JOHN'S POV
Siya.. Siya yung nag nominate saakin kanina.. Siya si Cassandra.
Bukod sa maganda, cute, at matalino sya, magaling rin pala siyang kumanta.. >__________< Crush ko siya! Magkwekwentuhan kami mamaya ni Andrew. Sasabihin ko sa kanya na may gusto ako kay Cassandra.. hihihi ^_____^
baka mamaya mag dadamoves nako. papatulong ako kay Andrew!!! ^_____^
------
Katatapos lang ng nomination kanina sa English club. Ngayon ay nagsibalikan na kami sa aming classroom. Pero hindi parin maalis sa isip ko yung boses ni Cassandra.. Paulit-ulit syang kumakanta.. Hindi sya maalis sa isip ko. Naku, parang tinamaan ako ni Kupido. Hahaha.
Aaminin ko, Crush ko sya... ^__^
Cutieeee. Cutiee itatawag ko sakanya. Hihihi
ANDREW'S POV
Nasa baba ang computer room and yung room ng 2nd year ay nasa itaas.
Paakyat na kami ngayon sa aming room ni John.. Tahimik kaming naglalakad pero bigla syang nagsalita..
"Tol, ganda ng boses ni Cassandra.. tapos ang ganda nya rin. ganda ng kanyang mga mata.. kahit na mejo chubby sya, ahh bsta.. ^____^" sabi nya habang may malapad na ngiti..
Pshhhhh -________-
Wag nyang sabihing GUSTO nya rin si Cass?!?!?!?! >___<
Nako! sa kadami-daming pwedeng mging karibal, at sa kasamaang palad, ung bespren ko pa!!
Pero baka hindi naman siguro.. baka nagandahan at Baka nagustuhan nya lang siguro boses ni Cass ..
bumalik nako sa realidad nung biglang
niyugyog ako ni John
"Huyyy! Ok ka lang?" sabi nya..
Ay nako! napatagal ata ung pag iisip ko kanina. tsk!
"Ahh--Ehh... Oo nga eh. at ang cute cute nya pa.. hehehe _
^___^" sabi ko naman sakanya nang nakangiti..
"Alam mo Andrew... Parang may nararamdaman ako dito kay Cass eh... Hindi ko maintindihan. Hindi kase sya maalis sa isip ko.. Tsaka hindi pa naalis sa isip ko yung kumanta sya.. parang.. crush ko sya tol!!" Sabi sakin ni John habang tinatapik-tapik ako.. tas namumula.
Teka teka teka...
NAMUMULA SYA??!
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!
Pakshet tong lalake to.. Kinikilig ata.. Ano ba sya talaga?! Lalake ba to?! pshh HAHAHAHAHA
Pero, di ko na pinansin si John.. Naalala ko kase kanina yung ni nominate ni Cass si John..namula rin nun si Cass.. :'((
Atsaka crush pa ngayon ni John si Cass.. :'( HUHUHUHU
Baka naman crush nila ang isa't isa..
HUHUHUHUHUHU :"''(((
NAGSESELOS AKO..
Pero di pa dapat muna malaman ni John na crush ko si Cass..
hindi pwedeng IISA ang babaeng mahal ko, at babaeng mamahalin ng bestfriend ko..
Natakot rin akong masaktan... dahil parang nase sense kong, gusto nila ang isa't isa..
Pero hindi pa huli ang lahat. Magugustuhan rin ako ni Cass. Siguro naman may pag-asa pa ako sakanya.. Sana masabi ko sakanya yung nararamdaman ko...
Kailangan kong mag ipon ng lakas para sa taong mahal ko..
pero sana naman, maging magkaibigan kami..
CASSANDRA'S POV
Kakatapos lang ng election sa English club.. Intermission leader ako! Yeeheyy!!!
Pero kanina kinabahan ako.. Antahimik kase nila nung kumakanta ako.. Parang feeling ko nun, hindi nila nagustuhan yung kanta ko.
Pero pagkatapos ko kumanta, pumalakpak naman sila..
Hayyy... akala ko di nila nagustuhan.. Hihihihihi :>
Pero yung habang kumakanta ako, nakatitig saakin si Kuya John!!! yung para bang, kakainin nya na ako ng buhay.. ;(
Ewan ko ba anong nangyari dun.. Baka nakarelate lang siguro sa kanta.. O baka naman favorite nya yung kinanta ko..
O di kaya..
Namangha sya sa boses ko tapos crush nya na ako?!?!?!?!?!
Hahahahahahahahah. Deh, joke lang. assuming lang ang peg. XD
Pero nakita ko rin yung katabi ni Kuya John kanina. Titig na titig rin
saakin habang kumakanta ako.. Hindi ko sya kilala... Pero crush ko rin sya.. Ang gwapo nya rin kase eh. Hehehehe.. kaya lng di ko pa sya kilala.
Totoo nga yung sabi nila.. Marami raw gwapo sa 2nd year.. Nakoooo..
Pero mas gwapo at mas crush ko si John no. Heheheheheh ^_________^ Pero.. hayy.. wag muna mag lovelifee.. masyado pa akong bata.. focus muna sa school. O:)))
Pabalik na ako ngayon sa classroom. Tinawag ko si Lei para makipagchikahan!! Itsitsismis ko sakanya lahat...
**********
Sa Classroom..
"Leiiiii leiii leiii!!!!! may isha-share ako sayo!!! dali!!!!" tumatakbo ako papunta sa kanya habang kinikilig kilig. hihihihihihihihi. ^___^
"Oh? ano yun Cass?? Anong nangyare??" tanong ni Lei.
Tapos ayunn.. Pumunta kaming canteen tapos saka ko kinwento sa kanya ang lahat ng nangyari kanina. ^____^
Teheeeeeeee!!!!!!!!!!!! KINIKILIG AKO!!!!!!!!!! ALAM NYO BA YUN?!?!?!?!?!??!?! >_____<