Chapter 1

52 2 0
                                    

Ilang linggo na ding naghahanap ng mapapasukan na Law Firm si Aira para sa kanyang OJT. Bukod sa OJT niya ay may 2 subjects pa siya sa school na kailangan niyang pasukan every other day. Sa ngayon ay nakatayo siya sa harap ng Wilson Law Firm. Kinakabahan siya ng sobra sobra dahil isa ito sa pinaka sikat na law firm sa Pilipinas. Kabado man ay pinilit pa rin niya ang sarili niyang pumasok sa loob ng building ng Wilson's. Tinawagan kasi siya ng secretary kanina at pinapasabi na ngayon daw niya malalaman ang resulta ng final interview niya.

"Congratulations Ms.Ramos, pwede ka na magstart dito simula bukas. Wag kang ma la-late ha?" ngiting ngiti pa si Mr.Velasco sa kanya. Ang gwapong associate head ng Wilson Law Firm.

"t-talaga po?" nauutal utal pa si Aira. Tila hindi makapaniwala sa magandang balita na narinig niya.

"Oo naman. Ayaw mo ba?" naka ngiti pa din sa kanya si Kurt Anthony Velasco.

"Syempre po, gusto Sir! Sige po, maaga po akong papasok bukas!" bakas sa mukha ni Aira ang excitement sa papasukan niyang law firm. Pinagdadasal pa nga niya na sana pagka graduate niya eh mabigyan siya ng pagkakataong magtrabaho din dito.

"I'll see you tomorrow then." at tuluyan na ngang umalis si Aira sa office.

Sobrang saya niya dahil matapos ang tatlong linggong pag hahanap at pag apply as intern sa iba't ibang law firm eh may tumanggap din sa kanya. At hindi lang ordinaryong law firm. Big time pa!

Agad agad nilisan ni Aira ang building ng Wilson's at nagmadaling pumunta sa parking lot. Kailangan niyang tawagan ang bestfriend niya para maipamahagi ang magandang balita.

 "Hello? Aud! Oh my god friendship. You wouldn't believe this! Natanggap na ako. Mag o-OJT na talaga ako. Teka lang nag hhyper ventilate ako!" hindi mapakali si Aira at palakad lakad pa sa parking lot. Kausap niya ang bestfriend niyang si Audrey. Pre-school pa lang nung una silang nagkakilala at naging matalik na magkaibigan.

"Weh? Ohmygosh friend! I'm so happy for you. Ano? Saang law firm ka? Yung sakin, ang sungit ng boss ko. huhuhu." magkaklase din si Aira at Audrey mula pre-school hanggang college. Grabe diba? Parang kambal na hindi mapaghiwalay.

"Sa Wilson's ako eh. At least ikaw nakapag start na. Buti nga natanggap ka kaagad, samantalang ako, bukas pa lang mag uumpisa."

"Wow, level up ka friend aah. Sa Wilson's? Bigatin ka na! Haha Eh masungit talaga yung boss ko nakakainis.... pero gwapo. Wahahaha" tumawa ng malakas si Audrey sa kabilang linya.

"Ano ba yan, pati ba naman boss pinagnanasahan mo? Haha. Friend, tandaan mo, boss mo pa din yan. Di pwede yan ha. Kahit ano pa yang binabalak mo. " pagpapaalala ni Aira sa bestfriend niya.

"Oo na. Anyway, nasan ka ba ngayon? Puntahan mo ko dali! May ikkwento ako sayo!!!" bakas sa boses ni Audrey ang excitement.

"Nasa parking lot pa din ng Wilson's. Asan ka ba? Sige. Sobrang excited mo naman teh, di ba pwedeng sa phone mo na lang ikwento? Kwento mo na ngayon!" binuksan na ni Aira ang kanyang kotse at sumakay na dito.

"Di pwede, gusto ko makita personally ang reaction mo eh. haha Nasa Eastwood ako. Galing akong office eh. Starbucks ha, hintayin kita. Bye." tapos agad na binaba ni Audrey ang cellphone niya.

"Hala, ano naman kaya ang sasabihin non?" tanong ni Aira sa sarili habang pinaandar na ang kotse at mabilis na umalis sa parking lot na yon.

----------------------------------

"Friend, sarap naman neto. Ano ba tong inorder mo? Don't tell me crnedit card mo to ha?" puno pa ang bibig ni Audrey habang nagsasalita ito.

"Nakakahiya ka. Umayos ka nga ng kain. Hoy cash binayad ko jan noh. Blueberry cheesecake lang yan. Sus, yan lang di mo pa alam?" napabuntong hininga na lang si Aira sabay sip doon sa binili niyang Caramel Frappuccino.

"Wala lang, eh kasi akala ko crinedit card mo pa, ang dami mo na ngang utang don eh. Wag mo na dagdagan. Kung wala ka ng cash, sabihin mo lang, ako na lang magbabayad." napa ismid si Aira sa sinabi ng kaibigan. Ayaw niya munang isipin ang bills na babayaran niya. Sa credit card niya, sa postpaid plan niya, at sa mga gastos niyang napaka laki.

"I'll find a way to patch things up. Don't worry. " pinilit niyang ngumiti.

"Sige, sabi mo yan aah. Basta kung kaya ko, try kitang tulungan." mabait talaga ang bestfriend ni Aira, kaya mahal na mahal niya ito.

"Anyway, ano ba yung sasabihin mo sakin at kailangan pa talaga nating magkita dito? Ayan tuloy, napagastos pa ako tapos nilibre pa kita." sabi ni Aira habang nakangiti. Pinaglalaruan niya yung straw sa frappuccino niya.

"Aaaah. Kasi ano, tinawagan ako ni Jared kanina para lang sabihin na bumalik na daw ng pilipinas si Drake." napangiti pa si Audrey habang sumusubo ulit doon sa blueberry cheesecake niya. Si Jared nga pala ang bestfriend nilang lalaki. Nitong college lang nila nakilala si Jared at hanggang sa Law school ay magkakasama at magkaklase silang tatlo. Lingid sa kaalaman ni Aira, matagal na din pala itong may gusto sa kanya.

Nanlaki naman ang mga mata ni Aira. Di niya alam kung ano ba dapat ang maging reaksyon niya. Kung dapat ba siyang matuwa o mainis na bumalik na ang EX niya na bigla na lang siyang iniwanan at pinagpalit sa iba noon.

"Bat pa siya bumalik? Dapat di na siya bumalik dito." pabulong na sabi ni Aira.

"Ay friend! Grabe ka naman! Bitter lang? Hahaha College pa tayo non ano ka ba, di pa din ba over? Di ka pa din ba nakakapag move on? C'mon! Nasa law school na tayo yan pa din ang issue mo? It's been what? 3years?" panunukso ni Audrey sa kaibigan.

"Shut up. Matagal na akong naka move on. I just don't get it, sabi niya dati hindi na daw siya babalik diba? Oh anong nangyari at nandito siya ngayon?" uminom ulit ng frap si Aira. Na ttense siguro sa twist of fate niya.

Ngumiti naman ng abot tenga si Audrey sabay sabi ng mga katagang hindi inaasahan ni Aira na maririnig pa niya simula nung araw na naghiwalay sila ni Jared.

"He's here to get you back daw."

to be continued....

When Ms.Shopaholic meets the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon