Chapter 0 : MNL

52 6 0
                                    

Ilang minuto ko pinag isipan ang ginawa ko. Pero sa huli, napagdesisyunan ko rin. Sigurado na talaga ako. I'm going to Manila. Oo, may mga pagkakataong nagdadalawang isip pa ako, pero after nangyari yung incident, pinalakas lang nito yung choice kong lumipat ng school. Maraming dahilan. Since doon rin naman ako magcocollege, eh why not start early diba? At saka, may naghihintay rin naman na scolarship kaya't mahirap tangihan.

Habang nahulog ako sa pag-iisip biglang nag-vibrate ang cellphone ko.

Habang nahulog ako sa pag-iisip biglang nag-vibrate ang cellphone ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Si Jacklyne lang pala, ang loko loko kong bestfriend. Siya ang unang nag-reply at nag-like sa tweet ko. Eto kasi yun, wala naman talaga akong twitter account, instagram o facebook. Youtube lang siguro ang maituturing social media account in my hand. Maliban doon, wala na. Para sa akin kasi, sagabal. The last time na nag login ko sa mga platforms nayan was to delete them. Puro insensitive content at walang kwentang drama lang ang nakukuha ko doon, especially sa facebook... especially facebook.

Pero its been six months, medyo humilom naman kaya...

I made myself an account, both sa Twitter and Instagram para sa pag lipat ko ng school. Pinag-isipan ko na magandang form of communication ang Twitter at Instagram. Since hindi na kami araw araw magkikita ni Jack, atleast with this parang hindi ko lang siya iniwan. Na guilty nga ako nung una kong napag desisyunan na lumuwas ng Maynila kasi nakalimutan ko si Jacky when I was weighing my options. Sabi namin sabay kaming mag graduate ng high school, sabi rin namin sabay kaming mag co-college at kahit magkaiba na kami ng course ay ititugma namin schedule namin para sabay parin kaming mag lunch at pag chismisan ang mga taong most likely mabubuntis. Mahirap nung kailangan kong sabihin sa kanya, natakot rin kasi baka hindi niya na ako kakausapin.

" Lilipat ako ng school." sabi ko ng mahina.

"Saan?" sumagot siya.

"Sa Maynila. Aalis na ako by the end of the month. I'm so sorry Jack, di kita sinabihan."

tinignan niya ako ng mahabang oras.

"Ash... alam ko you might think I'm a like other 15 year olds. Na magagalit kasi iiwan sila nung bestfriend nila." ngumiti siya. "Pero alam ko yung pinagdaanan mo this past year, at alam ko rin how this will probably be the best decision you have made in a long time"

Tumawa kaming dalawa.

She continues." At bilang bestfriend mo alam ko rin na you want this and honestly I want this for you too, you deserve it. Yun nga lang wala na ako kasamang kumain sa cafeteria at paghinalaan si Denise if buntis nga siya."

"Gaga! Alpot lang na siya, ubrahon sa school CR pero indi na magpabusong!" Sagot ko naman. Tawa kami ng tawa at tumahimik muli.

"Balitaan mo ako palagi ha." unti unting lumuluha si Jack. Tangina naman nito oh. Hindi ko narin napigilan at unti unting tumulo luha ko." Ireactivate mo na socmed mo, para alam ko naman yung mga ginagawa mo, if may nilalandi ka na don o ano."

My What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon