Prologue

1 0 0
                                    

Liana's POV

"Nakapagpasya ka na ba ng University na papasukan mo?" Tanong ng kaibigan kong si Diana.

"Yep. Nag take nga ako ng exam last week para maging scholar ako." Nag wink ako sa kanya but she just rolled her eyes. Naku suplada talaga.

"Really? Saang University naman iyan?"

"Wanjung University." Simpleng sagot ko bago uminom ng milktea. Nasa SM kami ngayon, nagpapasama kasi siya sakin bumili ng damit kasi new school, new elegant dresses, sandals and bags daw.

"Hmm familiar yung name pero parang hindi hehe." Mabilis ko naman siyang binatukan. "Ouch!"

"Siraulo ka pala eh." May kinuha ako sa bag ko tsaka pinakita sa kanya ang isang flyer na naglalaman tungkol sa Wanjung University.

"Sabihin mo na din kina Alexa, Natalie, at Mira na doon mag-enroll." I raised my eyebrow. "What?"

"Ba't hindi na lang ikaw ang gumawa niyan?"

"Ugh! Whatever Liana!"
--------

"Welcome to Wanjung University!" Masaya naman kaming sinalubong ng mga studyante sa Unibersidad na ito. And yes, lahat kaming magkakaibigan ay enrolled na dito. Lahat din kami ay mga scholar.

"Excuse me, magkakaibigan po ba kayo?" May desenteng babae ang lumapit sa amin. Batid koy isa siyang Professor sa University na ito.

"Yes po." Sagot naming lima.

"This way please." We're all confused pero sinunod lang namin siya hanggang sa nakarating kami sa kabilang building, hindi naman medyo malayo sa kung saan talaga ang University.

"You'll be in room 666. Here's the key. Enjoy!" Ngumiti ang babae tsaka iniwan kaming magkakaibigan sa harap ng mataas na building.

Nagkatinginan kaming lima dahil sa weird na room number. Sa dinami-dami ba namang room number eto pa.

"Whatever, it's just a room number." Pagbibiyak ko sa katahimikan. Kinuha ko kaagad ang susi namin ngunit nagulat kami ng may biglang nagsalita sa likuran namin.

"Welcome to Wanjung University, bitches!"
-------

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Places, Events and Incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

©All Rights Reserved. MgaSawingDyosa_2020


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wanjung University (완중 대학교)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon