Kabanata 1

15 0 0
                                    


Kabanata 1

Party

"Sino ang lalaking muntik bumangga sayo, Kenzie?!" his face is like a monster now. Ngayon ko nalang ulit ito nakita.

I've never seen him this angry since my mom died in an accident. Naalala ko noon, sobrang nagalit siya sa driver ng truck na bumangga kay mommy. His voice is as wild as the thunder.

"W-wala po, pa. Tsaka, babae po ang nag drive. Wala po akong kahit anong galos." I immediately explained. Pero tingin ko'y hindi pa sapat ang mga dahilan ko sakanya.

"Kahit na, Kenzie! Gusto mo bang mawala ka katulad ng nanay mo? Huh?!"

Naiintindihan ko si papa. He's just worried to me. Ako nalang ang nag-iisa niyang pamilya, hindi niya kakayanin pag ako'y nawala pa.

Pinalis ko ang tumulong luha. Naalala ko nanaman ang itsura ni mommy noong namatay siya. Sobrang sakit.

"Hindi po. Hindi ko po kasi alam na nasa gitna po pala ako. Kasalanan ko rin po kung bakit nangyari 'yun. Sorry po." umiling siya. Tila hindi parin kuntento sa explanasyon ko.

"Papalipasin ko 'to, Kenzie. Pero sa susunod na papasok ka sa paaralan, sisiguraduhin kong dadalhin mo yung sasakyan mo araw-araw sa ayaw mo't sa hindi. Maghanda ka na rin sa party mamaya. Your dress is now ready in your room. Magpatulong ka kay Jane." he said calmly.

"Pa, hindi po ako pwedeng magdala ng sasakyan sa school basta basta. Everyone knows I'm poor!"

"I don't care, your safety is more important to me. Find your nanny and ask for her help to dress you up."

"Papa naman eh! Huhuhuhu!" 

"Birthday ng panganay na anak ng bestfriend kong si Martin. Gusto kong dito 'yun ganapin dahil naging mabuting kaibigan si Martin sakin. At tsaka nga pala, tatawagin kita mamaya sa stage para ibigay ang greetings mo sa anak niya." 

"P-po? Wag na pa! Makiki-join nalang ako sa party ng tahimik,"

Kumunot ang noo niya. Tila ba hindi nasiyahan sa naging sagot ko. Samantala, kinuha niya ang tobacco niya sa mini cabinet niya sa gilid ng lamesa.

"No, I want you and Wex to become friends. Ipapakilala rin kita mamaya."

Nasapo ko ang noo. Alam kong wala akong magagawa pa dahil kapag sinabi niya, gagawin niya talaga! 

Umalis ako sa opisina ng may inis sa mukha. Sa sobrang inis ko nalagpasan ko na pala ang kwarto ko. Nalaman ko lang nung nakasalubong ko si Ate Jane at sinabing lagpas na ako.

"Bakit pa kasi kailangan kong umattend sa party? Eh, hindi ko naman kilala yung magbibirthday, eh." 

"Tsaka ate, ayaw ko dalhin ang sasakyan ko sa school! Mukhang nakalimutan niya na deal namin ha." rant ko pa kay ate Jane habang inaayos niya ang buhok ko.

"Hayaan mo na, Ma'am. Malay mo, gusto pala kayo ni Ser Ronnel na maging mag-asawa ni sir Wex."

Napaangat ako ng tingin sakanya. Tumama ang nakakasilaw na ilaw sa kanyang mukha. Dahilan kung bakit napahanga ako sakanya. Ang labi niya'y mapupula kahit walang nakalagay na kolorete. Ang ilong niya'y matangos at ang mga mata'y mapupungay.

Maganda rin ang pangangatawan niya kaya nagtataka ako kung bakit wala siyang boyfriend or ka m.u. man lang? Ate Jane is only 21 years old. Nahinto siya sa pag-aaral dahil sa kahirapan at pinili niyang magtrabaho nalang dito para makatulong sa pamilya.

Kung tutuusin nga, kung nadiscover lang 'to sa mga magazine, magiging sikat na modelo ito, eh.

"No.Way.Yuuck." sinamaan ko siya ng tingin.

Ibinalik ko ang tingin sa salamin, in fairness, nagustuhan ko ang messy-bun-with-a-style na ginawa niya sakin.

"Tapos na yung buhok mo. Halika, mamake-up na kita." ngumiti siya.

"Hindi ako nag-mamake-up. Powder and lipice na lang, please." angal ko.

Tumango nalang siya. Ilang saglit pa natapos na ang lahat ng ka-ek-ekan ko sa mukha. It's time to wear my dress now.

Hindi ko pa 'yon nakikita, malamang ay nasa walk-in closet ipinalagay ni daddy.

"Tara sa walk-in closet mo. Nandun ang dress." naglakad na kami papunta sa isang pinto. Binuksan naman agad ni Ate Jane yung door pagkalapit namin.

"Let's all welcome, Mr. Ronnel Gonzales, the bestfriend of Mr. Wex Castillo's father!" I heard the host outside.

Nandito ako ngayon sa kitchen namin. Uminom ako ng isang baso ng tubig. Hindi pa naman ako tinatawag kaya dito muna ako pansamantala.

Nasa kalagitnaan ng pag-inom ng tubig, biglang nag-vibrate yung phone ko. Ito yung phone na ginagamit ko sa bahay pero walang sim card palagi. Inilagay ko lang yung sim ng de-keypad dito sa iPhone kanina pagtapos magbihis para kung sakaling may tatawag ngayong gabi ay masagot ko.

"Hello?"

"Hello, Kenzie!" si Pearly. Narinig ko ang maingay na music mula sa kabilang linya. Nanlaki ang mata ko.

"H-huy! Nasan ka?"

"I should be the one to ask you that." halatang may tampo sa tono niya.

"S-sorry..I'm busy tonight. I can't go to the party."

"Anobayan! Bakit naman? Sige na nga! Mag-review ka nalang diyan. Alam kong study first ka talaga."

"Okay.. enjoy the party with Nathan."

"Hihihihi..sigii" humagikhik siya.

I ended the call. Nasapo ko ang noo sa narealize.

We're just in the same party! OMG!!

Nataranta ako. Hindi ko alam ang una kong gagawin nung nalaman kong nasa iisang event lang kami ni Pearly! It was the background music!

Everyone in school knew that I am mad poor, fuck!

Sumilip ako sa bintana ng kitchen, natanaw ko na sobrang dami na ng tao. Most of the new people were my schoolmates! Tangina talaga.

"Happiest birthday, Wex Joshua Castillo. But before we start this grand party, I would like you to hear my daughter's best wishes for you first. Let's welcome my one and only daughter, Kenzie Leigh Gonzales." I heard daddy claimed.

Jusko, I don't remember when was the last time I felt my heart beating so fast! Lord, help me please! Huhuhu.

Tumakbo na ako papunta sa tapat ng pintuan. Hindi ko na inalintana kung gumulo ang buhok ko. Hindi naman iyon mapapansin kasi natural lang na medyo magulo iyon.

The door opened. Everyone clapped.

And all of a sudden, they stopped.

I don't know why they stopped clapping, is it my beauty or are they truly shocked? 

Nahagip ng mata ko ang table nila Pearly sa may left side. Ang kasama niya ay sina Nathan, yung magandang babae, at yung bumanggang lalaki saakin kanina.

"Woah!"

"Pre, yung mahirap sa school naka dress! Hahaha!"

"What is she doing here?"

"Hay nako! She's ruining the party."

"Panira"

"Kenzie?!" napatayo si Pearly.

Her Innocent HeartWhere stories live. Discover now