Chapter 3 - The deal
Vross
Charity event was one of the things I considered 'inevitable hell'. I am Vross Harris Devaughn and as the grandson of a multi-billionaire business man and sole heir of a multi-dollar company, attending events like this is a must. Though I'm not hiding my board face and making sure that everybody would see that, including my grandpa.
He's used to that and just ignored me the whole event. We're sitting next to each other together with the other well-known business man as the host of the event introduced the upcoming scholars one by one.
If I where to be asked, I would prefer getting myself intro trouble or fighting under Octagon. It's way better and enjoyable than doing good deeds such these.
Well, I wasn't born angel. I was destined to become a devil.
My boredom was vanished the moment I laid my eyes to this specific girl.
Lively and bright ash colored eyes. Thick eyelashes which are naturally curled upwards. Pointed nose with red, small and pouty lips that looks so sweet and luscious to taste. It was inviting and tempting. Her beauty was exquisite and damn...It was totally addicting.
"Please introduce yourself." Said the host and my girl was given a microphone.
"Hi everyone. Specially to our future sponsor. My name is Resurrection Andrada. I'm sixteen years old at lubos po akong nagpapasalamat dahil napabilang po ako sa masusuwerteng makatatanggap ng scholarship at mabibigyan ng pagkakataong makapagtapos ng pag-aaral. Pangarap ko po talaga iyon para makatulong sa aking pamilya at mabigyan sila ng magandang buhay."
I was attentively listening as she was introducing herself but sentence after sentence and my eyebrows started to meet.
She's demure, soft-spoken, and very feminine....things I really hate in woman.
Imagine being with an angel-like person saying all positive thoughts and doing righteous things, that was the most boring thing to experience and hell...I can't imagine getting myself into. It's giving me goosebumps just by thinking.
On the contrary, my mind and soul are definitely hooked with her captivating face and lustful body.
Is there any way I can purchase this goddess in a specific package?
Lunexia
Literal na napipi ako at wala sa huwisyong ibinaba ang nakadipang mga braso.
Nagkatinginan ang dalawa at sabay na nagkibit-balikat. Nilampasan ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Bakit ba kasi alindog lang ang mayroon ako?
Tahimik na sumunod ako sa dalawa. Huminto ang mga ito sa loob ng isang malawak at magarbong silid. Mula sa aking kinatatayuan ay tanaw ko ang bulto ng matangkad na lalaking nakatalikod sa amin. Nakatayo ito sa harap ng isang malapad na sofa kung saan may nakahigang babae. Kahit natatabunan ng lalaki ang mukha ng babae ay agad ko itong nakilala.
Rexy! Sigaw ko sa aking isipan.
"I'm sorry to interrupt you boss. Darack is here and I think we got some problem." Saad noong Miboa.
Humarap sa amin ang lalaki at tila nagbukas ang langit ng makita ko ang kabuuan nito. Kulang ang salitang guwapo kung ilalarawan ko ang mukha nito.
Akala ko noon bukod tanging pera lamang ang magpapatibok ng puso ko ngunit totoo ngang hindi dapat nagsasalita ng tapos.
Kulay tsokolate ang buhok nito at may kahabaan dahilan upang bahagyang matakpan ang may kakapalan nitong kilay. Bagay na angkop sa prominenteng hilatsa ng kaniyang mukha. Malalantik ang ang pilikmata. Matangos ang ilong at may mga labing unang kita mo pa lang gugustuhin mo ng magpasakop.
"Who are you?"
Sa sobrang pagkahumaling ko sa mukha nito ay hindi ko napansing nakatitig na rin ito sa akin.
"Eh?" Tanging sambit ko.
Ang mga mata nitong kakulay ng payapang karagatan ay halatang naguguluhan.
"Are you dumb? I said who are you and why the hell do you look like Resurrection?"
Dumb? Di'ba bobo ang ibig sabihin noon?
Mula sa matamis na paghanga ay tila nakalasap ako ng maasim na pagkamuhi.
"Mas bobo ka!" Singhal ko rito. Gaya nga ng sabi ko, mas manipis pa sa hibla ng buhok ang pasensya ko.
"Wala akong pake kung hindi niyo ako naiintindihan pero sa oras na saktan niyo ang kakambal ko, sisiguruhin kong makaka-face off niyo Saint Peter!" Dagdag ko pa.
Pinagkrus ng guwapo ngunit ma-attitude na lalaki ang mga braso nito sa kaniyang dibdib at naglakad patungo sa direksyon ko. Sa bawat hakbang nito ay tila gustong umurong ng katawan ko. Ang nanunuot nitong mabangong amoy sa ilong ko ay nagpapalambot sa mga tuhod ko at mistula namang nakikipagkarera sa ibang internal organs ko ang puso ko dahil sa bilis ng tibok nito.
Bahagya itong yumuko upang magpantay ang mga mukha namin. Ilang saglit na sinipat ang bawat sulok ng aking wangis.
"This is the coolest thing I've ever seen. Interesting."
Literal na nagbara ang lalamunan ko nang dumampi ang mabangong hininga nito sa mukha ko.
Tumuwid ito ng tayo, namulsa at muling nagsalita.
"Ano'ng pangalan mo?"
Sa pangalawang pagkakataon ay tila nagbukas muli ang langit.
Bukod sa nakasipat ako ng liwanag nang magsalita ito ng tagalog ay mas lalong sumeksi ang boses nito sa wikang Filipino.
Ilang beses akong lumunok ng laway bago sumagot.
"Lunexia Andrada."
Tumango-tango ito. Saglit na itinuon ang atensyon sa dalawa nitong tauhan at sumenyas na iwan kami.
"I wasn't informed that there are two captivating face and lustful body I'm dying to taste for."
Muling sumulak ang kaba sa aking dibdib nang umalis ang mga tila tauhan nito.
"However, It seems like you are my specific package. I don't mean any harm but I'm dying to have you now, Lunexia."
Nagsitayuan ang mga balahibo ko at literal na naestatwa ako nang walang anu-ano'y banayad na halikan ako nito sa labi.
Ito ang unang beses...
Hindi iyon ganoon katagal. Lalong hindi iyon kagaya ng halik na mapapanuod sa mga pelikula ngunit kahanga-hanga ang pakiramdam noon...sa sarili nitong paraan.
To be continued.......
BINABASA MO ANG
PROXY SERIES: LUNEXIA
BeletrieFrom rags to riches---that's Lunexia Andrada's ultimate mission. Gagawin niya ang lahat makasilo lamang ng mayamang mahuhuthutan para lamang makaahon sa kahirapan. Delikadesa, prinsipyo at dignidad? Oh well, lahat iyan ay wala sa bokabularyo ng isa...