Happy reading! (◠‿・)—☆✧
Mina POV
"Magandang gabi sa iyo, Mina" Nakangiting bati ng aming mga makikisig na mandirigma.
"Magandang gabi rin ho sa inyo."
Magalang ko naman na bati rin sa mga ito. Napatingin naman ako sa kanilang mga kasuotan at nakangiti muling bumaling sa kanila"Mukhang may pagsasanay kayong muli." Nasa likod lamang ang aking dalawang kamay at nanatiling nakatayo sa kanilang harapan habang ang iba sa kanila ay napatawa pa dahil siguro sa aking tinuran at para bang kami lang nakaririnig.
"Pinaghahanda sila ng Yna. Hindi man kami sigurado subalit nababatid namin na may kinalaman ito sa nakaraang digmaan laban sa mga Avversario."
Napatingin kami sa nagsalita mula sa aking likuran at mas lalong lumapad ang aking ngiti nang makita ko siya mismo.
Ngumiti ako sa kaniya at ganoon din siya sa akin. Itinaas niya ng kaunti ang kaniyang isang braso na nagsasabing lumapit ako at salubungin siya ng isang mahigpit na yakap. Hindi na ako nag antay pa ng ilang sandali at mabilis na lumapit at yumakap sa kaniya. Ramdam at dinig ko ang pagtibok ng kaniyang puso na kung saan ang aking tainga ay nakatapat dahil nakayakap ako sa kan'ya. Narinig ko pa siyang tumawa ng mahina kung kaya napatingin ako sa kaniyang mukha, mas matangkad siya kumpara sa akin, hanggang balikat lamang niya ako kung tutuusin. Nakangiti siya habang yakap yakap ako at nakatingin din sa aking mga labi. Kaya bumawi din ako at mas lalo pa siyang niyakap ng mahigpit.
"Nang iinggit na naman talaga ang ating Heneral." Bulong ng isang mandirigma kaya naman agad akong niluwagan ang aking pagkakayakap as kanya.
Nakakahiya ang aking ginawa.
Hindi ko na namalayan na nakatingin nga pala sa amin ang ilang mandirigma na ngayon ay may malalapad na ngisi sa kanilang mga labi. Marahil ay inaasar nila ang kanilang Heneral kaya naman dahil sa kahihiyang dulot nun ay humiwalay ako sa kanyang bisig at tumabi na lamang sa kaniyang gilid.
"Labis lang ata'ng nanabik sa akin, ang aking mahal, kung kaya ganoon na lamang ang higpit ng kaniyang mga yakap" May halong pang aasar na saad ni Dan, ang aking kasintahan na sinakyan naman ng kaniyang mga tauhan. Minsan talaga ay malakas itong manguna ng asaran, kapag binawian ko naman siya ay agad nawawalan ng kulay ang kaniyang mukha.
"Marahil nga iyan Heneral. Kay tamis din ng kaniyang mga ngiti." Pang gagatong ng may katangkarang lalaki sa kanila.
"Ang kaniyang mga mata na tila sinasabing kay tagal ka talaga niyang hinintay." Pangkukunsinti pa ng isa sa kanila rin.
"Huwag kang mag alala Mina ilang araw na lamang at mapapasa iyo na ang aming Heneral." May pang aasar din ng isa pa na sa palagay ko ay malapit kay Dan sa tuwing sila ay may pagsasanay.
"Malapit na pala ang inyong pag iisang dibdib, tiyak na malaking piging ang magaganap iyan sa buong kaharian"
sa lahat ng kanilang sinabi au diyan ako napangiti ng malaki.Tama, malapit na nga, matapos lamang ang paglubog ng liwanag ngayon na magmumula sa buwan ay amin nang ipagdiriwang ang aming kasal at aaminin kong hindi na ako makapaghintay pa na dumating ang oras na iyon.
Naramdaman kong hinawakan ni Dan ang aking bewang at mas inilapit sa kaniyang mga bisig at lumipad at dahil na rin hawak nga niya ako ay inalalayan ko ang aking katawan para sumabay sa kaniyang paglipad upang hindi ako maging mabigat sa kaniya kahit alam ko naman na kayang kaya niya ako. Narinig ko pang napatawa ang mga mandirigma pero hindi ko na iyon pa pinagbigyang pansin at tumingin na lamang sa kalangitan at kaniyang mukha. Huminto kami sa medyo itaas ng kaharian na kung saan tila mga langgam mula rito ang mga nasasakupang mamamayan.
Mga diwatang may kaniya kan'yang ginagawa, mga bata na nagtatakbuhan habang naglalaro, ang iba naman sa kanila ay nagpapakitang gilas sa pag gamit ng kanilang mga kapangyarihan, ang iba naman ay grupo ng mga kabataang lalaki na naglalaban laban subalit may halong tawanan, iyon bang tipo na maghaharutan tapos magkakapikunan pagkatapos ay magtatawanan. Napakagandang pagmasdan ng kaharian mula rito, napakapayapa sa pakiramdam.Binitawan ako ni Artus at niyakap mula sa aking likuran habang ang aming mga kamay ay magkahawak. Itinaas ko ang aking ulo at dahil hanggang balikat lamang niya ako ay kita ko na nakatingin siya sa itaas kaya naman sinundan ko kung ano iyon.
Nagliliwanag, napakaganda ng mga bituin na tila nagtatanghal sa kalangitan kasabay pa no'n ay ang malamig na simoy ng hangin. Mas pinahigpit ko pa ang kamay namin ni Dan at narinig ko siyang napatawa. Pero nanatiling nasa itaas parin ang kaniyang mga mata.
"Malapit nang lubusang lumiwanag ang buwan." Pinakawalan ng aking kamay at pinaharap niya ang aking katawan upang magtama ang aming mga mukha at muling hinawakan ang aking dalawang kamay at hinalikan ang mga ito. Nakatitig at nakangiti lamang kami sa isa't isa ng mga sandali na iyon ng muli siyang magsalita.
"Kaunting oras na lamang at may karapatan na akong umuwi sa isang bahay kung saan ka naghihintay at ng ating magiging anak, mahal ko" Napangiti naman ako sa kaniyang inusad. Kahit ako ay hindi na pa makapaghintay na dumating kami sa puntong iyon na kung saan magkasama na kami sa iisang bubong kasama ang aming nanaising mga supling. Ginalaw ko ang aming mga kamay at nagtungo ang isa kong palad sa kaniyang pisngi at medyo tumingala ako sa kaniya at ngumiti ng malapad.
"Mahal kita Dan. Mahal na mahal kita. Wala na pa akong nanaising ibigin na iba bukod lamang sa iyo." sambit ko at siyang aking hinalikan sa kaniyang mga labi.
"Nais kong ipangako mo, saksi ang buwan at mga bituin sa sasambitin mong matamis sa akin Mina. Ipangako mo na ako lamang at wala ng iba pa, na kahit ano pa mang mangyari ay hihintayin mo ako sa lugar na kung saan minsan tayo ang naging hari at reyna. Dito sa tuktok ng kaharian ng Abarca, pakiusap ipangako mo, mahal ko" tila nagsusumamo niyang sambit habang hawak niya pa rin ng mahigpit ang aking mga kamay.
Hindi ko alam subalit mayroon sakin na tila nasasaktan na kung dumating man ang panahon na mawala siya, ay tiyak na hindi ko iyon kakayanin at hindi ko na pa kayang maghintay dahil sa lubos na kalungkutan na hatid niyon sa akin. Alam ko na hindi madali maging heneral, siya ang nagsasanay, unang humaharap sa makakalaban at hindi ko lubos maisip na kung paano dumating sa puntong siya naman ang matalo?
Paano na ako? Hindi ko kaya na wala siya, na wala si Dan.
"Pakiusap din mahal ko huwag mo sa akin ipagkaloob ang kalungkutan." Malumanay kong sabi at napailing naman siya at ngumiti. Muli niyang ibinalik sa kaninang katawan ang aming posisyon na kung saan nasa likod ko siya habang nakayakap siya sa sa akin.
"Sa ngalan ng buong kaharian ng Abarca. Saksi ang buwan at mga bituin, ako ang iyong magiging gabay sa dilim, magkasama tayong susulong at muling haharap sa liwanag. Mahal na mahal kita, Mina." Ipinatong niya ang kaniyang baba sa aking balikat habang sabay naming pinagmasdan ang napakagandang kaharian.
Ito lamang ay sapat na ako, Bathala.
Nais ko na ganito lamang kami, mapayapa at magaan sa pakiramdam.
Alam ko na hindi madaling maging Heneral ng isang kaharian. Sa oras na maikasal na kami natitiyak ko na mahahati ang kaniyang oras. Sumbalit batid ko din na sa oras na kailangang mamili sa pagitan ko at ng kahariang Abarca ay mas karapat dapat lamang na unahin ang kaharian, unahin ang mas nakararami at masaya ako na isipin ang bagay na ganoon. Hindi naman ako kailangan pang protektahan ni Dan, may sapat akong kapangyarihan at kaya ko na ang aking sarili. Kaya kahit ngayon lang, kahit pansamantala ay magiging makasarili na muna ako na akin ka.
Nais ko na kahit ilang sandali lamang ay manatili kaming ganito
Susunod...
**********
'AVVERSARIO' salitang Italian na ang ibig sabihin po ay kalaban.
YOU ARE READING
To Have You, Again
FantasyAng puso pala ay maaari pa ring magmahal kahit nasaktan na ito noong nakaraan. Walang tuldok. Walang dulo. Walang hangganan. Walang wakas.