Be Your Everything

178 4 0
                                    

PROLOGUE:

Minsan may dumadating sa buhay mo nang hindi mo inaasahan,akala mo siya na..pero ang masaklap bigla rin syang maglalaho nang hindi mo rin inaasahan.

Kahit gaano kayo kasaya noon..hindi pa din maiiwasan na pag dumating na yung puntong ENDING na,mas nangingibabaw pa din yung pakiramdam na nasasaktan ka..

Wag mong pagsisihan ang mga bagay na nagawa mo noon katulad ng minahal mo sya..isipin mo na lang na isa syang parte ng nakaraan na hindi na dapat balikan..

Sobrang daling sabihin ang AYOKO NA,HINDI NA AKO MAGMAMAHAL KAHIT KAILAN. Dahil lang sa isang beses kang sinaktan. Oo nga naman masakit din yun,lalo na kung niloko ka. Pero hindi pa din masasabi ang tadhana..

May mga bagay talaga sa buhay natin  na dumadating sa hindi inaasahang panahon,lalo na sa panahong kailangan mo nang makakasama. Sa mga panahong akala mo katapusan na nang buhay mo..

Ako nga pala si Kim Alexis Miranda. 16 years old,Senior student sa St. Mary High. May pagkakalog,maingay at friendly. Simple lang ang buhay ko sa school dati,pero simula nung naging kami ni Clarence,nag-iba lahat. Naging popular ako,hindi ko naman ginusto yun e. Ikaw ba naman ang maging girlfriend nang isang varsity nang volleyball! Pero kahit ano mang popularity ang meron ako,hindi ko pa din kinakalimutan  kung saan ako nagmula nung hindi ko pa kilala si Clarence. Atsaka hindi din naman naging madali para sakin ang maging girlfriend niya. Pero kahit hindi naging kami nang ganung katagal,minahal ko siya kasi siya yung first boyfriend ko. Pero pasalamat pa rin ako sa kanya kasi kung hindi dahil sa kanya hindi ko makikilala ang lalaking magpapasaya at magmamahal sakin nang totoo. Okaay so,eto na kwento ko na yung buhay ko bago pa man dumating ang totoong magmamahal sakin..

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Eto yung second time ko magsusulat nang story,medyo hindi pa din sanay :D HOHO sana magustuhan niyo :)

Be Your EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon