CHAPTER ONE

16 0 0
                                    
Nagulat ako sa bumulaga sa lamesa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagulat ako sa bumulaga sa lamesa. Isang kamay ang naglapag ng light yellow na sobre sa aking harapan. Ngunit ibang pangalan ng babae ang nakasulat doon.

"Wala ka talagang kadala-dala, no? Another love letter? Ilang beses ka na ba nabasted?"

Nilingon ko ang taong naglapag ng sulat, isang makahulugang ngiti ang sumilip sa kanyang mga labi. Muntik ko ng mahigit ang aking hininga, napaka-cute kasi niyang tignan, halos naningkit ang kanyang mga mata sa lapad ng kanyang ngiti. Hindi ko alam kung bakit nga ba ayaw sa kanya ni Joyce eh ang gwapo gwapo kaya ng bestfriend ko. Maputi, matangkad at matangos ang ilong.

"Alam mo na, never lose hope diba? Pag may tiyaga may nilaga."

Tinaasan ko siya ng isang kilay, "paano ka naman nakasisiguro na iaabot ko ang sulat mo? Bakit hindi ikaw ang magbigay?"

"Please, you have the next class together. Para mabasa niya agad at matawagan ko siya," pagmamaka-awa ni Justin.

Isang buntong hininga ang aking pinakawalan. Bakit ba hindi ko siya kayang tiisin?

"Nakakainis ka, kung hindi lang kita bestfriend. Last na ito ha. Sa susunod hindi na ako pwedeng maging tulay. Babatukan na kita ng matauhan ka."

"Ang bait-bait talaga ng best friend ko oh. Kaya love na love kita," pinisil niya ang aking magkabilang pisngi. Pero mas may kirot akong naramdaman sa mga salitang kanyang binitiwan. Parang gusto ko talaga maniwala na mahal niya ako pero batid ko na hanggang kaibigan lang ang pagtingin niya sa akin.

Nakilala ko si Justin nung nursery, seatmates kasi kami. Anak mayaman kaya lagi siyang may ekstrang lapis or crayons na dala. At ako ang tagapagmana ng mga ito tuwing may assignment kami. Dahil nasanay kami sa isa't-isa hanggang sa recess kami lagi ang magkasama.

We were classmates hanggang highschool. Na-witness ko na din ang ilang babaeng niligawan niya at dalawang gilfriends na nauwi din sa hiwalayan. As usual ako lang naman lagi ang kanyang tulay.

Ipinangako namin sa isa't isa na lagi kami magkasama hanggang college. Kahit magkaiba ang aming course, sinusubukan namin na may isang subject kami na pareho bawat semester. Kung wala man, sinisigurado niya na nagkikita kami for lunch or long breaks. At hindi ko iyon pinapalampas kasi siya lagi ang taya. Kaya din siguro alam niya hindi ko siya matitiis.

Ngunit kailan nga ba nagsimula umusbong ang kakaibang pagtingin ko sa kanya? Hindi ko na din alam. Basta minsan nakaramdam ako ng selos sa mga niligawan niya lalo na sa mga naging girlfriends niya. Nung una akala ko dahil lang sa minsan nawalan siya ng oras sa akin outside school. At naawa ako sa aking sarili dahil miss na miss ko siya.

Pero habang tumatagal alam ko na ang aking nararamdaman ay higit pa sa pagiging bestfriend niya. Lagi siyang gwapo sa aking paningin, kahit corny ang mga jokes niya ay bentang-benta sa akin. Palagi kong naiisip ang kanyang mga ngiti kung hindi kami magkasama.

Nakaramdam ako ng kilig ng tumabi siya sa aking upuan at nasinghot ko ang bango niyang taglay. Gusto ko siyang yakapin at sabihan na ako na lang sana ang babae para sa kanya. Nang mahimasmasan ako ay napabalikwas ako ng tayo, natatakot ako na baka marinig niya ang pagbilis ng tibok ng aking puso.

"Oh saan ka pupunta? Kakarating ko lang. Mamaya pa ang class mo diba? Hindi pa tayo kumakain," nagtatakang tanong ni Justin.

"May nakalimutan kasi ako, I need to do something before the class starts."

Pinulot ko ang sulat sa lamesa at winagayway ito sa kanyang harapan, "oh ito, ibibigay ko na."

Nagpakawala ako ng pilit na ngiti sa aking labi kahit nagdadalamhati ang aking puso. Nakita ko na lang na napakamot ng ulo si Justin at nakakunot ang noo, patuloy na nakamasid habang ako ay papalayo.

HANGGANG SA HULIWhere stories live. Discover now