"Handa na ba ang lahat? Ang mga gamit mo? Na-impake mona ba?" Napa-ala machine gun naman si Mama sa kakatanong, "Bakit isang luggage lang ang dinala mo? Nasaan na ang ibang bagahe mo ha?"
Nakatayo yung nanay ko sa gitna ng silid ko, nakatingin sa nag iisang bagahe sa dagat na mga damit ko na gulong gulo sa sahig.
"Eto lang po siguro ma yung dadalhin ko, napag-isipan ko na sa Manila nalang ako bibili ng mga damit at saka gamit.""Ha? Bakit? May problema ba sa damit mo?" Binuksan niya ang aparador at tinaas mga damit ko. "Ok panaman to ah. Oh, maganda tong t-shirt mo. Isama mo na"
Tinaas ni mama ang t-shirt kong kulay blue na may pangit na pattern, sa kanang kamay niya naman ang pants kong sinusuot ko dati palagi pero nalumaan na rin ng panahon. Napatingin naman ako sa hita ko at sa pants na hawak hawak niya, akala siguro ng nanay ko isa akong teen model. Maliban sa hindi na kasya mga damit ko sa akin ay ngayon ko lang napagtanto na sobrang pangit pala ng pananamit ko these past few years. Hindi naman kasi ako gaanong mabihis, kung ano lang makita ko, susuotin ko na.
"Actually, Ma." Di ko tinapos at nag buntot hinginga nalang, baka mag away pa kaming dalawa sa simpleng damit. "Basta ma, trust me in this. It's much better na doon na lang ako bibili ng mga damit sa Manila."
Hindi narin nakapaghindi si mama. Tinignan niya ang mga damit na para bang may isa pa siyang anak na kailangan niyang magpa alam.
Tumingin si Mama sa akin "Oh sige na, ilabas mo na ang mga bagahe mo, tumawag na rin ako ng Taxi, padating na yon mayamaya."
"Ha bakit naman, eh dalawang oras pa bago yung flight ko, 12 pm palang, anong gagawin ko dun?"
"Mas maganda kung nandoon ka 2 hrs. Before ng flight mo, para iwas traffic at maka check-in ka ng maaga."
"Ma, This is Iloilo. Wala namang traffic dito ah."
"Halata naman na di ka gumagala, traffic kaya sa bandang Pavia after 6, kaya wag ka ng magreklamo at baka nandun na yung Taxi sa baba, magagalit pa yun sayo," Pagkatapos itong sabihin ni Mama ay agad nya akong nilapitan at binigyan nya ako ng isang malaking yakap. "Big boy na talaga ang baby ko! Maninirahan na siya ng Maynila na mag-isa."
"Maaaaa! Ang OA mo naman, Aalis lang ako para mag aral. I won't settle there to live, unless naman sasamahan mo ako dun lumipat." I smiled at her for the last time at kinuha ang bag ko at lumabas sa kwarto.
Paglabas ko ng gate tumingin muna ako sa damit ko. Plane white t-shirt under a black hoodie, isinama ko rin with sweatpants that don't have elastic cuffs sa baba, those are icks of mine, at isang plane nike shoe kasi god forbid na mag crocs tayo. Di ako fashionable pero kahit ako alam kong panget mga slippers na yon. tamang-tama lang ng pagdating ng Taxi. "Ma alis na ako"
I hugged her tightly pero parang ayaw nya pa ako pakawalan. Pumaalam sa huling pagkakataon ko habang nakangiti, "Mag-ingat ka anak! Tumawag ka pag may oras!"
Di na ako nag dagdag kasi alam kong hahaba lang ang paalam namin sa isa't isa kaya pumasok nalang ako sa Taxi.
"Kuya, Airport nga po."
"Ok, sige." Sagot naman ni Kuya driver.
Nagtagal-tagal rin ako sa sasakyan dahil traffic nga sa Pavia, umabot ng sobrang 30 minutes kaming na stuck sa loob ng congestion. Habang naghihintay kinausap ako ng Driver.
"Noy, san ba byahe mo?"
"Manila po, dun po kasi ako mag-aaral."
"Ah ganun ba? Ikaw lang isa? O may pamilya ka doon?"

BINABASA MO ANG
My What If
RomanceHanda na si Asher Connor Gil na iwan ang kanyang nakaraan. From Iloilo to Manila. A brand New start. Bagong buhay, bagong kaibigan, bagong school, just to run away from something. Hindi alam ni Asher not everything in Manila will be new. Ang fresh s...