2. The Commoner, The Ex and The Frustrated

37 10 26
                                    

"Dear, how are you – Hey! Doll, where are you going?!" Hindi na pinansin ni Doll si Beatrice. Nagmadali itong tumakbo sa kanilang classroom.


Shit! Shit! Shit!


Paulit-ulit na sabi ni Doll sa kanyang utak hanggang sa makarating siya sa kanilang classroom. Kagaya ng nangyari kahapon, ay agad na tumahimik ang klase ng dumating si Doll. Hindi ito pinansin ng dalaga, at inilibot nito ang tingin sa buong klase. Tumigil ang kanyang tingin sa kanyang upuan.


Yes! It's here!


Agad siyang lumapit sa kanyang upuan at kinuha ang lilang kwaderno. Niyakap niya ito. Her classmates gave her a weird look because of this. Tumingin naman ito sa mga kaklase niya at itinaas ang kanyang kilay. "What are all of you looking at?"


Bumalik naman ang mga kaklase niya sa kani-kanilang ginagawa. She sighed and whispered lowly, "I thought somebody took you". Bago pa man siya makapagsalita muli ay dumating na ang kanilang professor. Kaya umupo nalang si Doll sa kanyang upuan at inilagay ang kanyang lilang kwarderno sa kanyang bag.


/ / /


Tumalikod na ang professor nila at lumabas na ng room. Sunod-sunod naman na umalis ang kanyang mga kaklase sa classroom. It was their break time, ibig sabihin ay magkakaroon na naman ng oras si Doll ng oras na magsulat sa kanyang kwaderno.


Nang buklatin ni Doll ang kanyang kwaderno ay lumaki ang kanyang mga mata sa nakita.


I find your writing to be oddly satisfying.


Halos manginig ang mga kamay ni Doll sa takot. Inilibot niya ang kanyang paligid sa silid. Wala siyang nakitang tao sa loob ng silid maliban sa sarili niya.


Fuck! Somebody touched my notebook!


Inisip ni Doll kung sino ang taong pwedeng gumalaw sa kanyang lilang kwaderno. Bigla namang sumagi sa isip niya ang lalaking nakaupo sa front seat na natutulog kahapon.


Sinampal niya ang sarili, "Come on! How can you be so fucking dumb to leave this here?!". Tila isang baliw ay sinermonan niya ang kanyang sarili.


Her tummy grumbled even before she could utter a word. Hindi na siya nag-alinlangan pa at tumayo. Gutom siya, at 'yon muna ang nasa isip niya ngayon. But this time, dala-dala na niya ang kanyang lilang kwaderno sa pag-alis sa silid.


Nang makarating siya sa cafeteria ay nahagip ng kamay niya ang commoner na naka-away niya kahapon. Kasama nito ang mga weirdoes sa school nila. Yung baklang si George o mas kilala ngayon as Georgina, and yung goth girl na si Eleonore. Mga commoner din ito sa academy na binigyan na scholarship.


Ika nga ni Doll nung unang makita ang mga 'to ay "Ew! Those weirdoes are so gross!"


Pinuntahan ni Doll ang table nina Beatrice at Madeline. Nagulat naman ang dalawa ng makita si Doll. Ang akala ng dalawa ay hindi ito sasabay sa kanila. But who were they to judge? She is Doll Henderson.


"So, you've decided to join us. But, can I ask why you were such in a hurry earlier, dear?" tanong sa kanya ni Beatrice, tumango naman si Madeline. Doll just shook her head, "It was nothing, girls"


"Then, why is you so madali kanina? Like, we make hintay-hintay for you and you just make iwan to us"


"Just like I said, it was nothing," Hindi na hinintay ni Doll ang kanilang mga sagot at tumayo na para kumain. Habang naglalakad ay mayroon siyang nabunggo at natapon sa kanyang uniporme, sapatos at mamahaling bag ang pagkain nito.


Nag-init bigla ang ulo Doll at tumalim ang tingin sa nakabungo sa kanya, "Do you know how much this bag costs?!"


Yumuko ang dalaga at umiling. Based on her clothes, Doll concluded na isa ito sa mga commoner na scholar sa academy. "Ha! Another commoner! What is it with commoners and why do they make me so fucking angry?!"


Itinaas nito ang kanyang kilay sa commoner at tinanong, "What?! You're not gonna talk?!"


Hindi na hinintay ni Doll ang sagot at hinila ang buhok ng estudyante. Halos umiyak na ang dalaga sa sakit na kanyang natatanggap sa pagsabunot ni Doll sa kanya. Pinipilit nitong tanggalin ang kamay ni Doll sa kanyang buhok ngunit mas lalo lang niya itong hinigpitan.


Biglang naramdaman ni Doll na mayroong humawak sa kanyang braso. Tumingala ito at nakita ang isang commoner na siyang sinampal niya kahapon. Tinanggal nito ang kamay sa buhok ng babae at humarap kay Hannah.


"Bakit mo sinasaktan yung kapwa mo? Diba sinabi ko na sayo kahapon na–"


"And you think that I'll listen to you?" Muli niyang itinaas ang kanyang kilay, "And stop talking about values and shit. You ain't some nun"


"Aba't sinasabi ko lang naman na masa–"


"That I'm doing something bad? I'm aware of that. And since you interrupted while I was torturing this stupid girl..." Lumingon siya sa babaeng ngayon ay nakadapa sa sahig . "I'm gonna torture you!"


Bago pa man iyon magawa ni Doll ay mayroon silang narinig na sigaw. Doll stopped and glanced at the person who shouted. Her eyes widened in shock.


He was the person that gave Doll happiness. He was the person that showed her what true love really is. He was Doll's first and only love. He was Doll's ex. And seeing him fight for somebody else made her heart break.


"Try and hurt Hannah – at baka makalimutan kong babae ka," galit na asik sa kanya ni Max, his black orbs glaring at Doll. His name was Maximus Foster, one of the school's heartrobs and the school's delinquent.


Hindi na nagsalita muli si Max at hinila si Hannah paalis ng cafeteria. Sinundan naman ng tingin iyon ni Doll. She was frustrated.


"Dear, are you okay?" Lumapit sa kanya sina Beatrice and Madeline ngunit hindi niya sila pinansin at lumabas ng cafeteria.


Doll was frustrated, and she doesn't like that.

Her Purple NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon