CHAPTER 3 : BUBBLE GUM

8 2 0
                                    

A/N : AGAIN, LATE UPDATES.

--------------------------------------

CHAPTER 3

ASTHARIA'S (Sister of Aldrey) POV

Malapit na akong umuwi sa Pilipinas at dahil malapit na ang pag-uwi ko naisipan ko munang bilhan si Aldrey ng sapatos.

Pagka-galing ko pa lang sa bahay ay dumiretso agad ako sa banyo at naligo.

Pagkatapos nuon ay kinuha ko ang laptop ko at clinick ang VIDEO CALL button ng messenger.

*RINGING ALDREY*

Agad kong hinawi ang buhok ko at humarap sa camera ng laptop.

"Hey bro! How's your day? Wait! What's going on your hair!" tanong ko ng sagutin nya ang vc. Nakita ko kasing may kung anong nakalagay doon.

"Unlucky day Thara."

"At bakit naman? Mukhang nakakalimutan mong Ate mo ako? Gusto mo bang isumbong kita kay President para maparusahan ka--"

"Ok fine, Ate Thara."

"So why your day, was unlucky? Atsaka bakit may--" Tiningnan ko pa sya bago uli magsalita. "It's that, bubble gum?! OMG, what the hell? Sino ang gumawa nyan?! Tell me!"
Napayuko sya ng ituro ko ang buhok nya.

Napatingin ako sa screen ng monitor ng humigop sya ng kape. Ngunit nakatakip ang isang kamay nya sa buhok nya.

Umaga na dito at Gabi naman doon.

"May nakilala kong babae--"

"Op! Chix yan ano? Lagot ka talaga! Nagka-bubblegum na nga ang buhok mo ay lalandi--"

"Ate naman, She's not my type! Iw atsaka sya ang may gawa nito!"

Tinitigan ko sya ng masama.

"Bully ka na naman ano?! Kaya hindi ka magustuhan ng nililigawan mo eh! Ahm what's her name nga?! I forgot"

"Erin Xhyrine Ferriah"

Napatingin muli ako sa gawi nya ng dumaan si Yaya Anie. Kumaway pa ito sa gawi ko.

"Hi Thara! Naku, mas lalo ka pang gumanda! Kailan ka ba babalik dito? Namimiss ka na namin!"

"Yep, thank you Yaya. But please, pagsabihan mo naman si Aldrey na wag na ulit syang MANG-BU-BULLY dahil tingnan mo naman ang nangyari sa buhok nya!" pagdidiin ko pa.

"Pinagsasabihan ko yan Astharia. Sadyang pasaway lang at spoiled sa akin haha. Kasalanan nya din naman kung bakit sya nilagyan ng bubble gum--"

Ngayon ay nagsalita na si Aldrey.

"Yaya! Hindi ko kasalanan na naiwan ko ang Varsity Shirt ko at ang ID ko dahilan para mag agawan kami ng taxi kanina! At first of all, wala akong choice kundi ang mag-taxi dahil wala akong dalang car. Coding ako nun! Tss."

Napahilamos pa sya sa sarili nyang mukha.

Ngumiti nalang ako bilang sagot.

Si Yaya Anie ang nag alaga sa aming dalawa ni Aldrey. Swerte nga si Andreana at si Mom ang kumalinga sa kanya.

WHEN SHE MET ME Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon