Sasakyang Impyerno (Hell in an Automobile)

27 0 0
                                    

Buhay Estudyante: Komyuter

Krang Krang Krang

"It's time. Pass your test papers, finished or unfinished." sabi ni Ms. Strikta sa amin habang nakapamewang at nakataas pa ang isang kilay. Siya rin ang Discipline Councelor ng aming paaralan.

Syempre, kami namang mga hamak na estudyante niya ay dali daling pinasa ang mga test papers, kung di mo ipapasa sa kanya pagkatapos ng sampung bilang tiyak na tumataginting na itlog at lait ang matatangap mo sa kanya.

Pagkaalis niya ng silid ay maririnig mo ang mga bulung-bulungan ng mga bitter kong mga kaklase:

"Anong sagot mo dun sa number 6?"

"Di kasi malaki writing mo kaya di ko nakita"

"Sabi mo B ang sagot"

"Traydor ka, akala ko tatabi ka sa akin"

"Akala ko ba nag-study ka kagabi?"

"Diba Pinnochio ang sagot sa number 50?"

"Tama ka pre! Apir"

Wala naman atang pakialam sa buhay itong mga kumag na ito. Kesyo A ang sagot o B kinopya pa nila. Kulang na lang pati yung pangalan ay kopyahin na lang rin.

Ako naman e walang magawa, kailangang makisama, magpapakopya at lahat na nang karumal dumal na gawain ay gagawin kung hindi, naku, buong high school life ko ay masisira.

"Gerry, anong sagot mo sa number 8? A ba? Sabi kasi nitong si Jun e C daw." kung alam ko lang e nangopya ka lang din kay Ben, yung matalinong katabi mo. Sus. Ito ang mahirap, yung nangongopya na nga, pagdududahan pa yung isinagot mo, para namang may alam rin. Sana di na lang siya nangopya e kung alam naman din pala niya ang sagot e. Makikipag debate pa.

"A ang sagot ko" tugon ko.

"Sabi na nga ba A. Ikaw talaga Jun. Sa sunod, tumabi ka sa akin, mabibigyan kita ng tamang sagot, si Ben ang katabi ko lagi e." agad namang silang umalis. Malala na talaga ang sakit ng mga tao dito.

Krang Krang Krang

-------

Ang tagal namang makakita ng sasakyan. Ito lang talaga ang disadvantage kapag isa ka sa mga poor student na walang hatid-sundo na sasakyan. Di ka naman pwedeng maki-ride lang dahil pagtataasan ka ng kilay ng mga magulang ng kaklase mo. Haaay buhay.

Ang hirap talaga maging poor student, ang hirap. Pero mas mahirap ang buhay ng poor student na nga, nagkokomyut pa. Laging ikaw laban ang karumal dumal na mundo, sa sasakyan nagsisimula ang tunay na kahulugan ng salitang IMPYERNO.

-------

"KALEDS! KALEDS! KALEDS!” sigaw nung konduktor ng dyip. Salamat naman at dumating na ang dyip at nakapaghanda na rin ako ng maraming armas- PASENSYA.

Student KomyuterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon