"HOY! AKALA MO MAKAKAPAGTAGO KA SAMIN MISS? HAHAHHAHAHA" SIGAW NG ISA SA KANILA
MATINDING TAKOT AT KABA ANG DUMADALOY SA SISTEMA KO NGAYON. WALANG IBANG LAMAN ANG UTAK KO KUNDI MAKAHANAP NG LUGAR NA PWEDE KONG PAGTAGUAN.
NAANINAG KO NA ANG ISANG PAMILYAR NA POSTE, TANDA NA MALAPIT NA KO MAKALABAS SA ESKINITANG SINUOTAN KO KANINA.
"BILISIN MO ALYXANDRA KAYA MO YAN!" BULONG KO SA SARILI HABANG PILIT NA HINAHABOL ANG AKING HININGA.
PLEASE LORD AYAW KO PA PONG MATEGI. JOKI JOKI LANG PO YUNG EMOTE KO NUNG NAKARAANG ARAW. MAHAL KO PA PO ANG BUHAY KO. TSAKA HINDI KO PA PO NAKUKUHA YUNG BONUS KO KAY MADAM SUZY HUHUHU. KAHIT CHRISTMAS GIFT NIYO NALANG PO SAKIN TO LORD PLEASEEE?
"AKALA MO MAKAKATAKAS KA PA MISS? TANGINA ANG SAKIT NG PAGKAKASAPAK MO AH" GALIT NA SIGAW ULIT NG ISA SA MGA LALAKE. ETO YUNG MAMANG HUMIPO SA PWETAN KO KANINA. SA GULAT KO HINDI KO NAPIGILAN ANG PAGDAPO NG KAMAO KO SA MUKHA NIYA.
"OO GAGO ANG TIGAS NGA MUKHA MO EH! HAHAHAHA" NATATAWANG SAGOT KO NG HINDI LUMILINGON.
TINULAK KO PAPUNTA SA KANILA ANG NADAANAN KONG KARITON AT IBINATO ANG ILANG MGA BAGAY NA NAKITA KO SA DINARAANAN. NAKITA KO SILANG NAGTUMBAHAN KAYA NAMAN MABILIS AKONG TUMAKBO PAPALAYO.
"YES!!! THANK YOU LORD!!" NAIIYAK KONG SIGAW NG MAPUNTA NA KO SA LUGAR KUNG SAAN MAY MANGILAN NGILAN NA KONG TAO NA NAKIKITA. ANG ILAN SA KANILA AY NAPAPAHINTO AT SAGLIT AKONG PINAPASADAHAN NG TINGIN.
"HEHEHHE HI!" NATATAWA KONG SABE SA KANILA HABANG KINAKAWAYAN AT BINIBIGYAN SILA NG PILIT NA NGITI. HABOL HABOL KO PA DIN ANG AKING PAGHINGA.
NAGLAKAD PA KO NG NAGLAKAD PALAYO SA LUGAR KUNG NASAN KO INIWANG NAKAHIGA YUNG MGA LASENG NA HUMABOL SAKIN. HINDI NARIN NAKAKAPAGTAKA NA MABILIS SILANG NATUMBA DAHIL DULOT NARIN SIGURO ITO NG LABIS NA KALASINGAN NILA. PERO HINDI PARIN AKO KAMPANTE HANGGAT NANDITO PA KO. LINGA AKO NG LINGA DAHIL ANYTIME BAKA BIGLA NALANG SILANG SUMULPOT SA LIKOD KO.
"PARA!!! MANONG!" SIGAW KO SA ILANG JEEP NA DUMAAN. PERO MUKANG PAPAUWI NA ATA ANG MGA ITO DAHIL PURO ILING LANG ANG NAKUHA KO.
KAHIT TAXI AY PINAPARA KO NA RIN PERO KUNG HINDI MAY SAKAY AY PURO SUPLADO.
"BWISET! BAKIT BA LAGE NALANG MAHIRAP MAKASAKAY DITO?" INIS NA SABE KO HABANG NAGIINTAY NG MASASAKYAN. NAPATINGIN AKO SA RELOS KO AT TSAKA KO LANG NAPANSIN NA INABOT NA KO NG ALA UNA NG MADALING ARAW DITO.
KADALASAN KASE SA LUGAR NA TO KAPAG INABOT KA NA NG ALAS NUEBE AT HINDI KA PA NAKAKAUWI AY PAHIRAPAN NG MAKAHANAP NG JEEP NA MASASAKYAN. MADALANG RIN NAMANG MAY TAXI NA DUMAAN DITO DAHIL DOON SILA SA KABILANG BANDA SA MAY GILID NG MALL MADALAS NA NAG AANTAY NG PASAHERO.
LAGE AKONG NAKIKISABAY SA KAIBIGAN KONG MAY SASAKYAN KAYA NAMAN HINDI KO TO PROBLEMA BADTRIP LANG TALAGA DAHIL NATAON PA NA MAY LAKAD SIYA KANINA AT NAHIHIYA NAMAN AKONG MAGDEMAND. AKO PA BA ANG AANGAL EH NAKIKISABAY NA NGA LANG AKO.
NATIGIL AKO SA PAG IISIP NG BIGLA KONG MAKITA ANG TATLONG LALAKE NA PALINGA LINGA AT MUKANG MAY HINAHANAP NA WALANG IBA KUNDI AKO.
TUMAKBO NA KO MALAPIT SA MAY 7/11 NG MAY PUMARADANG SASAKYAN AT KASABAY NUN AY ANG PAGBABA NG ISANG BABAE SA MAY HARAPAN. MAYA MAYA LANG AY LUMABAS ANG DRIVER AT MAY KAUSAP SA MAY CELLPHONE HABANG SINESENYASAN ANG BABAE NA UMALIS NA. NAKITA KO PANG ANG ITSURA NG BABAE, PARANG KATATAPOS LANG UMIYAK DAHIL SIRA ANG MAKE UP NIYA LALO NA YUNG KUMALAT NA EYELINER DOON SA MATA NIYA.
"AYUN! OY BABAE!" SIGAW NG ISA SA MGA HUMAHABOL SAKIN
SA SOBRANG KABA KO BIGLA KO NALANG BINUKSAN ANG LIKOD NG SASAKYAN NA NASA HARAPAN KO. TUWANG TUWA AKO NG BUMUKAS ITO AT NAGMADALI AKONG PUMASOK UPANG MAGTAGO.
YOU ARE READING
Meant for each other
RomanceAnong mararamdaman mo kapag dumating yung time na yung taong minamahal mo pala ay hindi mo totally mahal? Paano kung yung love ay matagpuan mo sa isang taong kakakilala mo palang? Masasabe mo pa din bang "love" ang naramdaman mo sa kasalukuyang maha...