Maagang pumasok si Aira kinabukasan dahil unang araw nga niya sa OJT niya sa Wilson Law Firm. Isang oras bago ang kanyang duty ay nandoon na siya sa lobby at naghihintay. Sakto namang napadaan si Anthony sa lobby.
"Oh Aira. Parang ang aga mo naman ata? Good Morning!" nakaka inlove ang killer smile ng isa sa mga boss ni Aira kaya di niya napigilan, nalunod siya sa mga mata ni Anthony.
"Aaaah. Wala lang po Sir. Ayoko kasing ma late ngayon, lalong lalo na at first day ko pa naman to." ngumiti din si Aira.
"Wag mo na ako tawaging Sir, Anthony na lang. Masyado kang pormal eh." magsasalita na sana si Aira ng bigla namang nag ring ang cellphone ni Anthony kaya humingi siya ng paumanhin at sinagot ang tawag.
"Hello?" bati ni Anthony sa tumawag.
"Pare, nasa opisina ka na ba?" si Harvey, ang tumatayong big boss nila sa ngayon pala ang nasa kabilang linya.
"Oo. Bakit pare? Don't tell me ma llate ka na naman ngayon? May meeting tayo dun sa special client natin pare." napakamot na lang si Aira sa ulo.
"Yun na nga pare eh. Medyo ma llate ako ng konti. Pwedeng libangin mo muna yung mga kliyente pare? Hindi mo sila pwedeng paalisin hangga't di ako nakakarating jan. Please pare."
"Fine, sige. Ako na bahala."
"Salamat pare, maasahan ka talaga." at binaba na ni Harvey ang telepono.
"Loko talaga yung lalaking yun. Binabaan pa ako ng telepono. Napuyat na naman siguro yun sa babae niya kaya tinanghali ng gising." sabi ni Anthony sa sarili. Tila nakalimutan na kasama nga pala niya si Aira sa lobby.
"Aaah Sir, sige aakyat na po ako." nagmamadaling sabi ni Aira. Ayaw niyang makialam sa sinasabi ng boss niya tungkol sa big boss nila. Ayaw niya manghimasok sa buhay ng iba.
"Oh wait lang. Teka sandali. Sabi ng wag na Sir ang itawag mo sakin eh." bumalik sa realidad si Anthony at hinatak si Aira sa braso para mapigilan ito sa pag alis. Tinignan naman ni Aira ang braso niya kung saan naka hawak si Anthony kaya napabitaw naman bigla ang binata dito. Marahil ay naisip niyang hindi komportable si Aira sa ginawa niya.
"Sige. Hindi na Sir. Anthony na lang. Sige, Anthony aakyat na ako." tumalikod na ulit si Aira pero narinig niya ang mga yabag ni Anthony na sumusunod pala sa kanya papunta sa elevator.
"Sabay na tayo. Aakyat na din ako eh. Siya nga pala, pwede mo ba akong tulungan, ma llate daw kasi ng dating si Harvey eh. Darating yung mga clients natin in 15 minutes.”
“Ahhh. Anthony. Sino si Harvey? Sige, ano bang maitutulong ko?” at pumasok na silang dalawa sa elevator.
“Si Harvey ang big boss natin ngayon habang nasa states pa ang Dad niya. Medyo ingat ka lang dun ah, babaero yun eh.” Nanlaki naman ang mga mata ni Aira. Ano naman ba ang kinalaman niya kung babaero yun?
“Eh ano naman ngayon kung babaero siya? Professional naman siguro siya at di pumapatol sa mga empleyado niya diba?”
“Hah! Akala mo lang yun. He even hooked up with his secretary before, tapos nung naghiwalay sila, tinanggal niya sa trabaho yung babae. Poor Jessica.” napa ismid pa si Anthony at nauna ng lumabas sa elevator.
Naiwan namang tulala si Aira sa loob ng elevator. Hindi niya inakalang may mga ganon palang eksena sa mga work place. Kaya naman napag desisyunan niya lalo na hindi siya papatol sa kahit na sinong boss niya kapag nagttrabaho na siya, para maiwasan ang biglang pagkawala ng trabaho. Ayaw niyang pulutin siya sa kangkungan.
BINABASA MO ANG
When Ms.Shopaholic meets the Casanova
RomanceWhat happens kapag nag clash ang buhay ng isang Shopaholic at isang Casanova? Pareho silang may strong personality pero magkaibang magkaiba ang ugali nila. Masasabi nga ba na opposites really do attract o hindi talaga sila magkakasundo dahil magkaib...