Chapter 1-"His Childishness"

1 0 0
                                    

Rose's POV

Nasa sala ako't busy sa paglilinis. Hays, buhay may asawa nga naman. May mga katulong naman kami, pero gusto ko paring tumulong. Ayaw ko namang maging batugan nalang, baka hiwalayan pa ko ng asawa ko haha. Dejoke -,-

“Ate! Ate Rose?” -someone call out my name. I knew it. Si Christal 'to, wala namang may gano'ng kalakas na boses pagsumigaw. She's my sister-in-law. Bunso nina Christan.

“Oh, Christal napadalaw ka ata?”

Sumalubong ako sa kanya at nakipagbeso.

“Ahy, oo nga pala ate Rose. Tinawagan kasi ako ni kuya at tinanong kung pwede ko ba daw kayo samahan na mag-grocery.”

Sagot niya na parang iniiwasan ang tanong ko. Nagkunot noo lang ako at binaliwala iyon. Makulit din kasi 'to.

“Ah gano'n ba? Okay lang ba sayo” -nahihiya ko pang tanong sa kanya.

“Ayos lang ate, ano ka ba! Tsaka miss ko na din kayong makasama eh. Antagal ko na din kasing 'di makadalaw dito.” -sabay salampak sa sofa habang nakadipa ang kamay. Tumabi ako sa kanya at hinarap siya.

“What do you mean by ‘di makadalaw dito?” -kunot noo kong tanong sa kanya.

Naalala ko rin yung last na dadalaw raw siya rito, last 2 weeks pa ata yon? Pero ’di natuloy. And i dunno why.

“Di pa naman nakauwi si kuya di ba?” -mahinanang tanong nito sabay palinga-linga sa bahay.

“Huh? W-wala pa naman. Nasa trabaho pa iyon, bakit?” -taka kong sagot. Ano namang connect no'n sa  kuya niya? I gave her a confusing look.

Nagliwanag naman ang mukha niya sa tuwa. Seriously?

“Ayun! Mabuti't wala pa si kuya!”

Halata naman sigurong masaya siya. Tumango-tango nalang ako kunyare sang-ayon sa kabaliwan niya. Hays, parang ewan din. -,-

“Hmm...Kasi naman ate. No'ng last kasi na dumalaw ako dito ang saya natin. At simula din no'n napapadalas na dalaw ko dito di ba?” -may kasabay pangpanlalaki ng mata kaya natawa ako sa kanya.

Tumango ako bilang pagtugon.

“I think, he's being jealous! ” -she pointed me.

Muntikan na kong mabilaukan sa sarili kong laway sa sinabi niya. At nang makabawi, ngumiwi ako sa kanya habang nakakunot ang noo.

“Pinagsasabi mo? Anong pinagseselosan? At ba't naman magseselos yun?”

She just shrugged it off and pouted her lips. Dang, natawa ako na ewan. Gano'n din kasi reaksyon ni Christan. Katulad na katulad kay Christal.

“And to whom--sayo? Naku ka Christal ah. ’Yang pinagsasabi mo.”

Umayos ako ng upo sa sofa. Kung anu-ano pinagsasabi eh.

“Oo, ate. Magseselos talaga yon, yung kuya ko na yon? Kilalang-kilala ko kaya yon. Kinabukasan kasi no'n bumalik ako, nagulat nalang ako nang may humarang sakin. I know, it was kuya kahit sapatos palang niya nakikita ko. Hahaha!”

Okay, ang ayus niyang kapatid.

“Sabi niya, bawal ka daw muna dalawin. Pati nga sila mama di pwede eh. Gano'n magselos si kuya sa tono palang ng pagsasalita at ikinikilos niya. Hahaha!”

This isn't new to me, pero natatawa parin ako. Pagnalaman ni Christan to, for sure magagalit na naman yon. Nangyare na to dati e, kaya ayaw niyang naiiwan ako sa kapatid niya. It is too childish for him, pero natutuwa akong gano'n siya. I'm not childish but i love teasing him. Dang it. Hahaha.

Tawa pa rin ng tawa si Christal, nakahawak pa nga yung kamay nito sa tiyan niya habang tumatawa.

“Pero alam mo ate. Kinilig ako do'n sa huli niyang sinabi.”

Pangiti-ngiti pa ito kaya na-curious ako.

Gusto kong masolo yung asawa ko kaya, kung pwede ayokong may nanggugulo. Ayaw ko ng maingay, kagaya mo. Pakisabihan na din sina mama. Geh. -,-”

Umiwas ako ng tingin, when i felt my cheeks are heating up. Even his that childish, he's the man who can always makes me smile. He's my best partner. Urgh -,-

Chour.

“Kaya ayun ate, imbis na mainis. Umalis ako'ng tawa ng tawa dahil sa hitsura niya. Hindi kasi siya makatingin ng deritso sakin habang sinasabi yun. Pero seryoso ang mukha niya, nahihiya lang talaga.”

Tumawa na naman ulit ito. Nami-miss ko na tuloy 'hubby' ko. Oo, hubby nalang tawag ko sa kanya. Kala niyo kayo lang may hubby ah? Hahaha.

“Pfft. Sorry, nadala lang ate.” -mangiyak-ngiyak na sabi nito.

“Ano na, ngayon na ba tayo aalis?”

She changed topic, as she recovered. Umiling nalang ako tsaka tumayo na.

“Haha. Oh sige, baka gabihin pa tayo ng uwi.”

Inayos ko muna ang sarili ko at tinawag si manang, para ipaalam na aalis na kami.

My Best PartnerWhere stories live. Discover now