Nagising si Nico na may ngiti sa kaniyang mga labi dahil ngayon ang araw ng kaniyang tryout sa volleyball team ng kanilang Unibersidad. Dahil sa tuwa,agad itong tumayo para maligo na at magbihis ng jersey at sapatos para agad na makarating sa kanilang Unibersidad.
Pagkadating sa kanilang Unibersidad,nagkasalubong sila ng kaniyang mga kaibigan na sina Justin,James,Cian,at Bryan.
"Nico,halika na! Sumabay ka na sa amin tutal papunta na kami sa Gym." Aya ni James.
"Oo nga!" Pagsang ayon ni Cian.
"Sige,tara na." Sagot ni Nico at ngumiti sa mga kaibigan niya.
Habang naglalakad sila papunta sa Gym,nagtanong si Nico sa kaniyang mga kaibigan.
"Mahirap kaya ang ipapagawa sa atin ni Coach? Ano sa tingin niyo?" Tanong ni Nico sa mga ito.
Kabadong kabado kasi siya lalo't first time niya lang sumabak sa tryout.
"Sa tingin ko,hindi naman." Sagot ni James na sinamahan pa ng pag ngiti para pagaanin ang loob ng kaibigan.
"Hindi yan mahirap. Kung gusto mo,makukuha mo." Si Cian.
Tila gumaan naman ang loob ni Nico dahil doon. Aaminin niyang kahit medyo kabado pa din siya ay napagaan iyon ng kaibigan niya.
Nang sila ay nakarating sa Gym,naabutan nila na nagsisimula na ang pagi-i-stretching ng kanilang mga kasama sa tryout.
"Nagsimula na sila!" Gulat na sabi ni James habang nakatingin sa loob ng gym.
Agad silang tumakbo papasok sa loob.
"Bilis na,pwesto na kayo." Utos ni Coah sa magkakaibigan nang makita sila nito.
Habang sila ay nagmamadaling pumunta sa kanilang pwesto,napatanong si Nico sa mga kaibigan niya ng pabulong.
"M-Mukhang m-masungit si C-Coach." Kabadong sambit ni Nico habang nakamasid sa Coach nila na nakasalubong na ang mga kilay.
Nakita ni Nico ang kaniyang kaklase na si Mark. Kaya nagulat siya.
"Mark,nagvvolleyball ka pala!?" Gulat na tanong ni Nico rito.
Hindi niya inaakalang marunong pala ito. Hindi kasi halata rito na sporty siya.
"Oo,Nico." Sagot ni Mark.
"Hoy,akala ko nagpunta kayo rito para mag tryout!?" Nagulat sila nang sumigaw ang kanilang coach.
Tila may takot na lumusob sa dibdib ni Nico dahil doon. Mukhang tama siya dahil masungit nga ang coach nila.
Nico Cruz's Point Of View.
Pinagpatuloy namin ang pagiistretching,takot na lang namin kay coach nang bigla itong sumigaw. Nakakatakot siya,lalo pa kapag nagsalubong ang mga makapal niyang kilay.
"Okay,tama na." Tumigil kaming lahat sa pag eensayo nang dahil sa sinabi ni Coach.
"Hay,salamat." Pagod kong sabi sabay punas ng pawis sa noo ko.
Muling lumusob ang takot sa sistema ko nang muling tumingin sa akin si Coach.
"Ano yun?" Masungit na tanong ni Coach.
Kinabahan ako dahil doon. Paano na lang kung hindi ako matanggap dito dahil lang sa kanina pa akong nasasaway ni Coach? Hays.
"W-Wala po.." Kabado kong sagot.
YOU ARE READING
Chasing Dreams
Teen FictionCredits to the owner of the photo that I used for the book cover♥