KABANATA 02

990 44 7
                                    

Kabanata 02

Dale pov.

Pag upo niya sa upuan niya kanina biglang tinanong agad siya ni sky.

"Grabe ka talaga dale. Nakita namin ang pagmutla niya. Bakit agad agad mo siyang tinanong. Hindi mo nalang siya hinintay na matapos."sabi nito.

Seryosong tinignan niya ito.

"Mahalaga ang oras ko. Kaya hindi ko yun sasayangin dahil lang sa kanya. Kailangan ko talaga nahanap ang susi na kinuha ng kapatid niya."seryosong sabi niya dito.

Kita niya ang pagbuntong hininga nila yam yam.

"Paano kong hindi din niya alam na kong nasaan ang ate niya."tanong ni yam yam na umiinom.

"Oo nga. Pero paano kong sakaling alam nga niya pero ayaw niyang sabihin. Ano gagawin mo?? Pipilitin mo ba siyang mag salita."sabi naman ni max.

"Kong yun ang kaylangan gagawin ko."seryosong sabi niya sabay inom niya sa baso niya. Napatingin siya sa babae na bumaba na sa stage.

Tumayo naman siya.

"Oyyy saan ka pupunta??"tanong ni reid.

Hindi niya pinansin iyun at naglakad na siya paalis patungo sa babae. Nakita niyang pumasok ito sa isang kwarto.

"Ahhh sir bawal po kayo pumasok dyan. Para lang po sa mga staff yan."sabi ng isang waiter doon.

Napatingin siya dito.

"Mag peperform pa ba siya??"tanong niya.

"Ho??"takang tanong niya.

"Yong babae nasa stage kanina. Pagpeperform pa ba siya?"tanong niya ulit. Hindi niya kasi matandaan ang pangalan ng babae.

"Ahhh si v po ba.. Tapos na po siya. Baka po aalis na po siya."sabi nito.

"Thanks.."sabi niya at hinugot niya ang pitaka niya saka kumuha ng limang libo at inilagay sa pocket nito.

"Salamat sir."sabi nito na wagas na makangiti.

Tumango siya bago siya lumabas sa gay bar. Alam niyang may exit dito sa gay bar kaya nasisigurado siyang doon dadaan ang babae.

Pumunta siya parkingan at doon niya hinintay ang babae. Hindi naman nagtagal nakita niya itong nagmamadali.

"Saan ka pupunta??"biglang sabi niya at nakita niyang natigilan ito.

"Anong kailangan mo."seryosong sabi nito.

Lumapit siya dito at nakita niyang umatras naman ito ng isang hakbang.

"Nasaan ang kapatid mo???."sabi niya dito.

"Anong kailangan mo sa kanya."matapang na sabi nito.

"Wala kang pakialam kong ano ang kailangan ko sa kanya. Sabihin mo kong nasaan ang kapatid mo."seryosong sabi niya.

"Hindi ko alam kong nasaan siya."sabi nito at maglalakad sana ito paalis ng hablutin niya  ang braso nito.

"Hindi ako naniniwalang hindi mo alam. Kaya sabihin mo na kong nasaan siya."seryosong sabi niya.

"Hindi ko nga alam kong saan siya. Sandali nga may utang ba ang ate ko sa iyo."sabi nito.

"Hindi.. May inakaw siya sa akin kaya sabihin mo kong nasaan siya."sabi niya.

"Bitawan mo nga ako. Nasasaktan ako. Saka hindi ko nga alam kong nasaan siya. Kahit maghapon tayo dito hindi ko talaga alam kong nasaan ang ate ko. Saka detective ka diba kaya hanapin mo nalang siya at wag mo ako idamay."sabi nito at mabilis na tinanggal nito ang pagkahawak niya dito.

FUCKING WOMENs 08: KYLE DALE GOULDARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon