02

1.1K 26 0
                                    

Kinuha ni Tito Dos ang bag ni Armor. "Amora, hatid ko na kayo ni Armor,"

"Si Armor na lang po, Tito. Susunduin ko po si Venice sa kanila, sabay po kaming papasok," I answered with a smile, he nodded as answer.

Nauna na silang umalis, ako naman ay nagpaalam pa kay Mama bago umalis ng bahay. Venice's house is not far from ours, siguro'y mga limang bahay lang ang pagitan pero malalaking bahay kasi ito kaya malawak at napapahaba ang lakad ko. I don't usually fetch Venice, pero hahatiran ko rin kasi sila ng handa ni Armor kahapon, they weren't able to come dahil kararating lang nila galing Pampanga kaninang madaling araw.

"Good morning, Amora!" Sinugod niya ako ng yakap. We were in front of their gate at hinihintay niya ako, muntik pa kaming ma-out of balance dahil sa pagkakayakap niya so we laughed.

"Walang good sa morning kung ikaw lang din makikita ko," Pangaasar ko, I rolled my eyes and laughed. Nakasimangot na siya ngayon pero halatang nagpapakipot lang kaya hinayaan ko na siya at pumasok na lang sa bahay nila para iwan itong pagkain kay Tita Eunice, her mother.

"Good morning po, Tita. Ito po 'yung mga handa ni Armor kahapon, mayroon pong Igado na favorite niyo," I smiled at her. She was so happy to see me kaya niyakap din ako nito kaya I hugged her back.

"Nako, Amora. Nagabala ka pa talaga, kahit Igado lang ay sapat na," Nahihiyang sambit nito at nagtawanan naman kami.

We didn't stay there for long dahil baka malate kami, naghintay kami ng jeep sa kanto at buti na lang ay hindi kami matagal naghintay at maluwang pa ito.

"Dapat hindi ka na pumasok, madaling araw na kayo nakarating. You should've rested na lang," Ani ko kay Venice habang kumukuha ng coins sa wallet ko. They arrived about 2 am, paniguradong hindi sapat ang tulog nito dahil ang tagal pa naman nitong kumilos sa umaga, 4 pa lang ay gising na siya kahit na 7 pa ang pasok namin.

"Ayaw ko! Hindi ko makikita si Liam," Pagmamaktol niya sa akin. Liam's her crush... since elementary. We're currently on our senior year pero hindi pa rin siya pinapansin ni Liam kaya nawawalan na raw siya ng pag-asa at baka tumanda na siyang dalaga.

"E ano naman? Isang araw lang naman kaysa makita ka niyang mukhang panda sa kapal ng eyebags mo!" I pointed under her eyes kahit na wala naman talaga siyang dark circles.

"M-meron? Ang dami na ng concealer na nilagay ko," She touched them as if it would fade away by wiping it. Tinawanan ko siya sa ginagawa niya, conscious siya masyado pag dating kay Liam samantalang kapag asa kanila naman siya, naaabutan ko pa siyang nangungulangot sa terrace nila habang nakatingin sa malayo.

"Bayad po," Tawag ko sa driver kaso biglang nahulog yung limang piso, mayroon pang mga sumakay na pasahero kaya hindi ko na nakita kung saan na napunta 'yon.

Nang makita ko ito ay agad kong pinulot. "Ouch," I groaned in pain dahil ang lakas ng pagkakauntog ko.

I lifted my head, he was also in pain at hawak hawak ang noo niya. Pupulutin niya rin siguro 'yong pera ko.

"Sorry, and t-thank you," Nahihiyang pagpapasalamat ko.

"Thank you for what?" Naguguluhang tanong nito sa'kin habang hinihimas himas ang noo niya.

"Sa pagpulot ng pera ko," Napakunot din tuloy ako ng noo. It was so obvious, why does he still need to ask?

"What do you mean? Sa akin 'yon, nahulog ko," His voice got louder kaya napatingin sa kaniya ang ilang pasahero, including the driver through his rear mirror.

"Wala akong nakitang nahulog mo, sa akin 'yon!" Napataas din tuloy ang boses ko dahil sa sinabi niya. My anger issues can't handle this.

"Amora, tama na. Hayaan mo na, mayroon pa 'kong lima rito, huwag niyo nang pagawayan," Bulong ni Venice sa'kin, sinunod ko siya. Hindi na rin naman uli ako inimik ng lalaki at talagang kinuha niya 'yung limang piso at ibinayad.

Capturing SmilesWhere stories live. Discover now