Grade 7 ako ng nakilala ko sya, school mate ko sya nung elementary kaso di ko pa sya kilala nun. Matalino sya, mabait tska sweet. Kaya hindi nakakapagtaka kung bakit nahulog agad ako sakanya. Naging mag bestfriends kami, nagkakatext kami pero di kami masyadong naguusap sa personal nakakahiya kasi ewan ko ba. Dumaan nga lang sa room nila nahihirapan nako e kausapin pa kaya sya. Mahiyain kasi ako, simple lang, walang arte sa katawan.
Dati nung bata pa ko sabi ko kila mama magmamadre ako, kasi ayokong magmahal, tingin ko kasi dati pag nagmahal ka malandi kana.
Syempre bata pa ko nun, di ko pa alam ibig sabihin ng love. Nagkakilala kami nun dahil sa bestfriend ko na kaklase nya. may gusto kasi sya sa bestfriend ko e, kaso parang bestfriend lang tingin ng bestfriend ko sakanya.
Naalala ko nga nun, yung classmate ko nanligaw sa bestfriend ko. E valentines day nun may surprise na ginawa yung classmate ko para sa bestfriend ko.
Nandoon sya nun sa room nila nung sinurprise ng classmate ko yung bestfrend ko, nakita ko kung pano sya nasaktan nun. Tumakbo sya nun plabas ng room nila, hinabol sya ng mga kaibigan nya. Hahabulin ko nga dapat sya kaso nahihiya ako. Kaya hindi nako tumuloy, kung alam nya lang. Nasasaktan ako pag nakikita ko syang nasasaktan. Kasi mahal ko na sya.
BINABASA MO ANG
MISSING PIECES❤ (Short Story)
Short StoryWritten by: BabyKoleengg PROLOGUE ~~ Ang puso ko parang puzzle, pinaglalaruan, binubuo pero may sisira. May mag bubuo ulit pero may magsisira na naman. Pero tulad ng ng ibang bagay, hindi ito makukumpleto kung may kulang. Parang sa chess, hindi ma...