Prologue

33 1 0
                                    

Prologue

"IKAW 'yung babae sa palengke, 'da ba?" Naniningkit ang mga matang tanong ni Alex sa babaeng maganda ang legs.

"O, e ano ngayon? Ako nga 'yon. Ikaw 'yung mambabarat e." Nakapamewang na sabi nito.

Hapit na hapit ang dress nito sa katawan. Naka-sandals din ito na mga nasa two inches at talagang ayos na ayos ang mukha. Hindi ito mukhang palengkera!

"Ang sexy mo naman pala." Puri ni Alex. Maganda naman talaga ang babae. Lalo na ang malusog na dibdib nito na bakat na bakat sa suot nitong red dress.

"P'kyu ka." She raised her middle finger in front of him sabay walk out.

Natawa si Alex. Ang sexy lang ng babaeng ito. Sinundan naman nya ito. Pumasok ito sa restobar ni Damien.

"Stop following me nga. Lecheng 'to." Masungit na humarap ito sa kanya.

"Nice butt, too sweetie." Alex smirked. Namumula na sa inis ang dalagang amasona. Kanina pa ito inis na inis sa kanya. Ang ganda-ganda nito lalo na kapag naiinis.

"Gago! Alam kong mukha akong pokpok ngayon pero hindi ako pokpok! Virgin pa ako!" Proud na proud pa ito. "Hanggang pagnanasa ka na lang dahil maganda lang ako, pero hindi ako pumapatol sa bakla."

Natauhan si Alex. Wow! Sya raw bakla! Mukhang kailangan niyang pakitaan ng 'Alex-hokage moves' ang babaeng saksakan ng sexy.

"You want me to prove that I'm not a gay?" He dangerously said.

Doon naman parang natauhan si Radelyn. T'ngna! Bakit ba kamukha ni Darls ang isang 'to? Kasing mata pa n'ya!

"Natulala ka na. Ano, gwapo ako ano?" She saw him smirked. Lumapit pa ito sa kanya.

"T'arantado ka pala e!" Mabilis niyang iwinasiwas ang kamao pero, laking gulat n'ya nang salagin ito ng palad ng lalaki. She gasped when she felt his right arm around her waist. Ngayon magkalapit na sila.

T'ngna talaga! Ang gwapo naman nito. Paano pa ako papalag? Papalag ba ako o hindi? Tanong niya sa isip niya. Pero bago pa niya masagot ang tanong nya, nahalikan na siya nito.

Take note, sa lips!

First kiss ko! Aangal pa sana si Radelyn kaso, wala e. Lambot ng lips. Kaka-adik e. Next time na lang ako papalag. Sa ngayon, kiss muna.

They kissed passionate and deep. Parang walang tao sa loob ng bar. Parang sila lang ang naroon. Until Alex felt the woman's arms snaked around his neck and deepen the kiss. Wala na. Natangay na sya.

Natigil lang sila ng makarinig ng hiyawan at palakpakan. And may tumikhim sa likuran nila. Doon lang parang natauhan ang dalawa. Napalingon pa sila pareho.

Halos malaglag ang panga ni Alex nang makita kung sino ang tumikhim.

"S-Sandy!" Si Sandro pala iyon. Shit! Nakita sya ng kapatid nya! He's dead!

"Care to tell me what's happening here, kuya?" Pinagdiinan nito ang kuya. Humalukipkip pa.

Nang lingunin nya si Radelyn ay nakatingin ito kay Sandro. Nangunot pa ang noo nya nang lumapit si Radelyn kay Sandro. "I-ikaw si...Sandro Lorenzo, 'di ba?"

"Ako nga. You know me?" Tanong naman ni Sandro.

"Ay! Oo, Sandro bhe!" Kilig na kilig namang bulalas ni Radelyn. "Fan mo ako! Shet, ang gwapo mo pala talaga... Napapanood kita sa TV. Doktor ka."

Napataas ang isang kilay ni Alex. Kinalabit si Radelyn. Lumingon ito sa kanya. "I'm still here, you know?"

Masama ang tingin ng babae sa kanya. "Bakit, sino ka ba? Nandito na ang prince charming ko kaya, chupi!" Bumaling itong muli kay Sandro.

"Wow ah." Sarkastikong wika ni Alex. "Baka lang hindi mo alam, ako si detective Alexander Miguel Lorenzo. Ako ang ikalawang kapatid ni Sandro."

"Hey, miss, 'di ba girlfriend ka ng kuya ko?" Sabi naman ni Sandro.

"Hindi. Hindi, nya ako jowabels. Radelyn ang name ko." Inilahad ng babae ang paload sa harap ni Sandro.

Akamang tatanggapin iyon ng kapatid niya pero pinigilan nya. "Touch her and I'll kick you out of here, Sandro. I'm dead serious."

Sandro smirked. Kinuha pa rin ang palad ni Radelyn. Hinagkan pa nito ang likod ng palad ng babae. Inaasar ang kuya niya.

"Fck! Let go!" Hinatak na ni Alex si Radelyn palabas ng bar. Nagbabangayan pa ang dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Mischievous LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon