Bjorn Montecillo
Nilibot ko agad ang sinabing bar ni Mae. Maraming tao ang nagtatatalon sa musika. Ang taing alam ko lang ngayon ang hanapin siya, ang kung saan siya. Ingot din kasi tong si Mae ni hindi man lang sinamahan si Crisha. No need to complain, this is my plan kaya sisiguraduhin kong hindi ito papalpak.
Iginawi ko ang tingin ko sa mga nagkukumpulang lalake. Mukhang may pinopormahan sila. Lumaki naman ang mga mata ko ng maaninag ko si Crisha. Fuck!
"Excuse me, anong ginagawa niyo sa girlfriend ko?" agad na sabi ko ng makarating ako sa pwesto niya.
Nagiba agad ang timpla ng mukha ng mga gagu. Hindi ako papayag na pagsamantalahan nila si Crisha.
"Bakit ka nandito?" tanong niya.
Hindi ko siya sinagot, imbis kinaladkad ko siya palayo sa mga gagung lalaki. Rinig ko ang sigawan nila ngunit di ko pinansin iyon. Hanggang nakalabas kami at tumungo sa dalampasigan.
"Ano ba Bjorn bitawan mo nga ako!"
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo huh?" galit na sabi niya.
"Nilalayo ka sa mga gagung yon." tanging sagot ko lang.
"Layo? E nasa isang gagu nga rin ako ngayon e."
"Pwede ba Crisha pakinggan mo muna ako?" sabi habang hinahawakan siya sa braso. Gusto pang kumawala e.
"Ano nanaman bang paguusapan natin? Tungkol nanaman ba nun? Diba sinabi ko na sayo na wala akong pake."
"Walang pake? Bakit mo ko iniiwasan Crisha kung wala?" hindi naman siya nakasagot agad.
"Wala ka ng pake don. Kahit pa sabihin ko sayo ang dahilan walang magbabago."
"Sa tingin mo wala? Pano kung sabihin ko sayo na may gusto ako sayo? Sige nga."
Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Pati ako hindi rin makapaniwala na agad kong sinabi yon. Putcha kasi, ayaw akong pakinggan.
"Kung joke yan Bjorn please lang tumgil ka. Mas lalo mo lang akong sinasaktan."
"Ni kailan man Crisha di ko kayang magbiro sayo. Kaya please naman."
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na yakapin siya. Ngayon lang ako naglakas loob na aminin sa kanya ang nararamdaman ko. Even before gusto ko na siya, kahit naman ngayon siya lang. Napaghihinaan lang ako dahil baka sa huli masasaktan lang din ako and worst baka mawala ang pagkakaibigan namin. But now I'm taking the risk no matter what.
"Just please bigyan mo ko ng pagkakataon na ipakita sa iyo kung gano kita ka mahal, hindi bilang isang kaibigan kundi bilang ikaw na minahal ko noon paman."
BINABASA MO ANG
Mayor's Love
RomanceHello! I just want to tell you that I change my username hehe. Enjoy reading 😊 Crisha X Bjorn A story of being a bestfriend turn into lovers. Paano nga ba mag mahal ang isang mayor? August 25, 2019