CHAPTER TWO

7 0 0
                                    

"Surprise," bakas sa boses ng bestfriend ko ang excitement habang iniaabot niya sa akin ang isang bento box. Siyempre alam niya ang favorite food ko.

"Bakit isa lang? Where's your lunch?"

"Ahh...hindi kita masasabayan eh. May lunch date ako today," sabay kindat.

Natulala ako hindi dahil sa kindat niya kundi dahil sa sinabi niya. Naramdaman ko ang pagdaloy ng init sa aking mga pisngi at ang panandaliang pagmanhid ng aking katawan.

Tinapik ni Justin ang aking balikat, "hindi mo ba ako iko-congratulate?" Napakalawak ng kanyang ngiti, also known as his signature gummy smile.

So ito talaga ang surprise niya, hindi ang pagkain kundi ang meron siyang ibang ka-lunch date that day. Nagpasalamat siya sa pagtulong ko. As usual isang dakilang tulay na naman ang silbi ko sa kanya. Dahil doon ay nakapag-usap sila at napapayag niya si Joyce na sabay silang kumain ng lunch.

"Okay, I'll call you later. Enjoy your lunch," pagpapa-alam ni Justin.

Enjoy my lunch? Gusto ko lang naman ibato ang bento box sa kanya.

Sinundan ko siya ng tingin na mabigat ang aking damdamin. Bumabaligtad ang aking sikmura, nawalan ako ng ganang kumain. Kinuha ko ang bento box at hinanap ang pinaka-malapit na basurahan. Nasa akmang pag-tapon na ako pero bigla akong nakonsensya. Madaming nagugutom na bata sa Pilipinas, dahil lang sa tampo at selos ay mag-sasayang ako ng pagkain?

Pinakawalan ko ang isang malalim na buntong-hininga bago bumalik sa aking kinauupuan kanina. Matagal kong tinitigan ang bento box hanggang sa marinig ko ang pag-kalam ng aking sikmura. Sinubukan kong kumain kahit ang pait ng aking panlasa. Ngunit sa bawat pagsubo ng sushi at tempura ay ang pagpipigil ng aking mga luha.

****

Mabigat pa rin ang aking loob nang makauwi ako ng bahay at diretso sa aking kwarto. Kanina pa maingay ang notification ko sa cellphone, ten missed calls and eighteen text messages lang naman ang naghihintay sa aking atensyon. Alam kong kanina pa akong gustong kausapin ni Justin pero ayokong marining kung ano ang iku-kuwento niya. Bakit ko naman ito-torture ang sarili kong marining pa ang lahat ng detalye ng lunch date niya with Joyce? Quota na ako sa lahat ng kwento niya tungkol sa mga niligawan at naging girlfriends niya noon.

Nang marinig ko ulit na tumunog ang cellphone ko, pinatay ko na ito ng tuluyan. Napipikon ako talaga kay Justin. Manigas siya kaka-text at kaka-tawag. Kinuha ko ang pinakamalapit na unan at sinuntok ito ng paulit-ulit. Umaasang kahit paano ay maibsan ang aking sama ng loob. Natigil ang aking pag-iinarte ng marinig ko ang boses ng Nanay ko. Tinatawag ako upang ibalita na may bisita akong naghihintay sa may sala.

Hindi ako makapaniwala na kaharap ko na ang taong ayaw kong makausap. "Anong ginagawa mo dito?"

"Kanina pa ako tumatawag at nagte-text eh hindi ka naman sumasagot," halata ang tampo sa boses ni Justin.

Kaya wala akong nagawa kundi magdahilan, "Nag low bat kasi ako and nakatulog. I did not see your text messages or call. Sorry Jah. Bakit ka ba tumatawag?"

This is it, the moment of truth. Inihanda ko na ang sarili ko sa kung ano man ang sasabihan niya.

"Nood tayo ng sine bukas. Saturday naman eh walang pasok. Libre ko siyempre."

Napakamot ako ng ulo. Tama ba ang narinig ko? Parang may mali sa sinabi ni Justin. "Sine? Manonood tayo?"

"Oo, inaabangan mo diba yung Wonder Woman? Sunduin kita ng after lunch."

May chance ba akong tumanggi if hindi naman siya nagtanong? "Eh di, okay." Ngunit hindi ko naman mapigilang kiligin sa pagyaya niyang manood kami ng sine.

"Talaga?" Halos sumingkit ang mga mata ni Justin sa sobrang tuwa. Ayan na naman ang ngiti niyang nakaka-inlove.

Hindi ko na talaga alam kung ano pa ba dapat ang aking maramdaman para kay Justin. Kahit anong galit or sama ng loob ko, makita ko lang ang ngiti niya lahat na ng tampo ay nakakalimutan ko. Nagsasaya na ulit ang puso ko. Tadhana ko na ata ang maging marupok lang para sa Justin De Dios. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HANGGANG SA HULIWhere stories live. Discover now