Dear No One,
Nandito ako ngayon sa room. Kakatapos lang ng klase namin at pupunta muna ako ng locker area para iwanan to'ng dala-dala kong mga gamit na sobrang bigat. Sana, nage-exist ka para matulungan mo ako dito sa mga dinadala ko, eh kasi nasa ground floor pa yung locker area at nasa 5ft floor pa ako ng SC building. Haaay=_=. Nasa hallway na ako ng biglang nadapa ako, kasi nakatapak ako ng balat ng saging at nagtawanan ang mga estudyante sa hallway. Lintik ng teting naman yun oh! Masakit siya ah! Sana, nandito ka para tulungan at ipagtanggol ako sa kanila na lumalait sa akin. Hindi ko nalang sila pinansin at tumayo. Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako locker area. Nung pag-bukas ko ng locker ko, may biglang nalang nahulog na papel na hugis puso na may nakalagay na 'HI'
Hindi ko alam kong sino ang nagbigay sa akin nito pero bigla kang pumasok sa isip ko eh at napaisip ako bigla.
Ano kaya height mo no? Matangkad ka siguro at malalaki ang mga muscles. Ikaw kaya ang nagbigay sa akin nito? yieee!>///< kinikilig ako!
Love,
Yukhie
BINABASA MO ANG
Paper Hearts(EDITING)
Fiksi RemajaDear Boy, Nag-eexist ka ba? Sana nasa tabi kita ngayon. Love, Yukhie