Simula

88 0 0
                                    




Simula

"Kenzie, are you going to the party tonight?" Pearly whispered while Sir Anthony is discussing his last lesson for the whole third quarter.

Gulat akong napatingin sakanya. Pearly doesn't want go to the party in her whole life. Ngayon ko lang siya narinig na sabihin 'yun.

"Party? Are you out of your mind? Kailan mo pa naisipan na gusto mong pumarty party ngayong mag eexam pa bukas?" tanong ko sakanya. I've known Pearly for 12 years. Hindi niya gusto ang mga tao sa party dahil tingin niya'y bastos lahat ng lalaki roon.

"Oo nga eh, kaso.."

"Ano?"

"Ininvite ako ni Nathaniel..." her voice is lowered when she said his name.

"And then?"

"Pumayag ako, syempre. Crush ko 'yon ehh!!"

Natawa na lang ako sakanya. I thought she don't want to go to the party at all? Minsan nga'y nasabi niya sakin na kapag nakapunta siya roon bubugbugin niya lahat ng lalaking lalapit sakanya.

"I'm not sure. I'll update you later--"

"Ms. Gonzales and Ms. Mercado!  Kanina pa kayo nagdadaldalan diyan, ah. May naintindihan na ba kayo sa lesson ko?" sigaw ni Sir Anthony, nanginginig.

"Sorry, sir. Hindi na po mauulit, hehe." I said.

Pagkatapos kong sabihin 'yun, nagtinginan lahat ng kaklase ko saakin. I am so embarrassed that I decided to look outside our room.

"Opo, sir. Hindi na po mauulit." Pearly agreed.

As the sun is setting, nagpasya akong maglakad nalang pauwi ng bahay. Usually, nag jejeep ako pauwi pero kapag sinipag akong maglakad ay naglalakad nalang ako.

The sound of the market made me happy. Napagtanto kong ilang buwan na rin akong hindi nakadaan dito. Buti nalang at nagpasya akong maglakad.

Dito 'ko nakikita ang mga batang masasayang naglalaro ng putik. Tsaka, nakakarinig ng tindera na nagtatawag ng mamimili. Ewan ko, basta ang atmosphere dito ang nagpapasaya sa pakiramdam ko. Comfort Zone yata ang tawag.

Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad nang may biglang bumusina sa likod ko. Nahulog tuloy ang dala kong libro at ang cellphone kong de-keypad lang.

I saw the car and it was an old black nissan terrano.

"Hoy, tatanga-tangang babae na nasa gitna ng kalsada! Gusto mo bang magpakamatay?!" the driver shouted at me. I started to pick up my things on the dirty floor, never minding the people watching me.

Nang maungusan ang driver ng sasakyang muntik na akong sagasaan, nalaman kong babae pala ito. Nagulat ako nang nakita kong nakauniform rin ito katulad ng uniform ko.

"I'm sorry, hindi ko napansin na nasa gitna pala ako..." I finally said after I finished picking up my things. Inilagay ko ang lasog lasog na cellphone sa bulsa ng aking palda at inipit ko naman ang dalawang libro sa aking aking kanang kamay.

Sa bahay ko nalang siguro aayusin yung cellphone ko. Magpapatulong nalang ako kay Ate Jane pagkauwi ng bahay.

"Dapat ka lang mag-sorry! Hindi mo naman nabili ang kalsadang 'yan! Kabadtrip!" sigaw ulit ng babae.

Ang attitude naman ng babaeng 'to. Kala mo ang ganda ganda ng sasakyan! Hmp!

"Sorry po talaga, ate.."

Umiwas ako sa gitna ng kalsada at nagpatuloy na sa paglalakad. Ang mga tao ay bumalik na sa dating gawi nang napansing natapos na ang napakatinding eksena.

Her Innocent HeartWhere stories live. Discover now