_________________________
Prologue:
"Please...I'm begging you. Tanggapin mo na ang offer ko sayo. Kailangan mo naman ng pera diba? Magkano ba kailangan mo? Name your price! 50,000? 75,000? 100,000?" pagmamakaawa ni Harvey kay Aira habang naka pout pa ito. Sobrang desperado lang talaga siya na kailangan niyang magmakaawa ng ganito kahit na labag ito sa kalooban niya.
"Fine. Sige. Pumapayag na ako. Pero for 3 months lang ha! 100,000 ba?" matapos ang ilang minutong katahimikan upang magisip ay nagsalita na din ito. Alam niyang napaka unethical nitong gagawin niya para lamang magka pera. Pero wala siyang choice, ang laki na ng utang niya sa credit card niya, madami pa siyang bills na babayaran at naawa din siya kay Harvey.
"Talaga? Sigurado ka? Final na yan ahh. Oo sige, 100,000 pesos for 3 weeks. Walang problema sa pera. Pero wala ng atrasan yan ha. Kailangan natin magkaroon ng kasulatan. Ipapatawag ko lang ang secretary ko saglit para maihanda na ang kontrata." nagliwanag ang mukha ni Harvey at agad na lumabas para puntahan ang secretary niya sa desk nito. Naiwan naman si Aira sa loob ng opisina ni Harvey.
"Haaaay. 12 weeks of hell. Lord sana kayanin ko 'to. Mukhang mapapasubo na talaga ako sa sitwasyon ko ngayon...." bulong ni Aira sa sarili sabay ng pagpasok muli ni Harvey sa loob ng opisina niya at sumandal agad sa desk nito.
"So, let's talk about the details shall we?" naka ngiti pa ng nakakaloko sa kanya si Harvey. 'Oh bloody hell' pagaalburoto na lang ni Aira sa kanyang utak.
_________________________
Meet Aira Calissa Ramos, isang matalinong law student at certified Shopaholic.
Afford naman niya ito at maganda naman din siya kaya walang problema. Mayaman ang pamilya niya. Parehong doctors ang parents niya. Kaya lang, ayaw siya tulungan ng mga magulang niya sa bills niya dahil sa edad na 22 ay kailangan na daw niyang maging independent. Kaya naman pinagsabihan siya ng mga magulang niya na maghanap daw ito ng part time na trabaho habang nagaaral. Hindi naman niya alam kung paano niya pagsasabayin ang internship niya sa isang law firm at ang pagttrabaho nito for extra money. Pero wala siyang magagawa, kailangan niyang magkaroon ng pera. Bukod sa pagiging Shopaholic, maganda at mayaman ay matalino din naman si Aira. Madalas niya ngang binabara ang ilang professors niya sa law school dahil sa kanyang kakaibang Philosophy sa buhay. Kaya sa edad niyang 22 ay nasa huling taon na siya sa law school, accelerated kasi siya noong highschool pa siya kaya naman sa edad na 19 ay nagtapos na ito sa kolehiyo ng Legal Management. Kasalukuyan nga siyang naghahanap ng isang magandang law firm na paglalaanan niya ng oras para sa kanyang OJT o internship na tinatawag.
Meet Harvey Stefan Wilson, isang mayaman at gwapong Casanova na soon to be successor ng isa sa pinaka sikat at nangungunang law firm dito sa bansa. Ang Wilson Law Firm.
Sa edad na 24 ay may mataas na posisyon na ito sa law firm ng ama at sa ngayon, siya ang tumatayong head nito habang nasa ibang bansa pa ang kanyang mga magulang. Gwapo, mayaman, matalino, metikoloso, at higit sa lahat, isa siyang Casanova. Playboy o babaero kung tawagin. Wala siyang relasyon na nagtatagal dahil para sa kanya, laro at pampalipas oras lang ang mga babae. Pero kahit na ganito pa siya, mabait naman siya at sweet sa mga nagiging girlfriend niya. Kahit na pampalipas oras lang niya ang mga babae ay tinuturing pa rin niya ang mga ito ng may respeto. Kung tutuusin, perfect na talaga siya ehh, maliban na nga lang sa katangi tanging flaw niya na pagiging certified Casanova. Dahil sa madilim niyang nakaraan na pinipilit niyang idaan sa limot, naging Casanova ito. Minsan din mayabang ito at moody pero ganon pa man, madami pa ding kababaihan ang naghahabol at nahuhumaling sa kanya.
Paano kapag nag clash ang buhay ng dalawang ito? Ang buhay ng isang Shopaholic at isang Casanova.
Pareho silang may strong personality pero magkaibang magkaiba ang ugali nila. Masasabi nga ba na opposites really do attract o hindi talaga sila magkakasundo dahil magkaibang magkaiba ang mundong ginagalawan nila?
BINABASA MO ANG
When Ms.Shopaholic meets the Casanova
RomanceWhat happens kapag nag clash ang buhay ng isang Shopaholic at isang Casanova? Pareho silang may strong personality pero magkaibang magkaiba ang ugali nila. Masasabi nga ba na opposites really do attract o hindi talaga sila magkakasundo dahil magkaib...