"Oo--"
Naputol ang kwentuhan namin ng may tumabi saming lalaki. Pogi siya, matangkad, matangos ilong, nakasalamin at maputi.
"Hi pwede bang makipagkaibigan sa inyo?" tanong nito.
"Uhmm. Oo nama--"
"Oo namaaaaan" pagsingit ni heaven. Naku susumbong kita kay andrei ah.
"Ako nga pala si Thyler James R. Hernandez, kaklase niyo ko nasa pangatlong row lang" cute niya ngumiti myghad.
"Tabi ka nalang samin mamaya habang wala pang seatplan" pag-aya ko.
"hala sige!!" walang pag-aalinlangan niyang sagot. Tumunog na ang bell kaya bumalik na kami sa room.
At katabi nga namin si thyler. Ang cute kasi parang accurate yung name namen hehe.Maghapon naming katabi si Thyler. Kalog siya nakikisabay siya sa trip, mukhang magkakasundo kami ah.
"Uwi na kami thy, ikaw san ka ba umuuwi?"
"Sa Galaxy street lang"
"ay weh? Magkapit-bahay kayo? Ang dadayaaa hmmp." sabi ng bespren ko na may halong tampo.
"hatid ka nalang namin sabi ni thyler" at agad ding Pumayag si kupal hahahaha.
"oh pasok ka bukas ah babye ingat"
"babyeee heaven!!" paalam ni thyler.
Nagkwentuhan lang kami tungkol sa buhay namin at magkatabi lang pala kami ng bahay? Di ko siya nakikita nuon kasi nasa America daw siya. Ah kaya pala.
Natapos ang araw ng masaya. Ano kayang mangyayare sa susunod. Hay.