Dear No One,
Papasok na ako ng school ngayon at ng nasa hallway na ako, ang daming mga estudyante ang nakatingin sa akin. Napansin siguro nila ang bagong look ko ngayon. Hahaha. Hindi na siguro ako bago sa paningin nila kasi okey lang naman na baguhin ko ang look ko eh. Wala naman siguro silang paki-alam. Ikaw 'No One'? Magagandahan ka kaya sa bago kong look? Si Sylke pala ang nag-make over sa akin. Siya ang bestfriend ko na sobrang makuit pagdating sa mga lalaki. Kaya ngayon nakahanap siya ng katapat niya, na sobrang habulin ng mga babae kaya selos ang peg niya pag may lumalapit sa kanya na mga babae. Ikaw kaya 'No One'? Magseselos ka kaya pag may lumalapit sa akin na mga lalaki ngayon? Kasi sabi ni Sylke sa akin na maganda na raw ako at malamang madami raw lalapit sa akin na mga lalaki. Siguro, ngayon kung nandito ka? Hindi na siguro ako titingin sa ibang lalaki. Haay. Hanggang kailan ako mangangarap na nage-exist ka?
Sana totoo ka nalang at hindi ka lang dito nabubuhay sa imahinasyon ko at sa munting diary ko na to.
Love,
Yukhie
BINABASA MO ANG
Paper Hearts(EDITING)
Novela JuvenilDear Boy, Nag-eexist ka ba? Sana nasa tabi kita ngayon. Love, Yukhie