Malakas ang kabog ng dibdib na naglakad ako patungo sa kinaroroonan ng taong katatagpuin ko sa loob ng isang kilalang restawran na sa buong buhay ko ay ngayon ko lamang napasok. Tanging ang tunog na iniiwan ng bawat hakbang ko ang siyang ingay na naririnig ng tainga ko.
Sa aking huling hakbang ay tumingala ito. Itinuon ang paningin sa akin at binigyan ako ng isang maaliwalas na ngiti. Iyong ngiti na magpapalaglag sa puso ng kahit sinong babae at binabae ngunit hindi sa isang gaya ko. Purong kaba lamang ang nararamdaman ko habang magkahugpong ang paningin namin. Marahil guwapo na ang isang ito para sa iba ngunit para sa akin ay tipikal itong uri ng nilalang. Isang bagay lamang ang nag-aangat sa kaniya sa maraming kalalakihan----mayaman ang hudas na ito! Kapag nagkataon jackpot na matatag ako! Kaya ayusin mo Lunexia! Galingan mo kung ayaw mong mabulilyaso! Mando ng isip ko.
Tumayo ang lalaki at inilahad ang palad sa harap ko.
"I'm glad, you finally agreed to have a date with me. You won't regret it Ms. Andrada."
Tinanggap ko ang kamay nito at imbes na sumagot ay nginitian ko ito. Iyong ngiti na ginagamit ko satuwing dumadayo ako ng pa-pageant sa lungsod. Natigilan ito. Ilang sandali pa ay binawi nito ang kamay at pinaghila ako ng upuan.
"By the way, can I call you by your first name instead? You can call me Anthony in return." Tanong nito ng makaupo ako.
"Yes." Tipid na sagot ko.
"So, how was your school Resurrection?"
Kinakabahang pilit muli akong ngumiti.
"Yes." Kabadong tugon ko na nagpawala sa ngiting nakapaskil sa mukha nito. Kumunot ang noo nito saka ipinatong ang dalawang siko sa mesa at ipinaibabaw ang baba sa magkasalikop niyang palad.
"I heard you have your high school sponsor because you are intelligent and graduated valedictorian in elementary. Mind telling me about it?"
Sumulak ang mas matinding kaba sa dibdib ko dahil sa mataimtim na pagkakatitig nito sa mukha ko.
Anak ka naman ng blonding santo! Bakit ba kasi english ng english ang hudas na ito eh nasa Pilipinas naman kami? Dapat nag-aral muna siyang managalog bago tumuntong dito! So ano, ako pa ang mag-a-adjust? Buwesit!
"Ahm..sponsor? Yes!" Nauwi sa ngiwi ang kaninang praktisado kong ngiti. Naitawid ko ba? Para yatang hindi ah.
Napasentido ito saka may kinutingting sa dala niyang patag na bag.
Huwag mong sabihing bibigyan niya ako ng laptop? Eh tiba-tiba pala talaga ang isang ito! Jackpot! Panalo!
Habang nag-iisip kung saang pawnshop ko iyon isasangla at kung magkano iyon aabutin ay nakarinig ako ng tikhim.
Laglag ang pangang napatitig ako sa brown envelop na inilapag nito sa ibabaw ng mesa. Nasaan na 'yong laptop?
Mula roon ay may inilabas itong mga larawan.
"So totoo ngang may kakambal si Ms. Resurrection. Tama ba ako, Lunexia?"
King ina, marunong naman palang magtagalog ang hindot na 'to eh---teka..
Namimilog ang mga mata nang tumingin ako sa larawan namin ng kakambal kong inilatag nito.
BINABASA MO ANG
PROXY SERIES: LUNEXIA
General FictionFrom rags to riches---that's Lunexia Andrada's ultimate mission. Gagawin niya ang lahat makasilo lamang ng mayamang mahuhuthutan para lamang makaahon sa kahirapan. Delikadesa, prinsipyo at dignidad? Oh well, lahat iyan ay wala sa bokabularyo ng isa...