SIMULA

0 0 0
                                    


Nakatingala sa kaliwanagan ng buwan kung saan mo makikita ang tunay na ganda nito, nagsisilbing ilaw at liwanag ng buong mundo.


“ Wala ka bang balak na umuwi sainyo Selene?”biglang tanong sakin ng pinsan ko. Sinamahan niya ako rito sa tabing dagat para pagmasdan ng mabuti ang napakandang buwan. Nilingon ko siya at pilit na ngumiti.




“ Ayoko pang umuwi samin, couz”tumingala ulit ako sa buwan at inalala ang mga mapapait na nangyari sakin. Hindi ko alam kung ano ba ang mali sakin at nangyayari sakin lahat ng ito. I am not good enough?





Hindi ko ba deserve na mahalin? Nakakahiya.Nakakaiyak. Nakakasakit. Nakakamatay sa sobrang sakit na iniwan ka ng taong pinakamamahal mo sa araw ng kasal ninyo.

Bakit? Bakit ganito?



Ang pinakamasakit sa lahat iniwan niya ako dahil sa kapatid ko, parang magugunaw na ang mundo ko sa sakit at pait. Mga taksil sila. Gusto kong magalit at gumanti pero diko magawa. Ang hina hina ko.



Bumuhos ang mga luha ko at mahinang napahikbi. Niyakap ako ng pinsan ko.



I hope... that someday there’s someone who will love me how I love the moon. Someday , I will shine like a moon. Papatunayan kong maling sinaktan nila ako.

SelenophileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon