CHAPTER 1 - The Start of Something New... First Day of School

92 2 0
                                    

》》 Jillian

Tic tac..tic tac.. Ah.. shemay...

Umaga na naman. At hindi lang umaga na naman, first day na naman ng school. Pilit kong inabot ang alarm clock sa side drawer ko. Hanggang sa... "Aahhh!!!" Malakas na kalabog. I got up with a bukol on my head. Deym. Okay lang, maganda pa din. Tayo na nga!

Pababa na ko ng makita ko si Mommy na naghahanda sa kusina.

"Oh, maaga pa ah. Sobrang excited mo yata sa first day of school?"

Nginusuan ko siya. Nang-aasar ba naman? Kailan pa ko naging excited sa school, eh palipat-lipat naman ako. Ng school. Kami. Ng address. Oo. Tama. Haayy..

Since naging president ng company si Papa at sobrang sipag niya sa pagmo-monitor sa iba't-ibang branches, ayun. Palipat-lipat na din ako ng school.

"Mhie, anong niluto mo?" I sat down the chair.

"Here's one for my nice and beautiful baby." Pancake.

Napangiti ako. "Baby. Dalaga na po kaya ako." Ahh.. The best talaga ang pancake ni Mommy. Pancake pa lang 'to ah.

"Si Papa?" Umupo na din siya.

"Ah maagang umalis eh." Tss. Si Papa na talaga.

"Sige Mhie, maliligo na po ako."

**

Uniform, check.

The face, check.

Bag, check.

All set!

"Good luck sa first day mo anak. Take care and enjoy." Sabay halik sa pisngi ko.

"Mhie, thanks."

Sumakay na ako sa kotse tapos sinara na ni Mang Joey ang pinto, 'yung driver namin. (ANG HIRAP MAG-TAGALOG, PARDON FOR MY TERMS. XD)

I see. Heto ang bagong school ko, na naman. "Sige po Mang Joey."

I started walking towards the entrance gate of the school.

Ang laki pala. Maganda.

Tinuro na rin sa akin ang room namin kaya 'di na ako mahihirapang hanapin kung nasaan 'yun.

Tingnan mo 'tong mga lalaking 'to, kung makatingin, wagas?!

"Hey, bago ka ba dito? Ano name mo?"

"Hi I'm Brent. Ikaw?"

"Can I get your number?"

Ah.

Eh.

"Teka, teka. I'm in a hurry guys. Bye!" Whew.

Shemay.

Shemay! Who the hell is that guy?

Napatingin ako sa kadarating na astig na student na nakasakay sa astig na big bike.
Awesome.

Awesome ulit nang tinanggal niya ang helmet niya. Oh my gosh.
He looked at me. He looked at me!

Biglang may sumiko sa tagiliran ko. Isang babae. Todo ang ngiti.

Eh. Eh. Ngumisi ako. Sino na naman ito?!!

"Hello! Ang gwapo niya no, si Kai 'yun. Caiser Williams. Half half. Tisoy." Tsaka siya tumili. Feeling close? Tinanong ko?

Grabe.

Pero... Napatingin ulit ako sa lalaki. Kumindat siya... sa akin!

Shemay!

Bigla akong kinurot sa tagiliran ng babaeng FC.

"Type ka yata! Nakakainggit!"

Ngumisi na lang ako. Shet, ang sakit. Hmp.

Iniwan ko na lang siya. Baka hindi na ako tigilan ng babaeng 'to. Kailan ko ng pumasok, five minutes na rin kasi mags-start na klase ko.

Tapos. Aist.

"Sandali! Anong year mo na? Bago ka dito? Denise nga pala. What's your name?" Denise. Sounds like... Echos.

Inabot ko kamay niya. "Jillian. Graduating."

Ngumiti siya. Pero parang... "Jillian Graduating? Surname mo?"

Ay...

"Hindi, graduating na ako. Ikaw?"

Lumaki mata niya. "Wow talaga? Pareho pala tayo! Section A?" Tumango ako.

Tumawa siya ng malakas at hinila niya ang kamay ko. "Tara na! Pasok na tayo!"

"W-wait!!!"

Ahh. Nakakapagod. Nasa third floor 'yung classroom namin. Papunta na kami ng classroom nang bigla na lang nagtitili ang mga ibang girls sa pathway.

"Nasaan?"

"Ang gwapo daw ng bagong math teacher natin. Bata pa daw."

"Excited na ako!"

"Ayan na siya!"

Iba-iba naririnig ko. Pero pumasok na ako ng room. Nakita ko ulit si Kai sa kabilang room.

"Girl tabi tayo ha! First subject nating 'yung gwapong teacher!" sabi ni Denise.

Ewan ko ba. Heto ba talaga ang magiging first friend ko ngayong first day? Nice. Hay naku. Nakakainis. Hindi ako madalas mainis sa first day.

Pero... wait. Siya...'yung...bagong... teacher?

Nagtilian 'yung mga ibang girls at nagsiupo sa kanilang mga upuan. Tinapik ako ni Denise.

"Ang gwapo!" Mahinang sabi niya.

Gwapo nga. Chinito. Baby face. In short gwapo nga.

"Good morning."

"Good morning Sir!" Mga babaeng 'to oo.

"Ok class, I will going to be your new Math teacher from now on. I know that this will be your final year and I hope all of you,"

Napatingin siya sa akin. Ah. Do I need to look back? Oh my. Yumuko na lang ako. Bakit natyempo pa sa I hope all of you niya? Parang alam ko na katuloy ng sasabihin niya.

"Will all pass. Maka-graduate. It's a very crucial year for you. It will going to be."

Tapos tumingin ulit. Umiwas ako ng tingin. Anong akala niya, hindi ako papasa gano'n?

"Anyway, nearly forgot to introduce myself, the name's Calvin Lauchengco, your Sir Calvin."

Nagbulungan 'yung ibang girls. "Calvin, ang gandang name."

"Bagay!"

"Your Sir Calvin daw. Angkinin mo na!"

"Aayy!" Mga babaeng 'to. Pati si Denise hindi magkandaugaga.

"Oh by the way, meron daw transferee dito? Who is it? Can you raise your hand please?"

Oh no. Ano ba naman. No need na Sir, diba bago ka din naman dito kaya-

"Sir heto po!"

Denise!!!!!!

Sir, Will You Marry Me? (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon