1- Good day gone bad

21 0 0
                                    

"Hi, good morning miss. Can I have one serving of chicken curry and rice with extra vegetables, and one bottle of water please?", sabi ko sa babaeng nakatoka ngayon sa pagse-serve ng pagkain dito sa canteen ng school namin.

"Here you go, please proceed to the cashier", the girl said smiling.

"Hi, I'll take one serving of pork chili with rice, one serving of pancit guisado, two vegetable lumpia and one avocado shake please", narinig kong order ng bestfriend kong kasunod ko lang sa pila. "Oh, and please add two chocolate cupcakes with strawberry frosting"

"Bea, akala ko ba magda-diet kana ngayong tapos na ang birthday ko?", tanong ko sa kaniya kasi napakarami naman ng inorder niya.

"Abi ano ka ba! Hinaan mo nga 'yang boses mo baka marinig ka ng ibang studyante, nakakahiya!", pabulong niyang sabi sakin.

"At saka wala namang masama noh?", dagdag pa niya habang papunta kami sa paborito naming mesa tuwing lunch. "Isang linggo na akong nagda-diet kaya I'm treating myself a reward for that through this lunch"

I rolled my eyes. "Wag ka na kasing magdiet, sexy ka naman ah!", sabi ko sa kanya kasi totoo naman talaga.

Si Beatriz Zapanta ay ang half-spanish kong bestfriend since first year high school. Pilipino ang ama niya at Espanyol naman ang ina niya pero dito sila nakatira sa Pilipinas kasi nandito ang business ng daddy niya. Pareho kaming 5'6" ang height at wavy ang buhok, yun nga lang blonde ito at ako naman ay brunette.

Bagay ito sa kaniya lalo na ngayon na tumaba siya medyo dahil panay ang kain ng napakarami. Kaya naman napagdesisyunan niyang magdiet after daw ng 18th birthday ko, pero isang linggo palang kumakain na naman ito ng napakarami.

"No! Itutuloy ko talaga ang pagda-diet ko, lalo na't malapit na ang prom at thanksgiving ball natin. May nagustuhan na akong designs ng dresses na susuotin ko at hindi 'yon babagay kapag mataba ako", she said dismissively kaya hindi nalang ako nakipagtalo.

Palagi ko kasing sinasabi sa kanya na hindi na niya kailangan magdiet dahil maganda naman cya at hindi naman pangit tingnan ang katawan niya, pero ayaw naman nitong makinig.

What Beatriz wants, Beatriz gets, 'yan ang motto ng bestfriend ko. Hindi naman ito spoiled, likas na desidido lang talaga itong makuha ang nais niya.

There was one time that Beatriz came across a crying child outside a mall kung saan kami magmi-meet. She found out that the child was crying dahil hindi ito makakapasa ng science project volcano dahil sa kawalan ng materyales. So, what Bea did was bought the materials for the child with her money na supposedly for buying new school shoes. And this doesn't just happen once, it happened countless of times before.

"By the way, may dresses ka na ba para sa mga upcoming events Abi?", tanong ni Bea na nagpalungkot ng damdamin ko.

"Hindi na siguro ako dadalo Bea, hindi naman compulsory eh. At saka gastos na naman 'yan, nakakahiya na kay mama", nalulungkot kong sabi kasi gusto ko namang sumali ngunit nahihiya na akong humingi ng perang panggastos kay mama lalo na't kalilipat lang namin ng bahay kaya kailangan magtipid muna.

"What? No way!", biglang sabi ni Bea.

"What do you mean na hindi ka dadalo? Abi, kailangan kita doon, you're my only friend and this is a time to celebrate. Running for valedictorian ka tapos hindi ka dadalo? I don't think that's right"

"Eh, Bea nagtitipid ako ngayon para pang next schoolyear. At nahihiya na talaga ako kay mama, alam mo namang mag-isa lang siyang bumubuhay sa akin. Ayoko nang dagdagan pa ang gastusin namin", paliwanag ko sa kaniya.

"Hindi ko naman sinabing gagastos ka eh. Libre ko nalang sayo to Abi, consider it as my gift", sabi ni Bea at napailing nalang ako sa tinuring niya.

Mayaman kasi ang pamilya ni Bea. May malaking construction company ang daddy niya at impluwensyal din ang pamilya ng mommy niya sa Spain kaya napakadali para nito na ilibre ako sa kung anu-ano.

"Bea, hindi na kailangan. Gagastos ka na naman at saka kakabigay mo lang sa akin ng mamahaling damit nuong birthday ko. At hindi mo naman kailangan magbigay sa akin ng mga regalo eh, masaya na ako na kaibigan kita", gagad ko kasi hindi na naman ito titigil sa kapipilit na dumalo ako sa mga year-end events ng school para sa mga candidates for graduation.

"Abi, isipin mo to. Kapag hindi ka dumalo, mag-isa lang ako dun, at nakakalungkot yun. Tsaka, diba sabi ko sayo na baka last year ko na dito mag-aral kasi sabi ni mommy sa Spain daw ako magco-college. Kaya please, sumama kana. Masaya doon at ako na ang bahala sa lahat. Just leave it to me. At kapag hindi mo ako pagbigyan ay isusumbong kita kay Tita Kat na tinitipid mo nanaman ang sarili mo", ungot nito at wala na akong magawa pa kasi alam nitong napagalitan na ako nuon ni mama na tinipid ko ang sarili ko at hindi ako nag register para sa aming camping.

Ayaw kasi ni mama na may ma-miss daw akong opportunity at experience. My mother was a branch manager of a banking company in the country. Two years ago, napromote siya sa pagiging general manager, kaya kahit papaano ay nadadagdagan ang savings namin at nakalipat kami sa mas disenteng tahanan. Pero ayaw ko naman siyang bigyan ng alalahanin. Kaya minsan tinatanggap ko ang mga libre ni Bea kasi tinatakot ako nitong isusumbong daw ako kay mama sa pagtitipid ko.

"Okay okay sige, sasali na ako", ngiti ko sakanya dahil yamot na yamot na ang mukha nito. "At hindi mo na akong kailangang ilibre"

"Fine, pero ako na ang bahala para sa hair and makeup natin. And I'm not taking no for an answer", maldita nitong sabi sa akin kaya napapayag ako ng wala sa oras.

"Yeheyyyy!", biglang sigaw nito at napasuntok pa talaga. "Thank you so much Abi! Promise mag-eenjoy ka dun at kailangan na nating mag shopping!"

Masayang nagku-kwentuhan kami sa mga plano naming preparations para sa upcoming events habang kumakain. Malapit na kaming matapos ng biglang may tumikhim at napabaling doon ang atensyon namin.

"Yes?", mataray na sabi ni Bea na ikinalaki ng mata ko kasi ang pinagtatayaran niya ay walang iba kundi ang students' council president ng school namin a.k.a. "Mr. Perfect".

Binansagan itong Mr. Perfect kasi sabi pa ng nakararami he is an epitome of perfection. Matalino ito, magaling sa sports, talented, mabait, at gwapo. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ito tinarayan ni Bea at hindi ko rin maintindihan kung anong pakay nito sa amin.

"Good noon Mr. Logan", bati ko sa kaniya in a friendlier way.

"How may we help you?", I asked after a couple of seconds kasi mukhang hindi ako narinig dahil naka focus ito sa pakikipag staring contest against Bea na kaharap ko.

"I heard that you two," turo nito sa amin, "are not following a campus ordinance and I have just witnessed such disobedience before my very eyes. So please proceed to the counselor's office after lunch", he said fluently and left.

•••••••

Hey guys! I hope you like this😊. Please tell me what you think.

 Please tell me what you think

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ctto

This is who I imagined as Abi😍. She is Clara Alonso, by the way.

Lost and FoundWhere stories live. Discover now