"Denise, hinihintay ka na ng iba pang board of judges. Punta ka nalang dun sa may audio-visual room ah! Para makapagstart na kayo ng screening ng mga entries," sabi sakin ng isa kong kasamahan sa org.
"Okay. Susunod na ako. Don't worry. Aayusin ko lang tong mga gamit ko ha!," sagot ko naman sabay lapag ng ballpen na kanina ko pa hawak sa pagsusulat.
"Sige. Sige. Okie Dokie!," sagot naman nya sabay alis.
Inayos ko na ang mga gamit ko at ipinatong sa may table yung naisulat kong article regarding sa sports competition noong Intramurals two weeks ago. Dumiretso na ako papuntang audio-visual room para maki-join as one of the ten board of judges dito sa inorganize namin na contest about sa pagkuha ng potential student na isasali sa school paper organization.
"Denise, at last you're here! Akala namin iindyanin mo na kami dito eh. Haha. Pag nagkataon, mahihirapan kami sa pagpili nyan!"
Ay! Nahiya naman ako sa pagkalate ko! (=__= )7
"Eh?Uhm... Shall we start now?," sabi ko. Ano ba ! Kelangan pa ba ng signal ko? Nasasayang ang oras oh! Tsk /(>.< )
"Sure! Sure! Gora!,"sagot nila.
At yun nga, inisa-isa na naming kilatisin yung bawat entries na isinubmit samin. May kwento, poems, articles, dialogues & such. Most of them eh gumamit ng mga codenames, without mentioning their real names.
"Maganda tong isang ito ah! Hmmm...may K!"
"How about this one? I'm impressed with this article!"
"Hmmm... Ba't di natin hayaang etong si Denise, "the Essayist" ang mag-judge diba? I know she has the expertise in choosing the best among those. Denise?," tumingin sya sakin at ngumiti.
Ngumiti nalang ako at inisa-isa yung mga napili nilang piece. At masasabi kong magagaling ang pagkakagawa neto at talagang bawat isa eh may potential na mapili. Pero parang hindi ako satisfied eh. May hinahanap akong something best out of the best.
"Uhm, nasaan na 'yung iba pang naiwan?Patingin nga daw."
"Eh? Pero Den, yan na yung best choices namin. Ba't papahirapan mo pa ang sarili mo? Why not stick to it?," nagtatakang tanong ng isa.
"Ayst. Trust me! I'll pick what i know is best!,"sagot ko.
"Okay, fine! Oh,eto!," sabi nya at inabot sakin yung mga na-etchapwerang entries kanina.
Tss... Ibibigay din pala dami pang satsat ! (=_= )
Ini-scan ko na isa-isa yung mga piece. Habang binabasa ko isa-isa eh feeling ko nabobore ako. Ano ba yan! Masyadong cliche at walang kabuhay-buhay! Wait...Teka!
