Chapter 3 : The Clash

21 0 0
                                    

" He's already courting here ? ! "
Gagad ko sa sinabi ni Drei. 

"Oo pare , kanina ko lang din nalaman na nililigawan na ni Stefan ang pinsan mong si Tricia. "
Pagkukwento nito. 

Natawa ako. Parang nung nakaraang linggo lang sinabihan ko siya na wag nang makipagtalo pa sa nararamdaman. Tapos eto agad ? Bilis nya ahh.  :)

"At last niligawan na din niya . "
Aniko na kinuha ang bote ng tubig saka uminom. Kagagaling lang namin ng gymnasium at doon ay naglaro ng basketball.

Kanina lang ay ka one on one namin ang teammates ni Stefan , at hindi man lang talaga naikwento sakinng mokong na yun na niligawan na pala niya si Tricia. No wonder magana syang maglaro kanina at naka 24 points pagkapos ng dalawang  game match.

Matagal ng may gusto si Stefan kay Tricia. Masyado lang torpe ito kaya hindi maligawan , pangalawang dahilan ay dahil pinsan ko ang liligawan niya at kapatid din ni Tristan na isa pa niyang kaibigan. At pangatlo ay dahil na din sa agwat ng edad nila. Fifteen years old pa lang si Tricia at si Stefan naman ay twenty one.

" Oo nga eh . Buti pa siya , may matino nang nililigawan eh ikaw kaya. "
Taas ang kilay na tumingin sya sa'kin 
"Balita ko nagpa-iyak ka na naman daw." 

" Basta chismis mabilis ka talaga Drei. "


Nagde-kuwatro ako sa pagkakaupo sa isa sa mga bench sa school ground ng Notre .

He snorted . 
"Pare naman , paanong hindi ko malalaman eh ang daming nakakita sa inyo last week. Malas lang at hindi ko napanood yun. " 

" Masyado ka kasing Genius  kaya ka napapadpad sa ibang lugar . "

" Mas maganda na yung sa contest na pupunta kesa hotel no. "
Pang ma-mock sabi nito.

Tumawa na lamang ako. 
"Alam mo kesa pag-usapan yan mag chick-hunt na lang tayo. "
Inilibot ko ang paningin sa magagandang girls na dumaraan. 

"Chick-hunt ba kamo , ayun oh." 
Nginuso nito ang nasa unahan.

Napatingin ako sa direksyong tinuturo ng nguso ng kaibigan. 

Nakilala ko naman agad ito kahit medyo malayo pa sya sa amin.

It was Shasnie .. 

Nakasuot ito floral dress na 2 inch above the knee ang haba kaya naman kitang-kita ang mapuputi ang makinis nitong binti , idagdag pang mestisahin ang kulay ng balat nito. Sa paa naman ay isang 2inch pink sandals na may lace na itinali ng pa 'X'  sa bandang paa. Ang buhok naman nito ay may pagka dark brown na natural ang curl ng dulo , nakalugay lang ito at tanging pink headband lang ang suot.

Lahat ng suot nito ay paniguradong designers label maging ang headband na iyon dahil sa swarovski beads na naroon.

Diretso lang paglalakad nito habang kinakalikot ang cellphone. 

Bagay na bagay rito ang tawag na Campus Sweetheart because she really is a sweetheart. Maamong mukha , pointed nose na bumagay din sa pagkakahubog ng mukha, maliit na mata na binagayan ng brown eyes nito.

And that Lip's . ooohhhh. Pulang-pula kahit hindi na bahiran pa ng lipstick.

Wala itong kasama ngayon di katulad dati  na lagi nitong kasama ang dalawang kaibigan .

" Hi schoolmate ! "
Tawag ko sa kanya ng mapadaan ito sa amin showing my most seductive smile.

Hindi ito lumingon kahit pa inulit ko ang sinabi, alam kong naririnig niya iyon dahil hindi naman sya ganun kalayo sa'min. Deretso pa rin ang lakad nito na sa cellphone pa rin ang tingin. 

His Devil-Angel Love (Alway's Him PostScripts)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon