Article 1 - Section 25

469 13 0
                                    

Hindi ko alam kung paano mag-rereact. He was just staring at my hand. He looked pained too.

"Why did you leave?" Ulit niya, ngunit hindi ko parin magawang sagutin.

"M-mama!" Magkahalong relief at tuwa ang naramdaman ko ng marinig ang boses ni Eliza kaya agad ko siyang binalingan. Agad naman na lumabas sina Tiffany at Jake para tumawag ng doctor at nurse.

"Mama! Mama!" Paulit ulit niyang sigaw kahit na paulit-ulit ko ring sinasabi na nandito lang ako.

"Mama! Mama!" Takot na takot niyang saad at umiiyak na.

Matagal na mula ng huli siyang atakihin. Maybe the trigger was bad enough to unleash her fears once again.

"Mama!" sigaw niyang muli at bahagya pa akong itinutulak palayo, pero pinilit kong makalapit para mayakap siya.

"I'm here baby. Nandito lang si mama," paulit-ulit kong bulong sa may tenga niya habang niyayakap siya ng mahigpit.

"Shhh. Mama's here, Eliza. Just right next to you." Pagpapakalma ko sa kanya at tinabihan na siya sa kama. Maya maya naman ay nakalma na siya at yumakap din ng mahigpit.

Naramdaman kong binalot kami ng kumot at ng mag-angat ako ng tingin para makita kung sino ang may gawa ay nakita kong seryosong nakatingin si Achi kay Eliza.

"What happened to her?" tanong niya.

Marahan kong tinapik-tapik ang tagiliran at likod ng bata para pabalikin ito sa pag-tulog.

"She was my patient before, she witnessed how her parents were murdered. Actually nakarecover na siya, but this happens sometimes, pag malakas yung stimulus na nagti-trigger ng memories and fears, making her lose control with her reality." Paliwanag ko habang nakatingin sa papikit-pikit ng mga mata ni Eliza.

"You were raising her alone?" he asked and placed himself on the other side of Eliza's bed.

"Oo, pero madalas siyang bisitahin nina Tita Tracy." Sagot ko at pilit na tinatago ang kamay na kinaroroonan ng singsing.

Bakit ba nakalimutan kong hubarin 'to?

"Feb!" Tiffany called out but was immediately shush by Achi na tinuturo ang natutulog na bata.

Agad namang tinabunan ni Tiffany ang bibig niya at tinuro ang mga nurses at doctor na kasama niyang pumasok sa kwarto. Inayos ko ang pagkakahiga ni Eliza bago tumayo sa kama para kausapin ang doktor.

Sinamahan ako ni Tiffany sa pagkausap sa doctor.

"Does the patient have any pre-existing conditions? Like anxiety attacks or PTSD?" tanong ng doctor.

"PTSD, doc." Sagot ko. Tumango naman ang doktor at muling binalingan ang chart.

"I suggest to bring her back to her psychiatrist---"

"I'm her doctor, doc. Actually na stabilize na namin yung condition niya for the last two years. Ngayon lang talaga siya inatake ulit ng ganito ka severe."

"Oh. That's good. Means, natututukan talaga yung bata. So what happened before she passed out?" tumingin ako kay Tiffany para makinig rin sa sasabihin niya.

"I was actually aware of her fear with sharp objects kaya nga I'm making sure na wala siyang makikitang ganun. I don't know what happened, naglalaro lang sila ng anak ko sa sala. I was there too, watching TV. Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumayo ng nanginginig at nahihirapan ng huminga. I asked her what's wrong but she never answered hanggang sa nawalan na siya ng malay." Kwento ni Tiffany sa nangyari.

"What were you watching?" tanong ko.

"There's nothing particular, kakasindi ko lang TV nun. Hindi ko na masyado nabigyang pansin kung anong palabas kasi nga bigla na lang siyang tumayo." Sagot niya.

The TV probably showed some kind of horror movie, or it showed some sharp objects that triggered Eliza's attack.

Hindi na masyadong nagbilin ang doctor maliban sa ilang gamot na kailangan ipainom sa bata.

"Mauna na ko. Just don't stress the child." Ani ng doktor bago ito tuluyang umalis. Nang tuluyan ng makaalis ang doktor ay hinarap naman ako ni Tiffany.

"Sorry, Feb. I didn't know this would happen." Guilty nitong saad.

"Don't worry. It's okay." pang-aalo ko rito at bahagyang tinapik siya sa balikat.

"By the way, what's with you and Kuya Achi? Para kayong parents na sumugod sa ospital." pang-aasar niya habang pabalik na kami ng private room ni Eliza.

"Of course not! He drove me here because I can't drive because of worrying!" pag-tatanggol ko sa sarili.

"What---ever." Napatingin ako sa kanya ng bigla siyang matigilan at pabulong na lang na natapos ang salita ng mabuksan ang pintuan ng kwarto.

Kahit ako ay natigilan ng makitang karga karga ni Achi si Eliza at marahang tinatapik-tapik sa likuran.

"Eliza woke up. Umiiyak, hinahanap ka." Ani Jake na naka-upo sa may couch karga-karga rin ang tulog na Jaydon.

Muling bumalik ang tingin ko kay Achi na marahang bumubulong sa anak ko na bahagyang tumatango. Nagkatinginan kami ni Tiffany at isang nang-aasar na ngisi ang nakapaskil sa kanyang labi.

"Daddy material." Bulong ng kaibigan sakin at natatawang lumapit sa mag-ama niya.

Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang lumapit rin sa dalawa. As I was approaching them, I can't stop myself from admiring the view in front of me.

Mukha silang mag-ama.

Kung hindi ba ako umalis noon, may anak na kaya kami?

Ganito rin kaya siya as a father?

Maaayos kaya yung problema namin kung hindi ako umalis?

Sunod sunod ang pag-buhos ng mga what ifs sa isip ko. Pilit ko lang itong binabalewala habang papalapit ako ng papalapit sa kanila.

"What's your favorite dessert? Hmm?" rinig kong tanong niya sa bata.

"Mama's leche flan." Napangiti ako sa sagot ng bata. Agad kong nasalubong ang mga mata ni Achi ng lumipat ito sakin dahil sa sagot ng anak ko.

"Me too, baby. That's my favorite dessert as well." Sagot niya sa bata habang nakatingin parin sakin.

Umalis naman sa pagkakasubsob ang ulo ng bata sa leeg niya at hinawakan siya sa mukha para tingnan siya.

"Really? You've tasted mama's leche flan?" excited nitong tanong sa kanya.

Natuwa naman ako ng makitang bumabalik na ang sigla ng bata.

"Hindi lang leche flan ng mama mo natikman ni Papa Achi, Eliza." Natatawang ani ni Tiffany na agad kong sinaway.

"Papa Achi?" kunot ang noong ulit nito sa sinabi ng Tita Tiffany niya bago muling hinarap si Achi.

"Can I call you that?" inosenting tanong niya. Sasawayin ko na sana siya at sasabihing hindi pwede, pero nakita ko nang ngumiti si Achi ng napakatamis at tumango sa kanya.

"Of course, baby." Ani nito at inayos pa ang buhok ng bata.

"Ano? Muling ibalik na ba?" bulong ni Tiffany, na bigla lang sumulpot sa tabi ko.

Inirapan ko siya at muling binalik ang atensyon kay Achi at Eliza na nag-uusap.

Tricked (TLS #1 - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon