: Bibo, ibigay mo na yung kandila sa kanila. Bigyan mo rin sila ng 1/4 sheet of paper. Pati na rin yung karayom ibigay mo na.