Chapter 1: She died

82 1 5
                                        

Nico’s POV

         Isang linggo na ang nakaraan simula nung namatay si Keena. Hindi ko pa rin matanggap iyon at nananariwa pa rin ang sakit na nadarama ko sa kanyang pagkamatay. Sino ba ang madaling makaka-move on dun?? Siya ang first crush, first love, first girlfriend at first kiss ko. I know this sounds gay. Pero, anong magagawa ko? Siya ang buhay ko. Siya lang. Natatandaan ko pa nun….. mgpropose na sana ako nun sknya sa araw ng aming 7th anniversary kaso nangyari ang isang trahedya na ikinasira ng buhay ko.

Flashback

“Hhaby, san mo ba tlaga ako dadalhin? Ang layo na nito eh. Dapat kasi sa bahay nlang tayo mgcelebrate ng ating anniversary. “ biglaang tanong niya. Eto tlgang si Keena, masyadong mainipin… Pero wag ka, mahal ko yan.. ^___^

“Haha, easy ka lang Hhaby! Malapit na tayo saka kung sa bahay niyo tayo, wala nanaman tayong privacy. At alam kong magugustuhan mo ang lugar na pupuntahin natin..” sagot ko. Balak ko kasi siyang dalhin sa “Heaven’s Garden”. Romantic place daw yun para sa mga couples. At sabi nila, yun mga couples daw na pumupunta dun ay nagtatagal ang relasyon. Well, gusto ko lng naman subukan.. wala naman mwawala saka first time na rin nmin mgcecelebrate ng aniv. sa ganung lugar, palagi nlang kasi sa bahay nila o pgminsan sa mall..

Note: Yun “Heaven’s Garden" po ay kathang-isip ko lamang. Wala kasi akong alam na romantic place kaya ayun nanghula na lang. Whahaha ^___^

“Sus, siguraduhin mo lang Hhaby ah! Alam mo nmang saglit lang akong nagpaalam kay Mommy, dapat before 12midnight nakauwi na ko..”

“Opo, my Cinderella. Iuuwi kita sa saktong oras…” At hinalikan ko siya sa kamay. Ngumiti lang ito sa akin.

Napaka-strict pa rin talaga ni Tita Karen. Simula nung 1styr hs kami ni Keena, nililigawan ko na siya at nung 4thyr lang niya ako sinagot. Sobrang saya ko nun at syempre legal kami sa pamilya niya at sa pamilya ko. Ipinagkatiwala nina Tita Karen at Tito Chris sa akin si Keena. Kaya naman, aalagaan at mamahalin ko siya ng sobra. At alam ko, ngayon na ang panahon para mgpropose. Alam kong masyado pang maagap at mga bata pa kami pero ayoko ng mawala siya sa akin. Mahal na mahal ko siya…

Te-teka, asan na nga ba yun singsing? Kinapa-kapa ko yun singsing sa bulsa ko pero ba’t wala? Dito ko lang yun nilagay ah.  Aha! Saglit akong yumuko at kinuha sa aking paanan. Nandito lang pala..

“Hha.. Hhaby, mababangga tayooooo!” sigaw ni Keena..

BOOOGGGSSSHHH !!!

Sa hospital..

Hindi ko na alam kung anong nangyari kay Keena. Sobrang sakit ng aking katawan at maraming sugat ang natamo ko sa braso at sa mukha. Nasan na kaya siya? Ba’t hndi ko siya kasama?

“Ahh, Nurse! Nasan yung girlfriend ko?”

“Sir, nasa ER po siya. Malubha po ang kalagayan niya at maraming dugo ang nawala sa kniya..”

“Ano!? Kailangan ko siyang puntahan!”

“Sir, hndi pa po maayos ang kalagayan niyo..”

Kahit na masakit pa rin ang buong katawan ko, kinakailangan kong tiisin iyon para makita siya. Hindi ko mpapatawad ang aking sarili kung may mangyaring masama sa kniya. Dali-dali akong umalis sa aking room at tumungo sa ER. Pagkarating ko, agad akong hinawakan ng dalawang nurse sa magkabila kong braso…

“Nasan na si Keena!? Bakit hndi niyo ko papasukin? Gusto ko siyang makita..”

“Sir, huminahon lang po kayo. Hintayin natin si Doc.”

Biglang bumukas ang pinto at lumabas si Doc.

“Kaano-ano ka ng pasyente?”

“Boyfriend niya po ako. Kamusta na po siya?”

“Hmm, Iho! Ginawa na namin  ang lahat para maisalba siya. Nagkaroon ng internal bleeding sa kaniyang ulo dahilan sa pagkakabagok niya. I’m really sorry, masyadong maraming dugo ang nawala sa kniya..”

Sa narinig kong iyon, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko gumuho na ang aking mundo. Napakasakit! Yan ang nararamdaman ko.. bakit siya namatay? Bakit siya pa? Dapat ako nalang. Kasalanan ko ito. Sabi ko sa kaniya, aalagaan at poprotektahan ko siya. Pero, anong ginawa ko!? Hinayaan ko siyang mamatay. Napakasama ko!

End of Flashback

         Nang nalaman nina Tita Karen at Tito Chris ang nangyari kay Keena. Galit na galit sila sa akin. Ayaw na nila akong makita at sabi nila wag daw akong pupunta sa burol at libing ni Keena. Hindi ko sila masisisi, mga magulang sila . Kasalanan ko ang lahat ng ito. Masyado akong makasarili. Sana mapatawad mo ako, Keena. Damn, I really missed her so much. God knows how much I love her at araw-araw kong ipinagdadasal na sana kunin na rin niya ko para magkasama na kami ni Keena.

Madrama ang chapter 1! Hehe, pagpasensyahan niyo na po aketch.. :﴿﴿﴿

- Nalyn ♥

I Do Love Who?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon