Chapter V

3 0 0
                                    

Heaven P.O.V

Habang naglalakad ako papunta samin bigla kong naalala yung tingin ni andrei sakin.. Rewindd.......

Andito ako sa cafeteria dahil inutusan ako ni ma'am na bumili ng tubig dahil nahihilo daw siya. Sakto uwian naman na. Nang bigla kong nakitang magkasama si Andrei at Matthew. Ay oo nga pala about dun sa pageant. Nang maalala ko yun nilapitan ko sila.

"Uhm.. Matthew about nga pala dun sa pageant?" tanong ko. Btw, ako ang muse at si Matthew ang escort hihi alam kong alam niyo na inulit ko lang.

"Uy heaven ikaw pala 'yan, Oo nagsusulat na ko ng mga plans para isang gawaan nalang. Pwede mo ba kami tulungan?" ugh nakatingin si andrei di ako pwede tumanggi gusto ko siya makasama.

"Oo babalik ako, uwi muna ko kasi di pa ko nagpaalam kay mama baka pagalitan ako eh saglit lang naman yon" paliwanag ko.

Dali-dali akong pumunta sa cubicle ni ma'am sa faculty at nagpaalam ng uuwi. May bantay naman si ma'am kaya di na ko kailangan.
Pauwi na ko ng makita ko si thyler, pawis na pawis mukhang galing nanamang training 'to ah. Pogi talaga netong mokong na 'to kung di lang 'to medj nerd nerd baka madaming magkagusto dito.

"Oh heaven, pauwi ka palang?" tanong niya

"Timang Obvious ba? Syempre oo" pagbibiro ko dito.

"Tara hatid na kita, ay nagugutom ako. Kain tayo??" habang nakangiti ng malaki. Agad naman akong pumayag dahil nagugutom na rin ako.

Ang daming binili ni thyler, matakaw pala 'to pero bakit di halata? Hmmp.

"Ang takaw mo naman!" pang-aasar ko.

"Nagugutom na kasi talaga ko di ako nagrecesss kanina diba?" ay oo nga pala ginawa niya yung assignment sa physics di kasi gumagawa sa bahay tsk.

"Ay pwede niyo ba ko samahan sa school? Babalik pa kasi ako eh maggagawa kami about sa pageant"

"Oo naman pero maliligo muna ko ah ang init eh ang hot ko kasi!" sabay hawak sa abs niya ampota sakalin ko kaya 'to hahahaha.

"Tse! Ewan ko sayo. Ah basta isama mo na si thylie ha. Di na ko makakadaan kasi nagmamadali ako. Ha? Babyeeee" sabay umalis na ko.

Thyler P.O.V

Piste talaga 'to si heaven iniwan ako, pero hayaan mo na nga pasalamat siya nilibre ko siya naku. Ay dadaanan ko pa pala si thylie sasamahan namin si Heaven. May lihim akong pagtingin kay thylie simula pa nung mga bata pa kami. Lagi ko siyang nakikita hindi lang ako lumalabas kasi di ako palakaibigan. Galing akong states at sa malapit na school lang ako trinansfer ni mommy inshort sa public, nung una maarte ako kasi public pero nung nalaman kong masaya at maraming magiging kaibigan dun na ko nagkalakas ng loob. Lalo na't nalaman kong magkaklase kami ni thylie laking pasasalamat ko at nagkaron ako ng lakas na kausapin siya. Ang bait ni thylie at maasahan kaya hindi nakakapagtakang maraming magkakagusto sa kanya. Pero ayokong may kaagaw argh!!

Andito na ko sa tapat nang makita ko si tita(mama ni thylie).
"Oh thyler ikaw pala 'yan, bakit?" tanong ni tita.

"Ah tita si thylie po? Nagpapasama po kasi si heaven samin magpaplano para sa pageant" paliwanag ko

"Ay andun sa loob sandali tatawagin ko" sabi niya.

"THYLIEEEE!!! BOYFRIEND MO NASA LABAS!!" sigaw ni tita sabay tawa.

Hahahaha baliw talaga 'to si tita pinapaasa ako.

"Ma wala akong boyfriend!!"

"Si thyler nasa labas, papasama daw si heaven sa inyo!!"

Narinig kong palabas na si thylie kaya nag-ayos ako ng buhok.

"Oh thyler bakit?" tanong niya.

"Papasama daw si heaven sa school about sa pageant magpapatulong"

"Oh sige sige mag-aayos na ko"

Pinasok ko muna si thyler at si mama na ang nag-asikaso. Maliligo kasi muna ko hahaahaha.

Matthew P.O.V

"Ano bang gusto mong meryenda thy? Sabihin mo lang habang naliligo pa si thyleng" si leng nalang po joke.

"Wala po, busog pa ko ako eh kumain po kasi kami ni heaven dun sa kanto" sagot ko. Agad namang tumango si tita. Wait ko nalang sa leng. Leng palayaw ni thylie, ewan ko ba hahahahha.

15MINS LATUUUUUUUUUUUUUH

"Tara na thy" pag-aaya ni leng.

"Tita alis na po kami"
"Alis na kami ma!!!"
Paalam namin.







Unexpected LoveWhere stories live. Discover now