Maingay ang klase ngunit tahimik lang si Empress na kumokopya ng pointers to review mula sa white board. Lahat ay excited kasi half day lang sila dahil sa faculty meeting ng buong junior high school department.
Friday ngayon at meron na lang silang higit isang linggo bago ang fourth periodical exam. She can't wait for the school year to end. She believes that she deserves a good vacation after all of her hard work in school.
Kaagad niyang iniligpit ang mga gamit nang matapos siya sa pagkopya ng pointers sa lahat ng subjects. Excited din siyang umuwi dahil bukod sa half day lang sila, ngayon nila napagkasunduan ni Arianne gawin ang paboritong cake ng Ate Yana niya.
Naipagpaalam na niya iyon kay Yves. Ang sabi niya ay gusto niyang i-cheer up si Yana dahil napapansin niya pa rin ang mga paminsan-minsang pagtulala at ang pagiging malungkot nito. She will also buy her sister a gift in the mall before going home.
"Uuwi na ba kayo agad pag dinismiss tayo?" Napatingin siya kay Diego nang magsalita ito sa tabi niya.
Hindi niya namalayang naroon na pala ito kahit magkalayo sila ng upuan. Alphabetically arranged ang upuan nila kaya naman siya ay nasa first row habang si Diego ay nasa second row at si Arianne naman ay nasa last row. Twenty-five students lang sila sa star section.
"We'll buy something at the mall. Why?" tanong niya bago isinara ang bag.
"Ah... Yayain ko sana kayo manood ng practice namin sa auditorium," anito na ikinatango-tango niya. May practice ang mga taga-Teatro Filipino para sa nalalapit na school year end party. Lahat ng clubs ay may kaniya-kanyang ipe-present na related sa kung anong club sila nabibilang.
Ang Math Club na kinabibilangan niya ay magtatayo lang ng game booth. Natapos na nilang pag-meeting-an ang mga gagawin noong nakaraan kaya wala na silang aalalahanin pa bukod sa pagtayo ng mismong booth na matagal pa naman mula ngayon. Sa clearance day gaganapin ang school year end party.
"Pasensya na kung tatanggi ako ngayon, ha? May plano na kasi ako today. Why not ask Arianne na lang? Pwede ko namang pasunurin na lang si Arianne sa bahay after manood sa inyo. Tutulungan niya kasi akong gumawa ng cake for Ate Yana," paumanhin at suhestiyon niya. Saglit niyang nilingon si Arianne na abala rin sa pagliligpit ng gamit bago muling bumaling sa kausap niya.
"I've already asked her but she declined. Ikaw pala ang kasama. O, sige, 'di bale... Sa final rehearsals na lang kayo manood. Aasahan ko kayo, ha?" he said before smiling at her, revealing his perfect set of white teeth.
Kung isa lang siya sa mga nagkakagusto kay Diego, marahil ay napatili na siya sa pagngiti nito. Hindi maipagkakailang magandang lalaki ang kaibigan niya kahit moreno ang balat nito.
"Sure. Sa last day naman 'yon ng exams, 'di ba?"
"Oo, punta kayo, ha?"
"Oo naman!"
Bumalik din si Diego sa upuan nang pumasok ang kanilang class adviser na kanina'y nagbanyo lang. Maya-maya'y nag-dismiss na ito ng klase kaya naman agad siyang tumayo.
Nilapitan siya ni Arianne at sabay silang lumabas ng classroom matapos magpaalam kay Diego. Arianne wished him luck for his rehearsals that made him thank her.
"Bakit tinanggihan mo si Diego? Okay lang naman na sumunod ka na lang sa bahay after ng practice nila. Sayang naman," nanghihinayang na saad niya nang makasakay sila sa Montero. Umandar agad iyon palabas ng school campus.
Umiling si Arianne bago tumikhim.
"That would be awkward, you know! Hindi ko naman ka-close ang mga taga-Teatro Filipino. Mag-isa lang ako roon kung sakali. Mamaya ay bigla akong tambangan ng mga fan girls ni Diego. Wala akong resbak!" Ngumuso ito na ikinatawa niya.
BINABASA MO ANG
The Politician 2: River Sanders
Chick-LitEmpress Cervantes knows what she wants in life--she would excel in her studies and would not let any distractions get in her way, love life included. But things get complicated when she meets the cold and rebellious River Sanders, her half-sister's...
Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte