Cate's P.O.V
Nandito na kami sa school at as usual marami nanamang nakatingin samin.
Papunta na kami ngayon sa room suot parin namin yung contact lens at iba pa naming gadgets..
"Kinakakabahan ako sa mangyayari mamaya mga cyst" mae said.
"Bakit ka naman kinakabahan mae?ehh nakaka excite nga kasi matutulungan na natin si shane!!"sabi ko habang nakangiti.
"Speaking of shane..where is she??hindi ko pa sya nakikita mula pagpasok natin."sabi ni mae habang nililibot ang paningin.
"Oo nga nohh,nasan na kaya yon". sabi ni anne na nilibot rin ang paningin para hanapin si shane..
"She went to her father"malamig na sabi ni jhane..
Tumango na lang kami sa sinabi nya.
Nandito na kami sa room at saktong pag upo namin ang pagtunog ng bell.FASTFORWARD
Tumunog na ang bell hudyat na lunch time na..inayos na namin ang aming mga gamit at naglakad patungong faculty pagkarating namin ay saktong si sir.aguilar lang ang tao kaya naman lumapit agad kami sa kanya para umpisahan na ang plano..
"Ohh anong kailangan nyo jhane?"tanong ni sir.aguilar na hndi manlang kami tinatapunan ng tingin
"Sir. Pwede ka po bang sumama samin sa garden??" Seryosong sabi ni mae.
"Bakit?anong gagawin ko dun??"tanong nya na may pagtataka..
"May nahihintay po kasi sainyo dun ehh.."anne said with a smile in her face.
"Ahhh bakit hindi niyo pa sinama rito??". takang tanong ni sir.
"Sabi nya po kasi nahihiya siya pumunta dito kaya pinasundo ka na lang niya samin"sabi ni anne.
"Sigh..ok i will go there" sabi nya at naglakad na palabas,sumunod naman kami sa kanya.
Pagdating namin sa garden ay agad naming nakita si shane na nakaupo sa pwestong lagi namin kinakainan.
"Nasan na ang naghihintay sakin??"nagtatakang tanong ni sir.
"Maupo ka muna sir."sabi ko habang nakangiti..
Nagtataka man ay naupo parin sya, pagkaupo niya hinawakan na sya ni jhane na suot ang itim na gloves..
Nagulat naman si sir. ng gawin yun ng kaibigan namin kaya nagtataka siyang tumingin kay jhane ngumiti lang sa kanya si jhane at tumingin sa kaharap ni sir.
Napatingin rin si sir. doon kaya nakita nya ang kaniyang anak na may luha sa matang nakatingin sa kanya..
"A-anak??"may ngiti at luha sa matang sabi ni sir.
"P-p-papa nakikita niyo na po ako??"nakangiti habang may namumuong luha sa matang tanong sa kanyang ama.
Tumayo sila sa kanilang inuupuan at yumakap sa isa't isa na may luha sa kanilang mga mata,nakahawak parin si jhane sa balikat ni sir.
"P-panong nandito ka sa harap ko at nayayakap?"may ngiti at halong pagtataka na tanong ni sir. Sa kanyang anak.
Tumingin sya sa gawi namin ni shane at ngumiti..
"Papa dahil po sa kanila kaya nandito ako at nakikita nyo..tinulungan nila ako na makausap ka para makapag paalam ng maayos at para maka akyat na ako sa langit"nakangiting saad niya.
Napatingin naman saamin si sir. ngumiti sya samin naikinangiti rin naming apat.tumingin na ulit sya sa kanyang anak at nagsimula ng magpaalam si shane sa kaniyang ama na may luha parin sa mata.
"Papa..ingatan nyo po ang sarili nyo ha,para hindi kayo magkasakit tsaka wag na po kayong magsusungungit sa mga studyante nyo kasi nakakapanget yun"natawa naman kami sa kanyang sinabi..
"Tsaka papa wag na po kayong malungkot dahil wala na ako kasi pag malungkot kayo pati po ako nalukungkot..dapat nga po masaya kayo kasi kasama ko na po si papa jesus tsaka alam ko po na hndi nya ako pababayaan kaya wag na po kayong magalala..tsaka kasama ko na rin si mommy dun and papa i wish for you to be happy kahit wala na kami ni mommy.."shane said with a full smile in her face..
"Anak pano ako sasaya kung wala na kayo ng mommy mo??alam mo naman na kayo ang happiness ko diba tsaka hindi ko kaya na wala kayo"malungkot na sabi ni sir. sa kanyang anak..
"Basta papa wag ka na sad dapat happy lang hahaha.."sabi ni shane.
Bigla kaming napatingin sa taas dahil ito ay nagbibigay ng sobrang liwanag kay shane.
Nakangiti si shane habang naka tingin sa taas..tumingin ulit sya sa papa nya.."papa mukhang hanggang dito na lang ang pagpapaalam ko basta papa yung mga sinabi ko kailangan gawin nyo ahh i love you"nakangiti nyang sabi at niyakap ang ang kaniyang ama.
"Anak salamat sayo dahil pinasaya mo ulit ako sana maging masaya rin kayo ng mommy mo dun ilove you too anak ikamusta mo na lang ako sa mommy mo tsaka sabihin mo mahal na mahal ko sya"nakangiting sabi ni sir.at niyakap ulit ang anak.
Kumalas na sa yakap si shane at tumingin samin na may ngiti sa labi..
"Salamat sainyo dahil nakapagpaalam ako sa aking ama at ang sagot sa tanong nyo ay aking ibibigay..sana ay malaman nyo ang katotohanan at matapos nyo ang inyong misyon..paalam"nakangiti nyang sabi at biglang lumiwanag kasabay ng pagkawala ni shane ay nawala na rin ang liwanag na sumilaw sa aming mga mata..
Ngumiti saamin si sir.at nagpasalamat kasabay nun ang pagtunog ng bell hudyat na tapos na ang oras ng aming pagkain..
Nagpaalam na saamin si sir.at pumunta na sa kanyang susunod na klase..pumunta na rin kami sa aming room at naupo.
FASTFORWARD
Mae's P.O.V
Nadito na kami sa sala nanonood ng tv kanina pa natapos ang klase namin.
Masaya ako dahil natulungan namin si shane ang gaan sa pakiramdam pero pano kaya namin makukuha ang sagot sa mga tanong namin??wala naman siyang binigay samin at wala rin siyang sinabi saamin..
"Ang daya namn ni shane!hindi nya satin sinabi yung mga clue na kaylangan natin"nakasimangot na sabi ni anne.
"Oo nga san kaya natin makukuha yun ang daya nama---WHAT DA PAKhaggavsb"nagulat kami ng biglang lumiwanag ang ibabaw ng lamesa..bigla namn nawala ang liwanag at nag iwan ng isang sobre na kinuha naman agad ni jhane at binasa.
--------------------------------------------------------
Its_Aneeee♡