Article 1 - Section 2

1K 37 10
                                    

"WHY do you want to shift all of a sudden?" mahinahong tanong ni Kuya Forbes sa'kin pagkatapos kong sabihin sa kanya ang plano ko.

"I'm no longer happy with my course." Liar.

"Ano bang kukunin mo?" Problemado siyang nakatingin sa'kin habang nakaupo sa office table niya.

"I want to take up Business Management, Kuya," determinado kong sagot sa tanong niya pero agad namang nalukot ang mukha niya bago siya lumapit sa'kin.

"Febe, sinasabi ko sa'yo, if this is about me taking over the company—"

"Kuya naman! I just want you to take up law, like what you always wanted! Please! Ako na ang bahala sa company—" Hindi pa ako tapos sa pagsasalita ay umiiling na siya.

"Febe, listen." Hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat at bahagyang yumuko upang matingnan ako ng diretso sa mata.

"Finish the course you wanted. Ako na ang bahala sa lahat. I can always pursue law school after you graduated, so stop stressing over it, okay?" Tumutulo na ang luha ko habang nakikinig sa mga sinasabi niya.

Malapit na ang graduation nila at nang malaman kong magpro-proceed si Kuya Achi sa law school, I also wanted my brother to do the same. Because that is his passion. Alam kong gusto niya iyong gawin, but I am the big hindrance for it. Hindi niya magawa ang gusto niya dahil walang magti-take over sa kumpanya and he knows na wala akong interes sa negosyong naiwan ng mga magulang namin. That's why he's taking the burden to himself. Para hindi ako mahirapan but the guilt is killing me!

"No! You proceed to law school ako na ang bahala sa company! Kuya, stop treating me like a child! I'm old enough to understand how the world works!" I shouted angrily before walking out of his study room.

I went directly to my room and slammed the door, hard. Agad akong dumapa sa kama at doon umiyak.

"I hate you! I hate you!" Patuloy pa rin ako sa pag-iyak at pananakit sa mga kawawa kong unan nang makarinig ng pagkatok sa pintuan.

"Leave me alone!" sigaw ko, thinking it was my brother. Akala ko ay umalis na siya nang makarinig akong muli ng marahang katok.

"I said leave—"

"Baby, it's me." When I heard Kuya Achi's voice behind my door ay parang nakakita ako ng kakampi. Nagmamadali akong bumaba ng kama at binuksan ang pintuan, agad ko siyang niyakap.

"I hate him! I hate him!" Wala namang ibang ginawa si Kuya Achi kung 'di yakapin ako nang mas mahigpit at marahan akong hinalik-halikan sa ulo.

"It's okay, baby. It's okay," paulit-ulit niyang bulong habang dahan-dahan akong pinapasok sa kwarto. Ayaw kong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya, imbes ay mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya. I heard him sigh heavily, before he bent slightly and carried me inside my room.

"Shhh . . . tahan na. Baby, look at me," dahan-dahan ko namang inilayo ang mukha ko sa pagkakasubsob ko sa may leeg niya.

"What happened? Nag-away daw kayo ni Forbes?" he asked while gently caressing my hair which brought comfort to me. Maya-maya lang ay humina na ang mga hikbi ko at unti-unti nang nakalma.

"I just want him to do what he always wanted," maikling saad ko kasabay ng isang pahabol na hikbi.

"Law school?" he asked and I nodded. I explained to him about my side and my thoughts. Nakinig lang siya sa mga sinasabi ko at paminsan-minsan ay inaalo kapag nag-uumpisa na naman akong maiyak.

Tricked (TLS #1 - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon