Artus POV:"Mina! Mina!!" Sigaw ko habang isa-isa kong inaalis ang lahat ng nakaharang na nagbabasakang bato at malalaking puno.
"Mina!! Asan ka?! Ugh!" Muli kong sigaw sa kaniyang pangalan nang may hindi ako napansin na kung saan galing at tumama sa batok ko na siyang naging dahilan ng pagbagsak ko. Napatingin pa ako sa medyo likod ko habang nakadapa na at hirap na hirap itong alisin.
"Ahhh!!" Napasigaw na ako at mas namanhid pa ang dalawa kong mga binte nang may tumama na naman doon na malaking punong kahoy.
Sobra ahhh! Sobrang sakit na.
Hindi na ako makatayo dahil sa nakadagan sa akin na kung ano. Nang tignan ko ang bandang parte nanilalamon na din ng manhid at ramdam ko ang nakatusok na kahoy sa may bandang binte ko at alam ko na kahoy 'yon dahil sa tulis nito na ramdam na ramdam ko. Hindi na din ako nakakahinga ng maayos.
Mina...
Bumalik sa aking alaala ang napakaamo niyang mukha. Ang labi niyang natural ang pagkapula. Ang malaporselana niyang leeg. Ang mahahaba niyang pilik mata. Ang ilong niyang tama lamang ang pagkatangos. Ang kaniyang kakulitan at ang kaniyang tinig na tila isang napakagandang awitin sa tuwing maririnig mo. At higit sa lahat, ang kaniyang pagtawa at mga ngiti na umaabot hanggang sa aking puso
"Tulong! ahh! Artus! Tulungan mo ako!" Naririnig ko ang boses niya na dating napakalambing at napalitan ngayon ng nakakaawa, nakakabalagabag at nakakababa sa akin bilang kaniyang iniirog.
Mina... Patawad. Patawad, mahal ko.
"Artus!" Rinig ko ang kaniyang tinig na siyang umiiyak at tiyak akong takot na takot na din ang namumuo sa kaniyang boses.
Gusto ko man tumayo at puntahan ang lugar kung saan nanggagaling ang kan'yang tinig subalit taliwas namang sinasabi ng aking katawan. Hindi ko na talaga kaya pa. Unti unti na rin akong nahihirapan huminga at ng dilim
"Artus!! Tulong! Tulungan mo ako, tulungan ninyo ako! Pakiusap. Tulong..." Muli na naman niyang sigaw habang umiiyak. Alam kong malapit na ako sa kaniya dahil rinig na rinig ko ang nagsusumamo niyang tinig.
Hindi na ata kita pa maililigtas, Mina.
Sa huling pagkakataon ay pilit kong nilalabanan ang sakit at iniaangat ang likod ko para sana matanggal ko ang nakadagan sa akin na malaking kahoy. Subalit mas nadagdagan lamang ito nang may dumagan na naman sa 'kin. Sa pagkakataong ito ay hindi na sa likod ko tumama, kun 'di sa ulo ko na kaya napasubsob ako na siyang naging dahilan kung bakit napatama sa bato ang aking bandang batok dama ko doon ang likodo na natitiyak kong dugo.
Subalit ayos lang, sasama na lamang ako sa 'yo Mina... Patawarin mo sana ako.
Unti unti nang nagdidilim ang paningin ko at para na akong nilalamon ng dilim
Patawad Mina. Subalit hindi ko na kaya.
Gusto ko pa man sana lumaban subalit sa tingin ko ay ang Bathala na mismo ang nagtakda nito.
Hiling ko lamang sa mga sandali na ito ay ang muli tayong magkita. At kung sakaling matupad iyon at dumating ay akin nang titiyakin ang iyong kaligtasan, sisiguraduhin ko na mas magiging matalino na ako sa pagligtas sa iyo sa mga ganitong pagkakataon. Walang pagpipilian. Ikaw at ikaw lamang ang siyang palagi kong pipiliin hanggang sa huli.
Muli, patawad, Mina. Patawarin mo ako, mahal ko.
"Artus!!!"
-------------------
"Minaaaa!!" Agad akong napabangon at habol hiningang binuksan ang ilaw sa aking bedside ng mapanaginipan ko naman ang napakasakit na eksena na iyon.
Tumayo ako mula sa aking higaan at kumuha ako ng wine sa ref na nasa kwarto ko din at pumunta sa veranda.
Ininum ko ang wine at tumingin sa labas ng aking veranda.Madilim dito at tanging mga bituin lamang ang nagtatanglaw sa kalangitan. Kapansin pansin din ang liwanag ng buwan na kung ipapaliwag ito ay Waning Gibbous Moon.
The moon is again partially illuminated, but is now decreasing in size. This represents a time of reflection, purging and decluttering.
Sabi nila ang buwan daw ay indicates a very emotional time in love.
Hmm, tama nga sila.
Palatandaan ito ng napaka emosyonal pagdating sa pag ibig.
Naiyukom ko ang kamay ko at ramdam ko ang kirot no'n dahil sa nabasag kong baso na may wine. Itinaas ko ang kamay ko at itinapat iyon sa maliwanag na buwa kaya naman kitang kita ko ang umaagos na dulo mula doon.
Bakit pa ba ako nabuhay? At bakit siya pa ang nawala? Gusto ko man wakasan ang buhay ko noong mismo na nawala siya pero, paano?
Kalabanin mo na ang lahat huwag lang si tadhana dahil wala tayong laban sa kanya. Puso natin ang alas niya. Umpisa palang talong talo na tayo.
Tayo ang susuyo kay tadhana para makasama lang natin ang pinakamamahal nating tao. Dahil sabi nga nila mapaglaro ito paiikutin ka niya hanggang sa mahulog ka sa pinatama niya at kapag hulog na hulog ka na? Doon naman dadating si problems, which is si tadhana na naman ang puno't dulo. Paulit ulit na lamang. Walang tuldok. Walang dulo. Walang hangganan. Walang wakas.
*********
Mine na ba agad kay Artus?Anyways, just want to share these my second story. Yes po may possible count of chapters na tayo dito. And sa sa LMIH, grave unexpected na may... basta.
Thank you!! HAHAHAHAHAHA
YOU ARE READING
To Have You, Again
FantasyAng puso pala ay maaari pa ring magmahal kahit nasaktan na ito noong nakaraan. Walang tuldok. Walang dulo. Walang hangganan. Walang wakas.