Unti-unting namulat ang mga mata ko dahil sa malakas na pangyanig sa aking buong katawan.
"Prosypaysya! Prosypasya!(Wake up! Wake up!)" Paggising ng isang sundalo sa akin na agad na ikinabalikwas ko. Tiningnan ko ang aking kapatid. Kagigising lang rin niya at katulad ko'y dahil rin ito sa pagyaning ng kanyang katawan..
"Vstavay, vy gryznyye lyudi! Vstavay!(Get up, you filthy people! Get up!)" Pinagsisipa kami ng guwardya na para bang diring-diri siya sa amin kaya wala kaming nagawa kundi bumangon. Agad kong niyakap ang kapatid ko.
"Okay ka lang ba? Nagugutom ka ba? May masakit ba sa iyong katawan?" Aligaga kong mga tanong kay Marco habang sinusuri ang kanyang katawan. Puno na ito ng nga galos at sugat. Marawal na rin ang kang kanyang damit at mukha.
Nagalala ako ng lubos ng ang tanging tugon niya lang ay isang mukhang mapanglaw. Siya ay umid at nakatitig lamang sa akin.
Ngumiti ngunit pagkabahala at kaba ay hindi mapaknit sa aking mukha. "Oh, sige. Ganito na lang, pagkatapos nito ay maghahanap tayo ng pagkain. Pagpapahingahin na rin kita sa isang malambot na malambot na higaan. Naiintindihan mo ba?" Maluluha kong tanong sa kanya ngunit nananatiling walang buhay ang kanyang mukha. Alam ko and dulo, alam ko na ang mangyayari, kaya kailangan kong ngumiti, kailangan kong maging malakas at matapang para sa kapatid ko.
"Bystreye, bystreye!(Faster, faster!)"Tinulak kami ng guwardiya palabas ng selda. Kaliwa't kanan ang mga bantay sa bawat selda. May mga nakakulong rin bukod sa amin. Mahirap tanggapin ngunit alam kong katulad namin, sigurado akong ano man ang kakahantungan namin ng kapatid ko ay siya ring kakahantungan nila. Naaawa ako ng lubha sa kanila. Lalo na't may mga nakikita akong mga dalaga't binata pa. May matanda rin at mga may kapansanan pa. Ngunit paano sila napunta rito? Kagaya rin ba namin sila na itinapon nalang basta sa bansang ito? Na parang basura at bagay na walang kuwenta?
Pagkalabas naming tuluyan sa kulungan ay matapang kaming sinukob ng matinding lamig ng simoy ng hangin. Ngunit nawala rin ang atensiyon ko rito nang mapansin ang sandamakmak ng katauhan na parang bang manonood ng isang galanteng eksena. Lahat sila'y tila nagaabang sa mga mangyayari.
Pinaghahatak kami ng iba pang mga guwardiya papunta sa pinakasentro. Kahihiyan ay namuo sa aking loob kasabay ng pagaalala sa nagiisang tao na nanatili sa akin hanggang ngayon.
"Marco, makakauwi na tayo..." Sunod-sunod na dumadaloy sa mukha ko ang aking mga luha. Hindi na kami makakuwi, hindi ko na siya mapapagpahinga sa malambot na kama, hindi na kami magkakaroon pa ng mga magagandang alaala.
Galit.
Aking biglang naalala ang mga taong dahilan kung bakit kami andito ngayon. Mga taong lubos kong, naming pinagkatiwalaan ngunit sila rin pala'y sa tinik kami'y isusubsob. Mga sinungaling. Mga demonyo. Naalala ko pa yung mga unang araw na kami'y nagkasama-sama. Ang tatamis pa ng kanilang mga ngiti kapag kami'y kaharap. Magagawa pa rin ba nila kami'y ngitian kapag nakikita na nila kaming naghihirap? Desperadang humihingi ng tulong? Duguan? Patay?
- "Puno ng poot, galit. Kaluluwa'y nanghihingi ng pangalawang buhay upang paghihiganti ay mawari. Oh, minamahal kong nagmamahal, puso mo'y umiitim, nandidilim. Nakakatakot at puno na ng purong kasakiman. Oh, minamahal kong nagmamahal, pakinggan mo ako. Tumigil ka na."
YOU ARE READING
Cry of Destiny
Historical Fiction- Year 1960 Moscow, Russia "Ako'y si Tadhana, mga luha sa mukha ko'y lumalandas. Nasasaksihan ang kasakiman at kasamaan ng aking sariling nga kamay, mga salitang isinusulat nito gamit ang isang lapis na pantas." "Ako'y si Tadhana, pagsisisi ay tila...