II

9 1 0
                                    


(Second Case, August 21,2017 , Sunday , 3:16 p.m)


Meanwhile...

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa isang hindi magandang panaginip. Blurred ito sa aking isipan pero pakiramdam ko totoong nangyari 'yon. Naghahabol pa rin ako ng paghinga at namumuo ang pawis sa aking noo at ilong. Hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng panaginip yun, nakakatakot.

Horror movie pa, tsk!

Naghanda na ako para pumasok bago ko puntahan si Beatrice sa kwarto niya. Walang sumasagot kaya aalis na sana ako ng makita kong may siwang ang pinto, hindi ito gaanong nakasara. Dahan-dahan akong pumasok at inilibot ang mata sa paligid. May kadiliman ang kwarto ni Tris, patay ang ilaw at nakasarado ang bintana.

Baka nasa baba na 'yun.

Isang hakbang papaalis na ang aking nagawa bago ako may makitang isang pigura sa sahig. Bahagya kasing nasisinagan ng liwanag ang sahig mula sa pintong pinanggalingan ko. Dali-dali kong binuksan ang ilaw at nagulat sa aking nakita.

"Beatrice!" tawag ko dito bago ko ito lapitan.

Nakadapa ito sa sahig. Hindi ko alam pero isa lang ang pumasok sa isip ko. Ang imahe ni Silvestre. Nakadapa pero taliwas sa direksyon ko ang mukha niya.

Thanks God! usal ko sa aking isip ng makitang ayos naman ito. Mahimbing lang ang pagkakatulog.

"Hey," bahagya ko pa siyang tinapik para magising. "Hey, were getting late. Wake up, Tris."

Marahan niyang iminulat ang mata. Unti-unti niya akong tinignan at biglang nanlaki ang mata. Itinulak niya ako bago mabilis na tumakbo sa isang gilid habang hinihingal animo nakakita ito ng multo.

"OA mo hoy!" asik ko.

Muli niya pang kinurap kurap ang nata na para bang hindi ito sigurado sa nakikita. Tumayo na ako at pinagpaga ang suot. I crossed my arm while rolling my eyes coz of annoyance.

"What now?"

"Tanginames," biglang sabi niya na napahawak pa sa dibdib. "Bakit ka ba nangungulat? Alam mo namang allergic ako sa panget kapag bagong gising, 'e!"

"Tsk!" asik ko. "Will you please do your morning routine so we can go now?" I rolled my eye again.

"Will you please go out now, wait for me downstairs, and don't.ever.stare.at.me.while.sleeping!" maarteng sabi niya.

Itinaas ko na lamang ang kamay bilang pagsuko bago lumabas sa kaniyang kwarto. Bumaba na ako para magbreakfast muna. Pagkatingin ko sa wristwatch ko, 6:20 na. Medyo maaga pa naman, 8:00 pa naman ang simula ng klase ko para sa 2 hour subject ko ngayong umaga.

Naabutan ko si mommy sa sala kaya lumapit ako para magbeso dito. " Morning mom."

"Morning, kain ka na dun 'nak."

"Okie mom."

Pumunta na ako sa kusina para mag breakfast. Nagsandok ako ng rice, fried egg at ham. Habang kumakain hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako, iniisip yung nightmare ko. Tsk, sa hilig ko manood ng horror 'e minsan nakakatulugan ko na kaya siguro ganon.

"Huy!"

"Hey! You startled me!" sabi ko dahil sa pang gugulat ni Beatrice. Nakatalikod kasi ako sa daan papasok sa kusina at nakatulala pa ako kaya hindi ko namalayan ang pagdating nya.

"Psh, ikaw pala OA e," sabi niya habang nagsasandok ng pagkain. "Kain na po!" sigaw niya pa kay mom.

Lumapit na din si mom sa amin at sumabay na kumain. Kung ano-anong pinag uusapan nila na hindi ako makarelate. Minsan kapag may topak si Tris, kapag may gusto siyang pag usapan at hindi ka nakikinig bigla siyang may isisingit na hindi ko alam kung saan nang galing na topic.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Who?Where stories live. Discover now