Chapter 2 - Abducted
Malakas ang sampal ang pinakawalan ko sa pisnge ni Nica. Dahilan para mabuwal ito sa pagkakatayo at mapasalampak sa sahig.
"Subukan niyong makisawsaw at nasisiguro kong magpapasa rin iyang pisnge niyo!"
Singhal ko sa mga alipores nitong sina Aileen at Rafaela. Nahintatakutan naman ang dalawa at animo'y mga tutang kinahulan ng nanay.
"Ouch!"
Napaigtad si Nica nang hilahin ko ang buhok nito patayo gamit ang kaliwa kong kamay habang ang kanan ay mahigpit kong ipinansapo sa kaniyang panga.
"Sa susunod siguraduhin mong hindi makakarating sa'kin ang pambu-bully niyo sa kakambal ko dahil kung hindi, titiyakin kung magsusuot ka na ng wig!"
Pabalya ko itong binitawan. Sisinghot-singkot na inalalayan itong tumayo ng dalawa niyang alaga saka mga tila hinahabol na tumakbo palayo.
"Ang bangis mo talaga girl! Kaya fan na fan mo ko eh!"
Manghang sambit ni Claire. Ito ang nagsumbong sa akin na nilagyan nina Nica ng basag na itlog ang bag ni Rexy. Dahilan kung bakit nabasa ang project na ginawa nito at walang naipasa kanina. Kaklase ni Rexy ang mga iyon at si Nica ang pinaka una sa listahan ng inggit sa kapatid ko. Palibhasa hindi niya maungus-ungusan si Rexy sa pagiging top one.
"Huwag na huwag mong ipagsasabi ito kay Rexy lalong lalo na kay Odessa kung ayaw mong lumapat din itong palad ko riyan sa pisnge mo."
Banta ko rito. Itinaas nito ang dalawang kamay.
"Of course! Kailan ba kita inilaglag? Alam ko namang allergic ka na malaman ng ibang may itinatago kang kapiranggot na bait."
Inirapan ko ito at pinulot ang bag kong basta ko na lang ibinaba sa lupa kanina para sugurin si Nica rito sa likod ng eskwelahan. Walang masiyadong estudyante ang nagpupunta sa parteng ito. Naabutan ko pa ang mga itong kinukompronta ni Rexy ngunit imbes na humingi ng tawad ay tinulak tulak pa ng mga ito ang kakambal ko hanggang sa umiiyak na tumakbo na lamang ito paalis. Nang makalayo na ito ay saka ako nagpakita at tinuruan ito ng leksyon.
Nang makarating sa gate ay tumigil na sa pagbuntot sa akin si Claire. Magkahiwalay na kasi ang daan namin pauwi.
Nasa pangalawang kanto na ako malapit sa amin nang mapansin ko ang isang kulay pulang sasakyan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang lalaking buhat-buhat ang walang malay na katawan ng isang babae papasok doon. Magkahalong kaba, takot at pagkataranta ang namayani sa dibdib ko nang mapagsino ang babae.
"Rexy!"
Sigaw ko saka walang pagdadalawang isip na tumakbo patungo sa kinaroroonan ng mga ito ngunit mabilis na naipasok ng lalaki si Rexy sa sasaktan saka agad na humarurot.
Hinihingal na dahan-dahang bumagal ang pagtakbo ko habang hinahabol ang kotse nang tuluyan na itong makalabas sa highway at halos mawala na sa paningin ko.
"NCE2264... NCE2264... NCE2264..."
Paulit-ulit kong sambit habang pinangangapusan ng hininga sa pagod.
Iyon ang plaka ng sasakyan kaya hindi ko iyon puwedeng malimutan!
Lumingon ako sa paligid at nakasilip ako ng pag-asa nang makita ang himpilan ng pulisya. Agad akong pumasok sa loob at nang makita ang isang pulis na prenteng nakaupo sa harap mabilis ko itong nilapitan.
"NCE2264..iyan po ang plaka ng pulang sasakyang tumangay sa kapatid ko!"
Dere-deretso kong saad dahilan upang mapatda ito. Makalipas ang ilang segundo ay iiling-iling itong bumuntong-hininga.
BINABASA MO ANG
PROXY SERIES: LUNEXIA
Genel KurguFrom rags to riches---that's Lunexia Andrada's ultimate mission. Gagawin niya ang lahat makasilo lamang ng mayamang mahuhuthutan para lamang makaahon sa kahirapan. Delikadesa, prinsipyo at dignidad? Oh well, lahat iyan ay wala sa bokabularyo ng isa...