I

18 1 1
                                    

Plagiarism is the "wrongful appropriation" and "stealing and publication" of another author's "language, thoughts, ideas, or expressions" and the representation of them as one's own original work. 

Ashewrite.2020

August  2017 - July 2018  Multiple Murder Cases


(First Case, August 15, 2017, Monday, 6:07 a.m)

"Isang binatilyo ang natagpuang tadtad ng saksak at kulang na ang mga daliri sa kanang kamay ng ito ay makita isang umaga ng kaniyang nobya sa tinutuluyan nitong dorm sa Indang, Cavite. Kasalukuyang iniimbististigahan kung sino ang maaaring gumawa at ano ang motibo sa krimen."

"My boyfriend doesn't deserve this. He was like.. he was like an animal being tortured and killed. The suspect will pay for this, I swear!" lumuluhang ani ng babae na halatang nobya ng namatay na lalaki. Ipinakita rin sa screen ang larawan ng natagpuan na biktima pati na rin ang pangalan nito.

"Omg! That guy Silvestre is our schoolmate Kai!" gulat na sabi ni Beatrice habang nakatakip pa ang kamay sa bibig.

"Yeah, he is." sabi ko na lamang.

Naging mabilis ang kilos namin para maghanda papasok. Wala pa rin sa aming dalawa ni Beatrice ang nagpapansinan, marahil gulat pa rin sa napanood.

Totoo, schoolmate namin si Silvestre at talagang kilala namin ito. He was a varsity player in school and a bigtime tarantado pero hindi ko pa rin lubos na maisip kung bakit kaya siya humantong sa ganoon.

We aren't close pero minsan niya na rin akong binastos, i can say he deserve that for being a pervert guy as he is, pero masyado naman atang brutal na pinatay siya. Malaki siguro ang galit sa kaniya ng suspect.

"Gosh Kai! Hindi ako makapaniwala, noong isang araw lang ng bastusin ka niya. Naaalala ko pa na bigla ka nalang niyang pinasok sa girls comfort room at hipuan,duh?" usal ni Beatrice habang tutok sa pag dadrive.

Napalingon ako sa kaniya, totoo yun at dahil din don kaya nasampal ko siya ng malakas dahil sa galit at takot na pati si Beatrice ay ganun din ang nararamdaman sa kaniya.

Nang dumating kami sa school ay agad kami pumunta sa room. Maririnig ang mga usapan tungkol pa din sa nangyari, siyempre. Ang mga ganiyan na tsismis ay umaabot ng isang linggo, paulit-ulit hanggang sa maiba na ng maiba ang kwento. Tumahimik din naman sila ng dumating ang prof, pero hindi ko akalain na yun pa rin ang usapan sa klase.

"Kakaiba ang pangyayaring ito, hindi na lang basta bullying o away ng nga teenager. Really? What is happening in your generation? Kilala nyo si Mr. Bautista, takaw gulo pero hindi sapat para umabot sa ganoon." mahabang sentimyento ni Mr. Orlando patungkol kay Silvestre at sa nangyaring ito sa kaniya.

Puro yung nangyaring krimen ang usapan sa buong pang-umaga naming klase. Iba't-ibang reaksyon, rason at kumento. Mabuti na lang at dumating na din ang lunch pero talaga namang kahit saan maririnig yung nangyari. Nakakapraning na dahil sa yun at yun lang ang maririnig sa buong araw.

"Hey guys! You should check your phone, mygod!" sigaw ng kaklase namin kaya pati ako ay mabilis na tinignan ang phone ko.

Napatingin muna ako kay Beatrice na siyang nakatingin din sa akin bago namin parehong icheck ang laman ng message.

1 new message (unknown number)

Creepy. Binuksan ko na ang message. Nanlaki ang aking mata sa nakita. Lumingon ako sa iba at pare-pareho ang naging reaksyon namin, gulat at takot.

Pictures ang laman ng message. Ang motive ng nagpadala? Hindi ko alam. Tatlong picture, iba-ibang anggulo. May kadiliman ang unang larawan pero makikita ang nakahandusay na bangkay, na nakadapa, kung pakatititigan ay mistula itong nakatulog sa sahig ng nakadapa. Ang sumunod naman ay may flash na, sapat na liwanag para makitang naliligo pala sa dugo ang bangkay. Nasa kaliwa ang kumuha ng litrato taliwas sa mukha ng biktima.

Who?Where stories live. Discover now