Chapter Two

16 6 12
                                    

Late na nagising si Nico nang dahil sa lungkot na nararamdaman niya dahil hindi siya natanggap sa tryout nila. Masyado niyang dinibdib iyon dahil talagang pangarap niya nang maging volleyball player simula noong bata pa lamang siya. Hindi niyo naman siya masisi dahil talagang gustong gusto niya ito.

Agad siyang lumabas ng kaniyang kwarto upang mag almusal na siya para makaligo na siya at makapag bihis dahil talagang late na late na siya. Paniguradong mapapagalitan siya ng teacher niyang walang buhok sa tuktok ng kaniyang ulo. In short,panot.

"Good morning,Sir Nico,handa na po ang almusal niyo."

"Morning," walang ganang sagot ni Nico sabay dedetso sa hapag upang kumain na.

"Parang wala sa sarili si Sir.." Bulong ng kasambahay sa kapwa niya kasambahay.

Pareho kasi nilang tinititigan ang bawat kilos ng amo nila at kagaya nga ng sabi nila,wala ito sa sarili. Muntik pang mailagay ang rice sa baso. Hays.

"Oo nga,no.." Sagot ng kasambahay habang tinitignan pa din ang natulalang si Nico.

Hindi inubos ni Nico ang kaniyang agahan at dumeretso sa bathroom at nang matapos maligo ay umakyat na ito sa kaniyang kwarto upang makapag bihis at pumasok na.

Nang maayos na ang lahat ay bumaba na siya dala dala ang mga gamit niya. Naabutan niya ang kaniyang mga magulang sa silid tanggapan kaya agad siyang lumapit sa mga ito.

"Bye,mom and Dad." Walang ganang paalam niya tsaka lumabas ng bahay.

"Manong,tara na." Utos niya sa driver nang makapasok siya sa kotse.

"Sige po,Sir."

Nang makarating sa kanilang Unibersidad,agad na lumabas si Nico sa kotse para hanapin ang kaniyang mga kaibigan.Chinat ni Nico si James.

Nico: James,saan ka na? Sabay tayo.

Wala pang limang minuto nang sumagot si James. Active kasi ito ngayon.

James: Absent ako ngayon,'tol. Sorry.

Nico: Okay..

Nang nasa pasilyo na ito,nakasalubong ni Nico si Sherwin Yaneza. Sherwin Yaneza being the typical playboy,may naka aligid na naman sa kaniyang mga babae.

Nagsalubong ang kilay ni Nico dahil doon.

"Sa lahat na lang ng makakasalubong,yung posporo pa." Inis na bulong ni Nico at dumeretso na sa klase nila.

Madaling madali si Nico nang tumunog na ang bell. Hudyat iyon na simula na ng klase kaya mas lalo siyang kinabahan.

Huli na ang lahat nang makapasok sa room si Nico dahil nandoon na lahat ng kaklase niya,maski guro ay nandoon na kaya mas lalo siyang kinabahan.

"S-Sir,sorry I-I'm late.."

Nang sabihin niya iyon at nilingon siya ng lahat. Para tuloy siyang isang artista na nagpunta doon dahil halos lahat ay nakatingin sa kaniya.

"Okay,take your seat."

Gaya ng sinabi ng kaniyang guro ay pumasok na siya at dumeretso sa kaniyang upuan. Pares pa din ng mga mata ang nakatingin sa kaniya pero hinayaan niya na lang iyon. Napatulala na siya sa kawalan.

"Cruz,okay ka lang ba?" Sa kalagitnaan ng pagtuturo ay napahinto sa pagtuturo ang kaniyang guro nang mapansin siya.

Hindi naman iyon narinig ni Nico dahil sa lalim na ng iniisip nito. Iniisip niya pa din kasi yung sa tryout nila.

Tinapik ni Mark ang kaniyang likod."Hoy,okay ka lang ba?" Tanong ni Mark kay Nico na nagulat at napakurap kurap sabay tingin dito.

Malalalim na nga ang iniisip niya dahil nagulat pa siya.

Chasing DreamsWhere stories live. Discover now